Pag-ibig o Kaibigan (Filipino)

40 2 0
                                    

Pag-ibig o kaibigan, parehas silang mahalaga.
Sa hirap at ginhawa, makakasama mo sila.
Ngunit kapag ito ay nabahiran ng malisya,
Ano ang bibitawan ng isa para lang makuha,
Ang inaasam asam ng puso niya?

Mahirap pumili sa isa kung mahalaga silang dalawa,
May isang sasaya, may isang luluha.
Ano ang kaya mong isakripisyo kapalit ng kanilang kasiyahan?
May kailangan bang umalis at magpaalam,
Para lang masabi mong wala kang pagsisisihan?

Minsan lang dumating ang pag-ibig,
Kapag ito'y kumatok, kagustuhan ng puso ang mananaig.
Kusang mong ilalaan ang puso mo sa kanya,
Seguridad at tiwala ay ihahandog mo sa iyong sinisinta.
Lahat ay iyong gagawin, huwag lang siya tumingin sa iba.

Ang isang samahang nabuo sa mahabang panahon,
Kaibigang hindi ka iniwan mula noon hanggang ngayon.
Hindi mo kailangang magpanggap sa harapan niya,
Hindi mo kailangang magsalita, kilos mo lang ay alam na niya.
Mahal mo siya, mahal ka niya, pero hanggang doon lang ba kayong dalawa?

Paano mo malalaman kung ano ang landas na dapat mong puntahan?
Kung maski sa sarili mo'y hindi mo alam ang tamang kasagutan?
Pag-ibig o kaibigan, parehas silang mahalaga.
Sa puso mo, alam mong magkaibang tao sila,
Pero parehas mo silang minamahal ng sobra.

[This is a Poetry I made for the excerpt of my Novel The Spectrum of LIFE - Arc 2]

Under the Stars I Write Where stories live. Discover now