082

3K 76 49
                                        

K I N O 

Hindi ko na alam kung kailan naging mapayapa ang buhay ko simula nung nakilala ko si Aleah.


She was like a whirlwind, storming through my life and breaking walls I built up these past few years. Gano'n lamang kadali sa kanya iyon at kataka-takang hinayaan ko lang siya. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanya at napapagawa ako ng mga bagay na hindi ko naman kadalasang ginagawa. Sometimes, I just think that I was under some kind of spell that night.


That night I first saw her in Arsenal with her beaming smile.


That night I first tasted her sweetness against my lips. 


That night I first heard her begging me for more.


Since then, she was stuck in my mind like a parasite sucking off my blood; it was killing me. God knows how much I tried to resist her, but all I did was fail. I wanted more of her. I needed her. Kaya ngayo'y narito ako, isang manlalaro sa larong ako mismo ang gumawa pero ako 'yong natatalo. 


Habang tumatagal ang mga panahong kami'y magkasama, mas lalong bumubuo ang pagnanais kong makita siya araw-gabi. Hindi ko namamalayan na sa tuwing ako'y mag-isa, siya lagi ang hinahanap ng aking mga mata. Katulad na lamang ngayon.


Nasa bahay kami ni Clodoveo para tapusin ang susunod na chapter ng aming thesis na kailangang ipasa sa susunod na buwan. It was an overnight. Lahat kami'y nandito at fortunately, walang gulong nangyari sa loob ng walong oras na nandito kami. I was expecting Kendall to act up again, but I guess I was wrong.


She acted civilly toward Aleah and vice versa, but the tension was still there. Even I, Clodoveo, and Ethan were eyeing her just in case she started a war again. It was inevitable, considering what Kendall did to Aleah. Although, her improvement was evident after that incident which was a good thing. 


Lampas hatinggabi na no'ng tinanong ko si Ethan, ang nag-iisang gising maliban sa 'kin, kung nasaan si Aleah. Sa pagkakaalam ko, magkasama dapat silang dalawa ni Kendall sa lumang kwarto ng ate ni Clodoveo. Ngunit no'ng pumunta ako para tingnan kung siya'y tulog na, si Kendall lamang ang nakita ko roon. 


"Si Aleah? Lumabas lang saglit. Nagpahangin yata," aniya. Nagpahangin? Ng ganitong oras?


"Ah sige. Salamat pre," sagot ko bago bumaling patalikod at lumabas ng bahay para hanapin siya. Sumalubong ang nakakabinging tunog ng karaoke sa kabilang bahay at ang malakas na ihip ng hangin sa akin na para bang nagbanta na may paparating na ulan.


Dali-dali kong nilakad at inikot ang lugar nina Clodoveo kahit hindi ko 'to kabisado. Ngunit kalahating oras na akong naghahanap ay wala pa rin siya. Is she lost? Baka hindi niya rin kabisado 'tong lugar?


I tried to avoid thinking of the worse cases that may possibly happen, but it was no use. Pinagdasal ko na lang na sana'y nasa mabuting kalagayan siya. 


Nang maalala kong dala ko pala ang aking phone, sinubukan kong tawagan ang number niya.


Just Maybe (Playlist Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon