Lumipas ang mga araw at sariwa pa rin sa akin ang mga nangyari unti-unti na ring naghihilom ang mga sugat sa akin mukha kaya hindi na halata pagkatapos ng pangyayaring iyon hindi ko na nakita si Tatay ang sabi ng mga kapatid ko ay pumalaot na raw ito sa mismong araw nang nagkaroon kami ng alitan. Tila'y may umaayog sa aking kinauupuan at doon ko lang nakita si Ma'am Carmela.
Nabalik ako sa reyalidad ng maramdaman kung may umaalog sa aking balikat "Hoy bata! Kanina ka pa tulala, malapit na magsimula yong graduation ceremony. Nasaan na ba yong mga magulang mo Hades at kaylangan natin sila dito. Alam ba nila na ikaw yong validectorian sa batch ninyo? Siguro sobrang tuwa ng mga magulang mo dahil may anak silang katulad mo." ani nito pero para akong wala sa sarili nabalik ako sa katinuan ng batukan ako nito ng malakas kaya sinamaan ko ito ng tingin.
Masaya nga ba talaga sila na may anak silang katulad ko?
"Jusko kang bata ka. Para kang nawawala sa sarili mo kanina pa ako dada ng dada dito hindi ka lang naman nagre-react sa mga pinagsasabi ko." napakamot naman ako sa aking batok dahil sa hiya.
"Ano po bang sinabi ninyo?" magalang kong saad rito na ikinairap nito.
"Ang sabi ko ay kong handa na ba yong speech mo para mamaya?" napatango naman ako sa sinabi nito.
"Tapos na po tsaka nabasa na rin ni
Sir AJ yong speech ko. Pero kung gusto ko raw mag on the spot mag speech ay okay lang rin. Kasi baka raw mas maganda raw yon at damang dama ng nakikinig." tumango naman ito at ngumiti sa akin."Eh kung maayos na pala yong speech mo. Sino ang sasama sayo sa stage?" sino nga ba? siguro ay siya na lamang o di kaya si Sir AJ mga kaibigan ko naman sila.
Pero puwede ba yon?
"Mga ilang minuto ay magsisimula na po ang ating palatuntunan." napatingin naman ako sa stage ng mag salita ang isa sa mga emcee kasama nito si Sir AJ na nakatingin rin sa banda namin ni ma'am kaya kinawayan ko ito.
"AJ pagsabihan mo nga yong anak natin tulala na naman kanina ko pa yan kinakausap lumilipad na naman ata yong utak." salubong ni Ma'am Carmela kay
Sir AJ. Grabe naman sa makalutong puwede bang may iniisip lang.At kung tatanungin ninyo bakit 'anak' ang tawag nila sa akin dahil trip lang nila HAHAHAHAHA joke. Dahil gusto nilang maranasan na may matawag na anak at gusto nilang ma-experience ang maging isang magulang kaya nong simulang nakilala nila ako parang anak na nila yong turing nila sa akin.
"Oy bata kanina ka pa tulala pumila ka na doon at magsisimula na ang graduation ceremony ninyo. Btw, sissy may mga poging professors doon oh galing maynila gusto ko na atang sumama pa-maynila. Dito ko na ata makikita ang magiging sugar daddy ko." wika nito habang kinikilig nakita ko naman ang pagbabago ng timpla ng mukha ni Ma'am Carmela smell something fishy HAHAHAHAHA cute bagay sila napailing na lamang ako sa mga nakikita ko.
"Tsaka Hades yong examination mo para sa college next week pagkatapos ng pyesta yon gaganapin. Nandidito yong secretary ng may-ari ng school na yon. Oh sya alis na ako pumila ka na doon sa section mo, sshhoouu shouuuu." taboy sa akin nito sabi sabay tango ko rito at pila sa seksyon namin kita ko rito ang naggagandahang ngiti ng aking mga kaklase kasama ang kanilang mga sariling magulang. Sana may pumunta lamang sa kanilang dalawa kahit isa lang sa kanila.
Habang busy kakamasid sa buong venue busy naman yong mga kaklase ko sa paglalagay ng make up sa kanilang mga mukha. Pinipilit pa nila akong lagyan ng make-up ngunit tumanggi ako dahil hindi ako sanay maglagay ng mga kolorete sa mukha.
At baka lamang ay magmukha akong clown na pagod kaya humingi na lamang ako sa kanila ng pulbo dahil ayon lamang nais kong ilagay sa aking mukha, maayos naman ang aking pagmumukha kahit wala akong inilalagay sa akin na mga anik-anik.
YOU ARE READING
The Day Before Yesterday
RomanceHades - Isang probinsyana girl, na nangangarap na matanggap at nakapasok sa isang prestihiyosong unibersidad sa Maynila ang "Watson University". Paano kung isang araw ay maging isa siya sa mga makatanggap ng scholarship nang unibersidad na'to. Paano...