100

2.3K 27 9
                                        

A D I

Ngayon ko lang naintindihan ang mga payo ng iba na "'Wag magsalita nang tapos." 


Akala ko no'ng una kaya ko. Akala ko no'ng una alam ko kung anong pinasok ko. Akala ko magiging kontento ako sa kung anong mayroon sa 'min. Nagsalita ako nang tapos na hindi inaasahang lahat ng akala ko ay mauuwi sa kabaligtaran.


Hindi ko pala kaya.


Hindi ko pala alam kung anong pinasok ko.


Hindi pala ako naging kontento.


At mas lalong hindi ko inaasahang masaktan ng ganito no'ng nakita ko si Kino na may ibang kasama.


Ilang beses kong sinanay ang sarili ko sa ganitong sitwasyon para maiwasan masaktan. Ilang beses kong tinatak sa utak ko na wala akong karapatang magselos kasi wala namang namamagitan sa 'ming dalawa. Pero bakit ganito? Parang gumuho ang mundo ko no'ng makita kong kahalikan ni Kino ang bago kong roommate. Halos maramdaman at marinig ko ang pagbiyak ng puso ko sa dalawa no'ng sandaling iyon. 


"Adi! Ako to, si Lexi!" Guminhawa ang aking pakiramdam nang marinig ko ang katok sa aking pinto at ang sigaw ni Lexi.


Dali-dali kong binuksan ang pinto at niyakap siya nang mahigpit. Hindi na yata siya nakahinga sa higpit nito. Tinapik niya ang aking likod, isang senyales na ihinto na ang yakap na agad kong sinunod. 


Nang makita niya ang mapupula kong mata at pisngi, napakunot ang noo niya. "Oh, anong nangyari? May nararamamdaman ka bang masakit? May umaway ba sa 'yo? Resbakan na ba namin? Sabihin mo lang."


Napatawa ako nang onti sa kanyang pag-aalala. "It's Kino," sagot ko sa kanyang katanungan.


Pumasok na kami sa loob at dumeretso sa kwarto para ikuwento kung ano ang nangyari kahapon. Wala rin naman 'yong bago kong roommate at sa makalawa pa lilipat kaya wala ring makakarinig bukod sa 'ming dalawa.


Sinabi ko sa kanya lahat, from the time I went outside to find a gift to give him when I'll ask him out to the time when I ran away the moment I saw my new roommate kissing the man I love. Halos hindi ko na matapos ang aking kwento dahil sa 'king mga hikbi ngunit naunawaan ito ni Lexi. Tahimik lang siyang nakikinig sa 'king mga sinasabi.


"Ang sakit lang kasi sa loob ng tatlong buwan mas lalo akong nahulog sa kanya pero siya? Parang wala lang sa kanya." I stifled a cry as I continued to vent out what I'm feeling.


I scoffed. "Hindi ko nga alam kung dapat ba akong maging malungkot kasi wala namang kami, hindi ba?" 


"Adi, no. Hindi ka naman mag-iisip ng ganyan kung hindi siya nagpapakita ng motibo. It's not your fault for hurting, okay? It's his kasi hindi niya pinapaliwanag kung ano ka ba sa kanya," sumbat niya.


Lumuwag ang pakiramdam ko nang marinig ko ang sinabi ni Lexi. Tama naman siya. I wouldn't assume things if Kino didn't show signs that he was interested of being more than what we were. 

Just Maybe (Playlist Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon