kabanata 4

18 5 0
                                    

"Tutu!" bungad ni Vine at lumabas sa rest house at tinakbo ang pigura ni Etus na papalapit sa bahay. Agad niyang sinalubong ng yakap ang nobyo at saka unti-unting napaluha.

"Why did you do that?! Paano kung may nangyari sa'yo ha?" umalis sa pagkakayakap ang nobyo niya at pinunasan ang luha niya.

"I'm sorry, iniwan kita at pinag-alala. Imissyou Vivi, imissyou." muli niyang niyakap ang nobya.

"What happened, Etus?" bungad ni Nirvana na lumabas rin kasama si Wincy. Napansin nila ang kasamang babae nila Gonn at wala si Agape.

"Who's this? Where's Agape?" madiin nitong sagot.

"Let's talk about that inside." ani Gonn at hinawakan sa kamay ang babae. Sabay-sabay silang pumasok at naupo sa sofa. Nasa gawing kanan ni Gonn ang babae, katabi niya si Etus at si Vine.
Nasa katapat namang sofa nakaupo sina Nirvana, Coco at Wincy.

"So, who's she?" panimula ni Nirvana. Napalunok si Etus bago ikwento sa kanila ang nangyari. Hindi niya binanggit ang parte na nakakita sila ng babae at iyon ang kasama ni Agape nang mawala ito. Alam niyang magagalit si Nirvana at Wincy sa kaniya pati na si Vine. Kaya minabuti niyang hindi sabihin ang buong kwento.

"What?! Seryoso ka ba?" sigaw ni Nirvana na napatayo.

"Bakit ka naman iiwanan ni Agape? May pinagawayan ba kayo?" tanong ni Wincy na nanatiling nakaupo.

"Hindi ko rin alam, basta sinusundan ko lang siya hanggang sa hindi ko na makita kung saang direksyon siya tumakbo." pagsisinungaling ni Etus.

"Hey, thanks for helping my boyfriend. We owe you, ?" inilahad ng dalaga ang kamay kay Vine.

"Kry Teraille. It's nothing, ganun din naman siguro ang gagawin ng ibang taong makakakita sa lagay niya." tinanggap ni Vine ang kamay at nakipagshake hands.

"Vine Milagros. She's Nirvana Sanvictores, ate ni Etus." sabay nguso sa dalagang suot ng pares na pink pajama. "He's Gonn Gabriel." pakilala naman niya. Tumayo si Gonn at inilahad ang kamay kay Kry. Nakasuot siya ng black t-shirt at puting pantalon.

"Hi.." tipid na saad ni Kry.

"She's Wincy Soriano and he's Coco Buko." turo niya sa iba pang kaibigan. Matapos makipagkilala ay nagpresinta si Coco na paghandaan sila ng meryenda. Pasado ala una na kasi ng hapon, sumama naman si Etus at Gonn sa kaniya sa kusina.

Habang nagbibiyak ng itlog ay napatanong si Gonn kay Etus.

"So, what's her plan?" natigil sa pagbabalat ng hotdog si Etus at napatingin kay Gonn.

"Idk? Maybe she's going to continue finding her boyfriend."

"So, mags-stay ba siya dito?" ani ni Coco habang binabati ang itlog.

"Idk, sila ate at Vine na siguro magdedesisyon n'yan."

"Hey!" pigil ni Gonn sa ginagawa ni Etus. Halata sa mukha nitong wala siyang gana makipagusap at matamlay ang mga mata.

"Are you okay? Is this about Agape? Hahanapin natin siya at mahahanap natin siya, Etus." tinapik-tapik niya ang likod nito.

"Yeah.. I want to see him now, I hope he's okay. I want to find him now." niyakap siya ng mahigpit ng dalawang binata.

"Syempre naman, mag-iinom pa tayo eh. Hindi pwedeng wala si Agape." napakunot na lang ang noo ni Coco at iwinaksi ang narinig.

"Yeah, yeah..." mahinang tugon ni Etus. Ilang saglit pa ay pinagpatuloy na nila ang pagluluto ng meryenda para sa mga dalaga.

"Hmmm,hmm! Ang sarap." sinundan pa ni Kry ang pagkagat sa nilutong egg pizza nila Etus.

"May rules kasi kami dito sa rest house gaya ng kapag pangit ang lasa ng niluto mo ay ikaw ang uubos nun. At hindi ka pwedeng kumain ng ibang pagkain hangga't hindi mo nauubos yung niluto mo." ani Gonn at kumagat na rin ng hawak na pizza. Egg shaped pizza, na may ketchup sauce at hotdogs, pineapple ang toppings na binudburan ng maraming cheese.

The Girl In The River (ABSI) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon