Chapter 7

234 15 0
                                    

Kinabukasan pinayagan na akong makauwi kaya sobrang tuwa ko dahil matatanggap na yong dextrose na naka-inject sa aking kamay.

Medyo nangangalay na rin ang aking kamay kaya hindi na ako makapagpigil na matanggal ito. At isama mo pa yong kamay ko na may sugat dahil sa pangyayari kahapon.

Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Sir Aj ihahatid raw niya kami sa bahay namin bukas na rin ang examination ko para sa scholarship pa-maynila.

Medyo kabado ako pero ayos lang yon normal lang naman ata sa tao ang kinakabahan, maayos na rin yong pakiramdam ko iniinom ko rin ang mga gamot na inireseta sa akin ni Doc. Billie.

6 seater itong kotse ni Sir AJ kaya unti lamang kaming nakasakay buti na lamang dala rin ni Ma'am Carmela ang kotse nito para raw hindi na kami gumastos para sa pamasahe namin.

Sila ang tumulong para mabayaran lahat ng hospital bills ko kaya laking pasasalamat ko talaga sa kanila dahil hindi nila kami iniwan minsan napapaisip ko na lang na baka anak talaga ako ng dalawang to sa dati nilang mga buhay.

Habang ang dalawang taong dahilan kong bakit ako na ospital hindi ko alam kung nasaan pero hindi ko sila kaylangan ngayon dahil hindi ko na rin kailangan ng presensya nila.

"Hoy bata, kanina ka pa tulala" pukaw pansin sa akin ni Sir Aj kaya naman napatingin ako rito.

"Wala po, may iniisip lang kinakabahan ako para sa examination ko para bukas. Pano na lang kapag hindi ako makapasa? Sayang rin yong scholarship." sunod-sunod kong tanong rito.

"Ano ka bang bata ka ikaw hindi makakapasa kaylan yon nangyari. Lahat ata ng sinasalihan at pinage-examan mo lahat ka doon pumapasa. Sa talino mong yan nagdududa ka pa sa sarili mo?" takang tanong nito.

"Minsan nagdududa ako lalo na't alam kong may mas marami pang magagaling sa akin kong makakapasa man ako roon. Edi happy kong makakapasa, kong hindi naman okay lang rin hindi lahat sa oras puwede tayong manalo." sagot ko rito tsaka ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.

"Basta susunduin ka namin ng Ma'am Carmela mo bukas dahil kami ang maghahatid sayo." tumango naman ako rito kahit hindi ako nakatingin rito.

"Alam mo Sir AJ, minsan gusto kitang sapakin." sambit ko habang nakatingin sa malayo. Bigla naman itong prumeno na halos ikahalik ko na sa harapan ng sasakyan buti na lang mag seatbelt ako.

"Bakit mo naman yan nasabi?" takang tanong nito.

"Di mo ba naiisip Sir AJ sa ginagawa ninyo, binibigyan ninyo ng hint si Ma'am Carmela na mas magustuhan ka pa lalo. Mix signal enjoyer ata kayong dalawa dahil ayon nakikita ko sa mga ginagawa ninyo. If you love Ma'am Carmela then pursue her hindi naman yon maarte sa mga bagay bagay. Pero kapag wala talaga, sabihin mo sa kanya para hindi siya umasa. Wag mong hahayaan na may taong mawawala sayo sa ginagawa ninyo." hayag ko. Narinig ko naman itong bumuntong hininga na ikinailing ko.

****

Makalipas ng ilang minuto nasa tapat na kami ng aming bahay lumabas kaagad ako at inalalayan ang aking mga kapatid at binuhat si Hermes na natutulog ngayon. Palaging tulog ang batang ito tulog mantika rin.

"May tira pa bang shanghai?" tanong ko kay tita habang papasok ng aming bahay.

"Aba'y syempre naman nandodoon rin ang ibang ulam nong nag fiesta sayang nga lang ay hindi ka nakapaglaro sa liga. Nagalala sayo mga kagrupo mo akala nila ay tinakasan muna sila tumulong rin sila sa atin sa ibang bayarin dahil pero hindi natin iyon nagamit dahil sila Sir at Ma'am muna ang umako ng bayarin." tumango naman ako tsaka nagpaalam muna sa kanila na inakyat itong mantikang kalong-kalong ko.

Bago ako lumabas ay binigyan ko muna ito ng halik sa kanyang noo. Bumaba kaagad ako upang initin ang mga ulam na nasa ref, una kong ininit ang menudo, afritada, kare-kare sumunod ang shainghai.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Day Before YesterdayWhere stories live. Discover now