chapter 4 - Unexpected..

771 10 5
                                    

CHLOE'S POV

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa nakikita ko ngayon.. Pero kailangan kong magtago para hindi nila ako makita.. T_T Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko.. Para akong bulkan na unti nalang ay sasabog na.. Hindi ko kayang humarap sa kanilang dalawa at baka parehas ko silang masampal, hindi ko alam kung bakit.. Baka kasi ako lang din ang mapahiya..

Sobrang sakit pala na maloko.. At mas higit na masakit pa ay ang ikaw mismo ang makakita sa pangyayari na dapat matagal mo ng alam..

Sino sya? Bakit ganun nalang ka-close sakanya si Kevin? Pano nagawa sakin ni Kevin ang ganito? Kaya ba lagi nalang nya akong pinaghihintay at hindi kinakausap? Dahil sa babaeng yan? Pinagsasabay nya kami? Hindi ko na kinakaya ang ganito, hindi ko na maigalaw ang tuhod ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.. Nanghihina ako.. T__T 

Hindi ko rin maintindihan kung bakit naka-uniform na si Kevin.. Marami na ba talaga akong hindi nalalaman? Marami na ba talaga akong pinapalampas? :-< 

Hanggang sa malagpasan na nila ako at masaya silang naglalambingan habang naglalakad.

Nang makita kong palabas na sila, huminga ako ng malalim at naglakas loob na sundan sila. Nakita kong nakasakay na sila sa kotse ni Kevin. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko to pero gusto kong malaman ang lahat.. Alam kong para ko naring nilalaglag ang sarili ko sa maraming kutsilyo pero walang mangyayari sakin kung patuloy akong manghihina at iiyak nalang.. 

"Taxi!" 

"Manong, paki-sundan naman po yung kotse na yon.." sabi ko kay manong pagkasakay ko.. 

Habang nasa byahe, hindi ko mapigilan ang luha ko. Hindi ko matanggal sa isipan ko kung anong ginagawa nila sa loob ng kotse ni kevin. Nakasandal din ba sa balikat ni Kevin yung babae at  naglalambingan sila? Pag nakared ba yung stop light, hinahalikan din ba ni kevin ang babaeng yon? T_T 

Sa lahat ng naisip ko, mas lalong nadudurog ang puso ko.. 

Nang huminto ang kotse ni kevin sa tapat ng isang mansion, pinagbuksan pa nya ng pinto ng kotse ang babae..

"Ma'am, aantayin po ba natin sila makalabas o bababa na po kayo?" 

"A-antayin nalang po natin sila makalabas manong.." Nauutal ko pang sagot kay manong.. Buti nalang at hindi na sya umangal.. 

Tumingin sakin si manong at inabutan ako ng towel.. "Boyfriend mo ba yun?" Huminga sya ng malalim at tumingin ulet sakin.. "Iiyak mo lang yan para mailabas mo kahit sa ganyang paraan  nalang.. Mahirap magkimkim.." Tapos binalik na nya ang tingin nya sa harapan.. Napakabait ni manong, para syang papa ko.. Pero wala na sya, eh si mama nalang ang natira at malayo din ako sakanya. 

Inabutan na kami ng gabi at dalawang oras naring tumatakbo ang metro ng taxi ko. Pero wala na kong pakealam dyan, ang mahalaga, makita ko si Kevin at makausap.. Lumabas muna ako ng taxi at sumilip sa gate ng mansion, pero tago parin ako.. Alam kong mukha akong tanga sa ginagawa ko pero eto lang ang kaya ko sa ngayon.. 

Nang makita kong palabas na ulet ang babae at si kevin, nagtago sa gilid ng gate nila at saktong maririnig ko ang pag-uusap nila kung sakali man.. 

"Uuwi na ko sweetie. Thanks for the dinner. I'll fetch you tomorrow, 10 am pa naman pasok natin..." Narinig kong sabi ni Kevin.. 

Sumilip ako ng unti.. Pero sana pala hindi ko nalang ginawa dahil nakita kong hinalikan nung babae si kevin sa labi.."Oh yung homework natin sa 1st subject, wag mo kalimutan gawin okay? Tinuruan na kita kanina.." Nag-aaral na ulet sya? B-bakit di ko alam? T__T 

"Yes ma'am! Alam mo.. Parang ayaw ko na umuwi.. Pwede bang dito nalang ako matulog? Sa tabi mo.."Yumakap pa sya sa babaeng yun. Napapikit nalang ako sa sobrang sakit sa pakiramdam ng mga nakikita ko..

"Ikaw talaga! Magkikita naman tayo ulet bukas, eh. Sige na. Ingat sa pag-uwi. Loveyou babe." Sabi nung babae.. T__T 

Please kevin, don't answer her! Please.. T___T 

"I love you too babe." That breaks my whole world once again.T__T I can't help but to cry quietly. Hindi nila ako pwedeng marinig, hindi nila ako pwedeng makita dito.. All I want is to slap Kevin on his face as hard as I can!

asshole! T__T 

Nang makasakay si Kevin sa kotse nya, I heard my phone ringing.. He's calling.. T__T What a jerk. Two girls at a time? But I answered the phone call with a clear voice. Pero nung narinig ko na ang boses nya, I can't help but cry.. 

"Babe, are you crying?" Babe? Yan din tawag mo sa babae mo, eh! 

"N-no. I-i'm not.. I-i'm okay.. Where are you?" Tanong ko sakanya.. Sigurado naman na akong magsisinungaling sya.. Sino ba namang aamin sa mga bagay na pinakatatago nya?

I heard him sigh. "Kararating ko lang dito sa bahay.. Sobra nga akong pagod sa work ko, eh.. Pahinga na ko babe, ah.. Maaga pa ko gigising bukas para ihatid ka sa school mo. Diba?" 

"T-take your time to rest kahit wag mo na ko ihatid bukas, ayos lang.. Sige na. Magpahinga kana. Bye." 

"I Lov-----" Ayoko ng marinig yan kaya binaba ko na.. Hindi rin naman totoo ang lahat ng yan! Puros kasinungalingan lang ang lahat ng yan! T___T 

Bumalik ako sa taxi at nagpahatid ako sa bahay.. I doubled my pay to manong, nakakahiya naman sakanya dahil nasaksihan pa nya ang lahat ng mga pag-iiyak ko at nalaman pa nya na niloloko ako ng boyfriend ko.. Hayss..

Napahiga ako sa kama ko at dun umiyak ng umiyak.. Sa totoo lang, ayoko ng mabuhay pa dahil sa mga nasaksihan at narinig ko.. Pero sa sitwasyon ko ngayon, magpapakatanga pa ba ako? Kitang-kita ko na na hindi na ko mahalaga sakanya, kaya buo na ang desisyon ko.. Gagawin ko yun, bukas na bukas din.. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Updated! :) Hope you like it guys.. Comment and Vote! Thanks! Goodnight. ^____^V

Leah on the photo! GONDO! XDD

#BiiBiiBop <3

Set you free.. (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon