Walang pigil sa pagtakbo si Etus ng mabilis. Bawat apak ng paa niya sa lupa ay siyang lingon niya sa likuran niya. Pasado alas cinco na ng hapon at padilim na rin ang paligid. Bitbit niya ang travelling bag pati na ang kay Agape. Hindi niya alam ang gagawin matapos masaksihan ng mga mata niya ang paglaho ni Agape at ng babae sa ilog.
Ilang minuto niyang tinitigan ang kulay berdeng tubig sa ilog. Walang luhang tumutulo sa mga mata niya. Ilang sandali pa nun ay bigla niyang binuhat ang mga bag at tumakbo palayo. Labag man sa kalooban ni Etus na iwan si Agape sa ilog ay ginawa pa rin niya ang napagdesisyunan. Naisip niya na umuwi at humingi ng tulong sa iba dahil paniguradong hindi niya kayang hanapin si Agape ng mag-isa.
"Please be safe, please Agape, please..." paulit-ulit niyang sambit. Sa sobrang bilis ng takbo ay hindi niya namalayan ang malaking kahoy na nakaharang sa daan. Natalisod ang paa niya at tumama ang ulo sa malaking bato. Ramdam niya ang malagkit na dugong lumabas mula sa noo niya. Pinilit niyang tumayo pero hindi niya nakaya. Umikot ang paningin niya at unti-unting nawalan ng malay.
***
"Finally, you're awake!" dahan-dahang ibinukas ni Etus ang talukap ng mga mata at hinanap ang pinanggalingan ng boses na narinig niya. Nagulat siya ng mapagtanto na nakahiga siya sa hita ng isang babae. Naestatwa siya at hindi agad nahanap ang dila.
"Does your head still hurts?" maamong tanong nito. Agad naman siyang bumangon at napatayo. Sapo ng kamay niya ang noo, naramdaman niyang nakatali ng tela ang ulo niya. Nag-iwas siya ng tingin sa babae at pilit inaalala ang nangyari. Kumirot ang ulo niya na ikinasigaw niya.
"Don't force yourself, malaki ang sugat sa noo mo kaya masakit pa 'yan. Tinalian ko muna ng panyo para matigil ang pagdugo, maupo ka muna." awat ng babae sa kaniya. Seryoso niya itong tinitigan na para bang may binabalak itong masama. Hindi niya kasi alam kung paano niya nakilala ang babae dahil nga sa wala siyang maalala.
"Okay fine, I'll tell you what happened. But first maupo ka na muna, please?" nag-iwas ng tingin si Etus at naupo sa kahoy na katapat ng bonfire. Ngayon niya lang napagtanto na madilim na pala ang kalangitan. Napatingin siya sa suot na relo, pasado alas otso na ng gabi. Muling nabaling ang tingin niya sa babae na ngayon ay nagtutuhog ng hotdog sa stick. Nagsalubong ang kilay niya nang makita na bukas ang traveling bag niya. Nilingon naman siya ng babae at nagsalita. Mukhang nabasa niya sa ekspresyon ni Etus ang gusto nitong itanong.
"I found these in your bag. Sorry hindi ako nakapagpaalam at pinakealaman ko ang gamit mo. Don't worry, wala naman akong kinuha o ninakaw. Ito lang pagkain ang nilabas ko, you can check it if you don't believe me." sabay binuhat ng babae ang bag niya at inilagay sa tabi niya.
"Kung itatanong mo kung nasaan yung isang bag, nilagay ko sa loob ng tent." napalingon naman si Etus sa gawing kanan niya at nakitang nakaayos ang tent.
"Again, sorry for not asking your permission. Inayos ko na kasi yung tent habang natutulog ka kanina tsaka naghanap na rin ako ng pagkain. But I swear, wala akong kinuha at ninakaw–"
"Who are you?" pigil ni Etus sa babae at nagtanong. Napatayo ito habang hawak ang dalawang stick ng hotdog. Lumapit siya at umupo sa gilid sabay inabot ang isang stick.
"Kry Teraille." inilahad niya ang kamay kay Etus na agad namang nitong tinanggap.
"Etus Sanvictores." pagkuwan ay sabi nito at kumagat sa hotdog.
"So, how did you find me?"
"I'm finding my boyfriend here in the woods, I keep running until I saw your body laying in mud." that explains why his polo are covered with mud.
BINABASA MO ANG
The Girl In The River (ABSI)
HorrorThe long - standing case unresolved by the police will be reopened. There were seven best buddies since highschool that decided to go to Mt. Apo for their final output assigned by their professor. The plan is to shoot in the mountain, edit the scen...