Binigyan ng respeto,
Dahil ika'y tapat at totoo.
Binigyan kita ng katapatan,
Dahil sa taglay mong kabutihan .
Binigyan kita ng oras,
Dahil magkasama natin iyon winawaldas.
Binigyan kita ng pang-unawa,
Bilang paalala na ang puso mo ay mahalaga.
Binigyan kita ng kabutihan,
Dahil wala akong hangad sa iyong kasamaan.
Binigyan kita ng pagmamahal,
Dahil kahit hindi mo hingiin, ika'y karapatdapat.Ngunit kung titingnan mo ito,
Bilang mga bagay na balang araw ay masusumbat ko sa iyo,
Muli mong tanungin ang sarili mo,
Anong karapatan kong manumbat,
Kung saan hinandog ko iyon sa iyo ng sapat?Bakit sa isang-iglap, ang akala kong sapat ay kulang pa rin?
Sa lahat ng binigay ko, kailanman hindi ako nanghingi ng kapalit.
Ikaw lang sapat na, pero may dahilan ka pa rin para maumay ka sa akin.
Isinantabi mo ako, itinapon, at ipagpalit.Karapatdapat ko bang maramdaman ito?
Kaparusahan ko ba ito dahil nagkulang ako?Bakit? Bakit? Bakit?
Ang daming bakit mula sa hindi mabilang na sakit.Bakit? Bakit? Bakit?
Bakit pilit kong pinipikit ang mga mata ko sa mga regalong sinuklian mo ng pasakit?Bakit? Bakit? Bakit?
Bakit pinabayaan kitang saktan ako ng iyong 'saglit?'Akala ko pangmatagalan ang samahang binuo natin.
Masaya tayo noong una, punong puno tayo ng kulay at pag-asa.
Pero sa isang kisapmata,
Nagkaroon ka ng dahilan para bawiin mula sa akin,
Ang minsan kong hiniling sa langit,
"Sana maging karapatdapat din ako,
Sana maramdaman ko na sapat na ako,
Bilang 'ako.'"
YOU ARE READING
Under the Stars I Write
Poetry[A POETRY COLLECTION] "Under the stars I write, Under the moon so bright. In the darkness of my heart, I hold on to the light. Thoughts in my head written in paper and pen. Voiceless words composed of memories by fate." - Hannah Redspring [PUBLI...