"Lintek ka talaga, Etus! Walang hiyang 'to, ang putik!" sigaw ni Agape sa kaibigan habang pinapagpag ang kaliwang paa na nalublob sa putikan. "Ang lampa mo kasi, gago!" sabay hagikhik ni Etus. Inunahan na niya sa paglalakad si Agape paakyat sa bundok.
"Kasalanan mo 'to kung bakit tayo naligaw! Hays, nasaan na ba kasi sila?" paika-ikang sinundan niya sa paglalakad si Agape. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagkairita dulot ng pagkahulog ng paa niya sa putikan.
"Hindi ko nga rin alam at saka 'wag mo nga akong sisihin. Pareho lang tayong humiwalay sa kanila. Kung bakit pa kasi kailangan nating dito pa magshoot sa bundok na 'to, ni hindi ko nga alam kung nasaan tayo bago tayo maligaw." napameywang na lang si Etus sa inis at mas binilisan ang paglalakad.
"May signal na ba sa phone mo? Wala pa rin sa'kin, tsk!" nilingon siya ni Etus at umiling-iling. Sa lagay ng dalawa ay wala silang mahihingan ng tulong. Wala din silang ibang choice kundi hanapin ang daan pabalik bago sumapit ang gabi.
Bestfriends since elementary sina Etus Sanvictores at Agape Trinidad. Ngayon ay pareho na silang college student at parehong nag-aaral sa iisang unibersidad. Pumarito sila sa Mt. Apo para magshoot ng kanilang gagawing movie na magseserve bilang final output nila. Suhestiyon talaga ng girlfriend ni Etus ang pagpunta nila sa nasabing bundok. Hindi naman umangal ang lahat sa desisyon niya dahil sa maganda daw ang view at madaming resort na malapit sa bundok. Perfect nga namang pahinga after nilang magawa ang movie. Sumang-ayon ang lahat sa napagplanuhan pero hindi inaasahan ng pitong magkakaibigan na magkakahiwa-hiwalay sila.
"Sandali, may nakita akong ilog." napalingon si Agape sa tinuro ni Etus. Sa reaksyon nilang dalawa ay kahit papano nawala ang kabang namumuo sa kanila matapos makita ang napakagandang ilog.
"Sakto kanina pa 'ko nangangati sa putik na 'to. Tara na!" hinila niya ang kamay ni Etus at pababang tinakbo ang ilog. Ilang minuto lang ay nasaksihan na nila ng malapitan ang kagandahan ng ilog.
"Anong ginagawa mo, hoy? 'Wag mong sasabihing maliligo ka dito?" pinaningkitan niya ng mata si Agape na nagtatanggal ng traveling bag at hinuhubad ang ripped jeans na naputikan. Hindi siya nito pinakinggan at nagpatuloy sa paghuhubad ng damit niya. Tanging boxer shorts lang ang natirang suot ni Agape. Itinabi niya ang pinaghubaran at nilagay sa loob ng traveling bag niya.
"Oh, 'wag mong sabihing naaakit ka sa abs ko, Etus Sanvictores." madiin nitong sambit at pinagtatapik ang abs niya. "Gago ka ba? Siraulo, amputa." takang tanong ni Etus at biglang sinapak sa mukha si Agape. Natatawang isinuko niya ang dalawang kamay at dahan-dahang lumapit sa tubig. "Easy, easy... Alam kong hindi ka bakla noh. Para saan pa si Vine kung bakla ka lang pala? Peace yo!" at tumalon na nga siya sa tubig. Napairap na lang sa hangin si Etus at inilapag ang buhat-buhat na traveling bag sa tabi ng bag ni Agape.
Nagsquat siya at kinapa ang phone sa bulsa. Napangiti siya nang mabuksan ang phone at rumehistro ang mukha ng girlfriend niya. "Vine... imissyou." hinalikan niya ang litrato at isinilid ang phone sa bag. Tumayo siya para libutin ng paningin ang ilog.
"Hindi ka talaga maliligo?" sabad ni Agape at winisikan ng tubig si Etus. Naningkit ang mga mata nito at dumampot ng bato. "Lalayo ka sa paningin ko o ibabato ko 'to sa'yo?" agad namang sumisid si Agape palayo. Natatawang binitawan ni Etus ang bato at nagsquat ulit. Nilibot muli ng paningin niya ang ilog at nahagip ang pigura ng isang babae na naliligo sa hindi kalayuan sa batuhan.
Napatayo siya at mas pinagkatitigan ang babae. Nakatalikod ito at hubad ang katawan. Natatakpan ng tubig ang kalahating parte ng katawan nito. Kulay-rosas ang mahabang straight na buhok nito at sexy ang pangangatawan. Maputi ang kutis at sakto lang ang tangkad.
"Bakla!" hindi niya namalayang nasa likod na pala niya si Agape at nagpupunas ng basang buhok. "Ay kalabaw! Baliw ka ba?!" napahawak sa dibdib si Etus at kinutusan si Agape. "Ano ba kasi 'yun? Kanina pa kaya kita tinatawag, nakaahon na lang ako hindi ka pa rin lumilingon." napahawak siya sa ulo.
"May babae..." nanlaki ang mga mata ni Agape at tinignan ang tinuro ng daliri ni Etus. "Woah, gagi ka Etus!" nabitawan niya ang towel na pamunas at kaagad tumalon sa tubig. Sinaway naman siya ni Etus at pilit pinapaahon. "Hoy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi natin 'yon kilala, baliw ka ba o bastos ka lang talaga?" nasapo niya ang noo nang hindi siya pakinggan ni Agape.
Dahan-dahang lumapit si Agape sa babae hanggang sa abot kamay na lang ang distansiya nila. Hindi siya nakaimik ng ilang segundo bago magsalita. "Hi miss, mag-isa ka lang?" ilang minuto ang lumipas pero hindi nagsalita ang babae.
"Agape! Halika na rito! Umalis na tayo!" hindi niya pinakinggan ang sigaw ng kaibigan. Akma na niyang hahawakan ang braso ng babae nang kusa itong lumingon at dinakma siya paibaba sa ilalim ng tubig. Nanlaki ang mga mata ni Etus sa nasaksihan, pilit hinahanap ng mga mata niya ang katawan ni Agape at ng babae sa ilog pero wala siyang makita.
Napipi naman si Agape habang hawak ng babae ang magkabila niyang braso at patuloy sa pagsisid sa kailaliman ng ilog. Ramdan niya na hindi na siya makahinga. Ilang saglit pa ay may dumamping kung ano sa likuran niya. Halos bumaliktad ang sikmura niya sa nakita. Iyon ang huli niyang nakita bago niya naramdaman ang hapdi sa may bandang leeg niya.
A/N: the name Sanvictores and Trinidad are from my reactors in facebook. yk, shared poster thingy...
![](https://img.wattpad.com/cover/307982156-288-k687602.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl In The River (ABSI)
HorrorThe long - standing case unresolved by the police will be reopened. There were seven best buddies since highschool that decided to go to Mt. Apo for their final output assigned by their professor. The plan is to shoot in the mountain, edit the scen...