kabanata 2

34 9 1
                                    

"We're here, Ms. Milagros." matapos ang kalahating oras ay nagsalita na rin ang driver. Akma na itong bababa sa van nang magsalita si Vine.

"By the way, where's Tito? Is he here?" nilingon siya ng driver at napailing. "He's busy today, Ms. Marami siyang inaasikaso sa resort niya kaya hindi niya kayo makakausap ngayong araw." sagot nito at bumaba ng van. Napasinghap na lang si Vine. Five years na rin ang nakalipas nang huli niyang makita ang Tito niya. Nang mamatay ang daddy ni Vine ay ang Tito Uno na niya ang tumayong daddy nito. Kapatid ito ng daddy niya, a month ago as she celebrated her 19th birthday ay sumunod na ang mommy niya sa daddy niya. She's now living alone, ang Tito niya na ang sumusuporta sa kaniya.

"Vivi, let's go." ayaya ni Etus at binuksan ang sliding door ng van. Bago siya bumaba ay ginising niya ang ate niya na nakatulog pala sa byahe.

"Shhhh, don't wake her up. Ako na ang bahala sa kaniya." bulong ni Coco habang nakalagay ang hintuturo sa bibig niya. Napathumbs up na lang si Etus at pumunta sa likod ng van para gisingin ang dalawang binatang natutulog.

Binuksan niya ang pinto at niyugyog ang dalawa.

"Agape, Gonn, wake up we're here." hindi na niya inulit ang pagtawag nang mamulat ang mata ng dalawa at sabay humikab.
"Be careful with these bags. Handle it with care–" bumaba sa compartment si Agape at tinapik ang balikat ni Etus. "Handle it with care. Kapag may nasira kami ang malalagot. See? kabisado ko na ang linyahan mo. Kanina mo pa kaya 'yan sinasabi bago tayo sumakay ng bus. Don't worry Sanvictores, walang masisira." at nagpakawala siya ng ngiti. Nagthumbs up si Etus bago puntahan si Vine na nakatayo na at hinihintay ang iba na bumaba.

"Hindi ka pa ba bababa? Tayo na lang nila Nirvana nandito sa kotse." nanatiling nakapilig ang ulo ni Wincy at nakapikit ang mga mata.

"Wincy Soriano, I know that you're not sleeping. Stop pretending, open the door and go outside." seryosong wika ni Coco. Idinilat muna ni Wincy ang isang mata at tinitigan si Coco. "Gusto mo lang magpagising eh, bilis na lumabas ka na." at tinulak-tulak ni Coco ang braso ni Wincy. Natatawang idinilat ni Wincy ang mga mata niya. "Paano mo naman nalamang nagtutuglugan lang ako?" mataray nitong tanong.

Nagpakawala ng bunting hininga si Coco bago sumagot. "Sinisinok ka kapag natutulog ka." napacross arms siya habang inaantay ang magiging reaksyon ni Wincy. Sa totoo lang ay naweweirduhan talaga siya kung paano matulog si Wincy. Nalaman niya na ganun pala ito matulog nung nagoversleep silang pito sa apartment ni Agape. Sino nga bang tao ang sinisinok kapag natutulog?

Nagsalubong ang kilay ng dalaga at kinurot sa tagiliran si Coco.

"A-a-ahhh." mahinang impit niya. "Tutal hindi kita naisahan, ikaw magbubuhat ng bag ko. Bye!" iniwan niya ang bayong sa upuan at lumabas. Naiwan naman si Coco na hinihimas ang parteng kinurot ni Wincy. Mahaba pa naman ang kuko ng dalaga kaya panigurado niyang bumaon iyon sa tagiliran niya.

Nabaling ang atensyon niya kay Nirvy. Ilang segundo niyang tinitigan ang maamong mukha ng dalaga habang natutulog. Lahat ng sakit na iniinda niya sa nakaraan ay unti-unting nawala. Sa ngayon ay kuntento na siya na kaibigan niya si Nirvy. Pero hindi ibig sabihin nun na ititigil na niya ang pagtatangi sa dalaga. Naisip niya na huwag madaliin lang lahat dahil umaasa siyang mangyayari rin ang gusto niyang mangyari sa tamang panahon.

"Anong nangyari?!" nag-aalalang tanong ni Etus nang makitang lumabas ng van si Coco na buhat-buhat si Nirvy ng pa-bridal style. Ngumiti siya at mahinang nagsalita. "I don't want to wake her up, napagod yata siya sa byahe. Dont worry it's not hassle for me, kaya ko naman siyang buhatin. Will you let me...please?"

Nasapo ni Etus ang noo at napatango. "It's okay, basta kapag kailangan mo ng tulong para sa bag na buhatin mo. Sabihan mo lang si Agape." nagthumbs up naman si Agape kay Coco. After nilang mailabas ang mga gamit ay nakipagusap si Vine sa driver. Pagkatapos ay sabay-sabay nilang nilakad ang daan papunta sa rest house.

The Girl In The River (ABSI) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon