"Okay, okay thankyou." saad ni Uno at ibinaba ang telepono. Naupo siya sa swivel chair at iginewang iyon habang nag-iisip. Nakarinig siya ng katok mula sa pinto ng opisina, inayos niya ang upon at pinagpag ang polo.
"Pasok." iniluwa ng pinto ang sekretarya niya na may hawak na papel.
"Sir Uno, hinahanap po kayo ng pulis na pumunta din po noong nakaraang linggo, nasa visitor's room po. Wala pong sinabi kung tungkol saan." naningkit ang mga mata ni Uno at tumayo.
"Susunod ako, salamat." tumango ang sekretarya niya at lumabas ng pinto. Kinuha niya ang coat na nakapatong sa swivel chair at isinuot. Tumingin siya sa wall window at nakita ang mga taong nasa beach.
"Here we go again." lumabas siya sa opisina at bumaba gamit ang hagdan. Naabutan niya ang pulis sa visitors room. Nakaupo ito sa sofa habang sumisimsim ng kape. Umupo siya sa kaharap na sofa at inutusan ang sekretarya para ipagtimpla siya ng kape.
"What brings you here again SPO3 Martin?" emphasizing the word 'again'. Inilapag ng pulis ang kape sa center table at sumandal sa sofa.
"Wala namang bago Mr. Milagros, nandito ulit ako para tanungin ka kung anong nalalaman mo tungkol sa kaso na hawak ko. Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin?" napakuyom ng kamao si Uno at nagtagis ang panga.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Kung may alam ako tungkol d'yan sa sinasabi mo, matagal ko na sigurong sinabi sa'yo. Pero wala, anong sasabihin ko kung wala naman? Kahit pigain mo pa ako, wala talaga." inis niyang sinabi.
"Baka naman pwedeng makahingi ng tinapay?" tanong nito.
"Tsk, kuhaan mo nga siya ng isang basket ng tinapay." madiing utos ni Uno sa sekretarya. Muling nabaling ang tingin niya sa pulis.
"Lalaki, 19 yrs old, nung isang araw pa. Nagpaalam sa mga magulang na pupunta dito kasama ang girlfriend para mag mount hiking. Girlfriend niya na lang ang nakauwi, hindi niya alam kung napano ang boyfriend. Basta na lang daw ito nawala at hindi na nakita." paliwanag ni Chief Martin sabay kagat sa pandesal na ibinigay ng sekretarya ni Uno.
Napakahawak sa baba si Uno at inayos ang pagkaupo.
"Walang akong natanggap na balita tungkol d'yan noong isang araw. Papasyal ako sa rest house mamaya para makibalita sa mga kaganapan doon." sagot niya at tumayo. Nanatili namang nakaupo ang pulis na ilang segundo lang ay nagpakawala ng malakas na tawa.
"Hindi ka pa rin ba natututo Uno? Wala ka na namang alam sa nangyayari sa paligid mo. Hindi ka ba natatakot na baka mangyari na naman ang nangyari sa'yo, sa anak mo dati?" nagtagis ang ngipin ni Uno sa narinig. Nilapitan niya ang pulis at hinigit sa kwelyuhan ng polo nito.
"Tarantado! 'Wag mong idamay ang anak ko dito!" akmang susuntukin na niya ito nang magsalita ang pulis.
"Ituloy mo kung gusto mong matulog ngayon sa presinto."
"Tsk!" pinakawalan niya ito at lumabas ng visitors room.
***
"Ano na naman?" iritang tanong ni Uno nang pumasok ang secretary niya sa opisina. Nakayuko itong lumapit sa kaniya hawak ang papeles at telepono.
"Mr. Seeger is calling sir, gusto daw po niya kayong makausap." inabot niya ang telepono sa kamay ng sekretarya at tinapat sa tainga.
"What do you want?"
"Naihatid ko na ang pamangkin niyo sa rest house ngayon lang. Nandun na siya kasama ang anim niyang mga kaibigan. Sinabi ko rin na busy ka pa kaya hindi mo siya madadalaw ngayon doon." napasandal ang likod niya sa swivel chair at bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
The Girl In The River (ABSI)
HorrorThe long - standing case unresolved by the police will be reopened. There were seven best buddies since highschool that decided to go to Mt. Apo for their final output assigned by their professor. The plan is to shoot in the mountain, edit the scen...