Chapter 2

303 23 0
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas simula nong pumunta ako sa school namin. Para ayusin yong mga requirements ko para sa scholarship ko sa Maynila.

Sayang kasi yon kapag hindi ko na asikaso, makakatulong rin yon sa pangarap ko.

Ayon rin kasi yung pinapangarap kung mapasukan na university simula pa lang. Pero agad rin yung naglaho nang taging mayayaman at may kapangyarihan na tao lamang ang nakakapasok doon. Katulad na lamang ng mga anak ng mga Politician, Businessman at Business woman, Artista at marami pang iba.

Hindi sa katulad kong dukha na walang maipagmamalaki kumpara sa kanila na kaya nilang bilhin ang lahat-lahat pati ata pagkatao mo puwede rin nilang bilhin.

Pero agad rin ulit iyong nagbago ng sinabi ng aming principal na magkakaroon ng ng libreng scholarship pa-maynila sa iba't-ibang university ang lahat ng nagkamit ng karangalan. Lahat ata ng students sa school namin ay tuwang tuwa dahil lahat kami ay may karangalan aba'y sino bang hindi matutuwa lalo na't kasama roon sa mga university na mayroong scholarship yong dream university ko.

Like, dream university muna yong lumalapit sayo, aayaw ka pa ba?

Aba'y dapat grab it na natin yon, once
in a blue moon lang sila nagpapa-scholarship. Kaya ayon
sobrang saya ko kulang na lang ay
hindi ako matulog.

Napukaw naman ang aking isip ng magsalita ang magsalita ang dalawa sa magkambal "Ang creepy mo Ate" tinaasan ko ito ng kilay tsaka inirapan.

Mukha ba akong creepy, like sa sobrang ganda at pogi kung ito magmumukha lang akong creepy sa paningin nila?

"Ako? Mukhang creepy hindi naman sa poganda kung toh?" nakita ko naman silang nagkatinginan at sabay nagsuka sukahan, mga empakta talaga.

"Ang hangin dito sa part na ito." anas ni Apollo habang nakataas ang isang kamay sa aking noo.

"May bagyo ba here?" inarteng gatong naman ni Artemis sa kakambal nito.

"Grabe naman kayo sa akin parang di mga kapatid." anang ko na ikinatawa nila.

Makalipas ng ilang minuto ay nagpaalam muna ako kala Artemis na bibili muna ako sa tindahan nila Aling Ellie, bibili lamang ako ng yelo na ihahalo ko sa ginawa kung buko juice.

Kakukuha ko lang rin ng buko sa likod bahay namin kaya naisipan kung gawin itong juice kaysa yong ma-preservative na binibili sa tindahan at ang mahal pa.

Choosy pa ba ako? Atleast ayon natural walang halong kemikal.

"Magandang tanghali Mang Bert ang aga aga alak agad inaatupag ninyo ah!" pabiro kong saad natawa naman ito sa aking inihayag.

"Loko loko ka talagang bata ka halatang may pinagmanahan ka talaga sa Tatay mo." natatawang saad naman nito sa akin.

"Aba'y syempre naman po Mang Bert eh Tatay ko yon eh HAHAHAHAHAHHA." iling kong anang rito na ikinatawa rin nito.

"Hay nakong bata ka, mali ka ng sinasabi hin--." hindi pa natatapos ang sasabihin sana nito sa akin ng umalingawngaw ang boses ni Aling Ellie asawa kasi nito si Mang Bert na mahilig sa alak.

Ano yong binanggit niya, hindi ko kasi narinig eh? Si Aling Ellie kasi ang lakas lakas ng boses.

Oo dahil araw-araw siya inom ng inom, curious nga ako bakit di siya nagkakasakit sa atay eh. Siguro may lahing mga aswang to HAHAHAHAHAHAH.

"Jusko naman Bert kay aga aga
alak agad yang pinagkakaabalahan mo.
Mag laba ka nga roon wala na tayong maisusuot na damit." bulalas ni
Aling Ellie kay Mang Bert natawa
naman ako sa kanila.

The Day Before YesterdayWhere stories live. Discover now