094

2.1K 56 13
                                    

A D I

For the first time in my life, hindi sina Lexi, Liv o si Stacy ang tinawagan ko para mag-rant ng mga problema ko.


Alam ko rin naman na may mga sarili silang dinadalang problema at ayaw ko pang dumagdag roon. Tsaka, busy rin sila sa paggawa ng kanilang thesis at malapit na rin ang pasahan nito. Balita ko nga'y nahihirapan sina Lexi sa kanilang thesis hindi dahil sa topic nila kundi dahil sa mga pabigat niyang kagrupo. Halos siya rin daw ang gumagawa sa kanila. 


Kino called at the right timing, just when I needed someone. Kahit na kagrupo ko si Kino sa thesis namin ay nahihiya pa rin akong humingi ng tulong sa kanya at halos lahat ng kailangan kong gawin ay willing siyang gawin ito.


Well, it was partly my fault kung bakit ako nahihirapan sa pag-edit ng thesis namin at kung bakit ako tambak sa gawain. Sa dami kasi ng mga schoolworks na binibigay sa amin ng aming mga professor ay mas lalo akong tinatamad gawin ang mga ito. Kaya eto ako ngayon, cramming. 


Hindi rin ako sanay na mag-cram at kadalasa'y nagagawa ko ito nang maaga. Usually, days or weeks before the deadline. Pero ewan ko ba. May sumpa yata ngayong second semester at mula no'ng nagsimula ito, bigla na lang ako nawalan ng gana.


Naiinis na lang ako sa sarili ko dahil hindi naman talaga ako ganito. Hindi ko rin alam kung anong sanhi nitong katamaran ko. Ang malala pa'y grade conscious ako. Sa tuwing ako'y nagb-breakdown, napapaisip ako ng mga bagay na hindi ko dapat isipin. Kagaya ngayon. 


I kept on overthinking what if my grades lowered down because of my laziness? What if matanggal ako sa Dean's List? What if magpatuloy 'tong papetiks petiks kong asal hanggang fourth year ako, kung kelan graduating na ako?


Hindi naman naghahangad ang mga magulang ko na napakataas na grado. Para sa kanila, okay na 'yong nakikita nilang nag-aaral ako at may natututunan. Ako lang naman ang naglagay ng pressure sa sarili ko. It wasn't them who'll be disappointed but me. That was what frustrates me the most; 'yong 'di ko maabot ang standards na meron ako sa sarili ko.


Nahinto ang aking mga iniisip nang makarinig ako ng katok sa pinto ng apartment ko. Si Kino na kaya 'to?


Pinunasan ko ang mga luha sa 'king pisngi at dali-daling tumayo para buksan ang pinto. Tama nga ang hinala ko. Siya 'yon. Nagmadali yata siyang pumunta rito kahit gabi na at nakapangbahay na damit lang siya. Medyo basa ang kanyang buhok at gulo-gulo. Kahit yata haggard 'tong si Kino ay ang lakas pa rin ng dating.


Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at niyakap ko na siya agad. Medyo nagulat siya sa ginawa ko dahil muntikan na siyang matumba patalikod. 


As soon as he regained his balance, I felt his hands wrap around my waist as he returned the hug. "What's the problem, baby?" he whispered in my ear, planting soft kisses on the side of my neck. 


"Just needed this," pabulong kong sagot habang nakapalibot pa rin ang mga braso ko sa kanyang leeg. 


"I bought you your favorite kanina. Maybe that will make you feel better?" 


Just Maybe (Playlist Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon