kabanata 1

42 13 12
                                    

"Sigurado ka bang may matutuluyan tayo do'n?" naglalagay ng make-up na humarap si Wincy kay Vine na nakikipagusap sa boyfriend nitong si Etus.

"Hmm? Oo nga Wincy, kanina ka pa nangungulit tungkol d'yan!" iritang sagot ni Vine, hinarap niya ito at umupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. "Doon nakatira si Tito Uno at saka malaki yung rest house nila na pinagamit sa'kin. Ilang kwarto din ang meron dun, hindi na rin natin kailangan mamroblema tungkol sa pagkain. Sinabi kasi sa'kin ni Tito na siya na ang bahala basta magsabi lang tayo." humarap ito sa bintana at binuksan.

Nilanghap niya ang simoy ng hangin na pumasok sa bintana. "Okay, naninigurado lang noh." ani Wincy at nagpatuloy sa pagmamake-up.

"Etus, bro! Yung pustahin natin ha, 'wag mong kalimutan." umupo si Agape sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Etus. Pinaningkitan niya 'to ng mga mata at napasinghal. "Oo na, oo na. Hindi ko yun kakalimutan at saka hindi mo ba nararamdamang matatalo ka?"

"Oo nga, sigurado din ako. Basta Agape kapag natalo ka make sure na magbabayad ka." singit ni Coco na dumungaw sa likuran nila. Nakapatong ang mga braso nito sa pinaguupuan nila Agape at Etus.

"Panira talaga kayong dalawa, hindi pa nga natin alam kung may gusto ba sa'kin si Nirvana, eh. Malay niyo naman diba, ang kj niyo! Mga gago!"

"Uhumm, uhummmm~ Is what I heard true?"

"Malaki ang pusta ni Agape kahit alam naman niyang matatalo siya. Bobo lang HAHAHAHA." natatawang sambit ni Etus na ikinatawa rin ni Coco. Nakasandal sa upuan si Gonn at nakaharap sa kanila. "Himala nga 'yang pustahan niyo," bumaling siya kay Agape. "Paano magugustuhan ng isang menopaused na engkantong mukhang galing sa hukay ang isang tulad mo na playboy?" natatawa nitong tanong.

Pinandilatan siya nila Agape, Etus at Coco. Napailing ang tatlo na ikinakunot niya. "Tamo, mga baliw ba kayo–" tumama sa mukha niya ang shoulder bag na kulay brown. Nasapo niya ang ilong at inis na nilingon ang nanghampas nun.

"Menopaused na engkantong galing sa hukay ba? Gusto mong ibaon kita ng buhay?" inis na sambit ni Nirvana at pinulot ang bag na nahulog. "Tatahiin ko na 'yang bibig mo, kanina ka pa."

"Lah, di naman ako 'yun. Sila nga 'yun eh." nasapo niya ang mukha at lumapit kay Nirvana. "Sorry na babe, 'wag mong tatahiin yung bibig ko. Paano na kita mahahalikan n'yan?" nang-aakit niyang saad at kinulong ang beywang ni Nirvana gamit ang mga braso niya. Nakatalikod sa kaniya ang babae kaya hindi niya makita ang reaksyon nito pero sigurado siyang namumula ito sa kilig.

"Don't. Touch. Me." pinakawalan niya si Nirvana at pinaharap sa kaniya. Hinawakan niya ang pisngi nito. "Bati na tayo, ha." hinalikan niya ang noo nito at bumalik sa upuan niya. Nanatiling nakatayo si Nirvana habang hawak ang pisngi. Nahagip ng mata niya si Agape na nakatayo sa tabi ni Etus na siyang nakaupo. Nakatitig ito sa kaniya na siyang nagpahina ng tuhod niya. Bumalik siya sa pagkakaupo nang hindi nililingon si Agape.

"What happened, Agape?" takang tanong ni Wincy na katatapos lang iligpit ang make-up kit. Nakita niya kung paano umigting ang panga ni Agape. Alam niya na kapag ganun ang hitsura ni Agape ay nagagalit o naiinis ito. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. "Chill ka lang, hayaan mo na sila. Upo na tayo." inaya niya si Agape na maupo. Hindi na ito nagpatinag at hinayaan niyang hilahin siya ni Wincy sa dalawang bakanteng upuan.

"Hindi na talaga ako magtataka kung bakit nagbreak si Gonn at ang girlfriend mo." bulong ni Coco na ngayon ay katabi na niya sa upuan. "Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan. Ang sabi ni Vine sa'kin ay si Gonn ang nakipagbreak sa kanila. Ang kapal naman siguro ng mukha ni Gonn na makipagbreak dahil nambabae siya na hindi alam ni Vine. Like, men walang ginagawang kung ano si Vine tapos biglang susulpot si Gonn para hiwalayan siya at iwan nang biglaan na para bang nothing happened. Hays, pero naisip ko na okay na rin 'yun. Mas masakit kung nahuli sila ni Vine." tinapik-tapik ni Coco ang likod ni Etus.

The Girl In The River (ABSI) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon