Epilogue

3.7K 70 48
                                        

A D I

Meeting Kino might be the most unexpected thing that had ever happened to me.


I had always been fond of reading romantic comedy books for as long as I remember. I never thought that I would experience such fiction in my life until Kino came and changed that.


It was two weeks before the orientation of our freshman year. To say I was nervous was an understatement. Nasa isip ko, college na ako? Paniguradong kakaiba na 'to kumpara no'ng high school pa lang ako. Alam ko naman na parehas pa rin ang school naming magkakaibigan pero hindi mawala sa isip ko kung anong gagawin ko pag hindi kami magkaklase.


Oo, may kakapalan naman ang mukha ko pero syempre iba pa rin kapag hindi mo kilala 'yong mga magiging kaklase mo. Pinagdasal ko na lang na magkaklase kaming apat.


Bumuhos ang ulan no'ng araw na iyon. Naglalakad ako pauwi galing kina Lexi dahil doon ako natulog no'ng isang araw. Malapit lang naman ang bahay niya sa apartment na una kong nirentahan kaya naisipan kong maglakad na lang. Aksaya rin sa pera kasi thirty pesos sa isang tricycle tapos walking distance lang. Pero bigla kong pinagsisihang maglakad no'ng umulan.


Ilang minuto rin akong naghanap ng masisilungan dahil mukhang lumakas pa lalo ito. Buti na lamang ay nakakita ako ng malapit na 7/11.


Papasok na sana ako sa loob para bumili ng payong pero bigla akong hinarangan ng guard sa labas. Mababasa ko raw 'yong loob ng tindahan.


Gusto ko lang naman bumili ng payong para makauwi na ako, panira naman.


Hindi ko napansing may lalabas pala ng store dahil abala akong makipagbangayan kay manong.


"You're in the way," ani ng matangkad na lalaking may nakasingit na toothpick sa kanyang labi. Nakasuot siya ng puting t-shirt at naka gray na shorts; ang buhok niya'y gulo-gulo ngunit nakuha niya pa ring magmukhang disente.


Hindi. Hindi lang disente. 'Yong nakatayong lalaki sa harapan ko ang pinakapoging nilalang na nakita ko. Oo, mas pogi pa sa mga ex ko.


Okay na sana kung 'di lang masungit. Tinanggal niya't tinapon ang toothpick na nasa labi niya kanina. Inirapan niya ako nang binigyan ko siya ng space para dumaan.


"Sungit," bulong ko ngunit napalakas yata ang pagsabi ko at napatingin siya sa 'kin no'ng sinabi ko iyon.


Hindi ko na pinatuloy ang pakikipagtalo ko sa guard. Ayaw ko naman gumawa ng eksena rito. Mamaya, may kumuha pa ng video at sabihing "Isang babae, nakipagtalo sa guard ng 7/11 matapos 'di payagan bumili ng payong dahil mababasa ang loob."


Tumayo na lang ako sa harap ng store at hinintay tumila ang ulan. Nang matulala ako sa hangin, nakita ko uling naglalakad 'yong lalaking nakasalubong ko kanina. Ang pogi talaga.


Huminto siya sa harapan ng itim na kotse at nakipag-usap sa driver sa loob. Aksidenteng nagkatamaan ang mga mata namin bago bumalik ang tingin niya sa kausap niya.

Just Maybe (Playlist Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon