"Promise ko sayo na. . ."
Napabalikwas ako ng pagkakabangon sa tinig na aking naririnig.
"Aray" hawak ko sa aking ulo ng may maramdamang kirot roon.
"Nasaan ako?" takang kong tanong sa aking sarili. Nilibot ko naman ang tingin sa buong kuwarto na aking kinaroroonan isa itong puting silid.
Nasa langit na ba ako?
I was about to stand up when I realized there was an IV drip attached to my right hand. I checked it because my hand was starting to feel numb.
I endured the pain in my body just to get up. I wanted to ask if my companions were outside or if I even had anyone with me here.
Nakakailang hakbang pa lamang ako dala dala ng dextrose bag ng inuluwa sa pintuan ang aking mga kapatid, ang pamilya ng aking Tita at sila Sir AJ at Ma'am Carmela.
"Jusko kang bata ka at saan ka na naman pupunta alam mo bang bawal kang tumayo at baka bumuka yang sugat mo sa ulo." nagaalalang sambit nito papalapit sa akin tsaka ako inalalayan makaupo sa kama.
"Tita hindi naman po ulo ang naglalakad kung hindi ang ating mga paa." kuwela kong pagsagot rito nakatanggap naman ako ng irap mula rito narinig ko naman ang mga kasamahan naming humagikhik.
"Yang ka pilosopohan mo Hades itigil-tigil mo yan sinasabi ko sayong bata ka. Ikaw lang ata yong kagigising lang sa pagkakatulog ng tatlong araw na sobrang lakas at may gana ka pa talagang magloko." nanlaki naman ang aking mata sa aking narinig.
Tatlong araw?
"Tatlong araw po? Baka niloloko
ninyo lang ako?""Mukha ba akong nagloloko kang bata ka aba'y hindi ka gumising ng tatlong araw at ngayon lamang. Nagaalala nga kami sayo sapagkat baka hindi ka na magising sa pagkakatulog."
"Ano po bang nangyari?" taka kong tanong sa mga ito.
"Wala kang naaalala?" umiling lamang ako sa tanong na ito.
"Meron naman po ngunit naalala ko lamang na nasa masikip akong lugar na punong-puno ng t-tubig." hayag ko hindi ko namanalayan na unting-unting nanginginig ang aking mga kamay.
"T-tita?" nauutal kong pagtawag rito.
"Hades, tumingin ka sa akin"
"Hades!"
"Hades!"
"Wala kang kuwentang bata ka" sambit ng boses sa aking isipan na halos mapahawak ako sa aking buhok dahil ang lakas lakas ng boses nito sa aking utak.
"Babalik ako promise. . ."
"Pabigat"
"Di ba sabi ko magkikita pa tayo. . ."
"Malas. Malas. Malas"
"Kailangan ko ng umalis. . ."
"Nagpapasalamat ako sa gago mong Ama dahil may naiwan siya para naman maranasan mo yung sakit na naramdaman ko noon"
"Tama na po" sigaw ko habang nakahawak sa aking ulo.

YOU ARE READING
The Day Before Yesterday
Любовные романыHades Lisha M. Ford is an ambitious girl who wants to succeed in her life and dream. She dreams a lot, especially to her family, especially to her siblings. A province girl who dreams of being accepted and entered a prestigious university in Manila...