Sa sinabi kong ladies drink ang dalhin sa amin pero kabaliktaran ang dinala ni
Sir AJ kaya ito mga tulog ang kasamahan ko. Ginawa kasing tubig ang mga alak kala mo naman kay lalakas magsiinuman ang bibilis naman malasing.Isama mo pa yong dalawa kung kapatid na sobrang babait ginawa ba namang tubig yong alak aba'y akala nila sasalbahin sila nito pagkinabukasan.
Buti na lamang puwede na silang uminom dahil mga nasa legal age na rin naman sila hindi lang halata. Buti na lamang rin talaga wala rito si Tita kung hindi pare-pareho kaming malalagot.
Ito namang kaibigan ko, ito buhay na buhay pa nainom pa rin sa tabi ko ginagawa ring tubig yong alak.
Habang sila Sir AJ at Ma'am Carmela, ayon nage-emote sila roon sa may dalampasigan. Para silang mga ewan roon nagd-drama dahil nga mga lasing sila pero alam ko naman na kaya na nila yong sarili nila malalaki na kaya sila.
Ang di ko lamang alam kung papaano ko dadalhin ang aking dalawang kapatid at ang dalawang matandang nagd-drama roon.
Malaki na naman si Alice kaya na niya ang sarili niya tsaka mukha naman siyang nasa tamang pagiisip mukha lang hindi.
"Alice" tawag ko rito na ikinalingon nito.
"Tulungan mo akong ihatid tong mga to." sambit ko na ikinatango nito. Pero bago pa man yon nilinis muna namin ang aming pinaginuman bago binitbit ang dalawa.
Ako ang nagbuhay kay Artemis at siya naman nag akyat kay Apollo mamaya na lang namin babalikan yong dalawa ihahatid muna namin ang mga ito.
"Inom pa" sambit ko sa natutulog kong kapatid habang buhat-buhat ito. Nakita ko naman ang pagtango nito na ikinailing ko lamang.
Ng makarating kami sa aming tinutuluyan agad kong inilapag sa isang higaan ang dalawa tsaka sila kinumutan. Babalikan pa namin ang dalawa roon sa tabing-dagat at kong anong mangyari doon sa dalawa.
Habang naglalakad kami pabalik nakita ko naman ang pagtingin ni Alice sa dalawang kumpol ng taong nasa unahan namin kaya napataas ang aking kilay sa aking nakikita.
"Do you like Ma'am Carmela?" I asked, sounding a bit foolish. It was a question that came out on its own, which she simply responded to by shaking his head.
"No, I know Ma'am Carmela has feelings for Sir AJ. This guy is just too dense to notice it. I'm just playing along with her antics to make him jealous. And it seems to be working. He looked like he was furious at me earlier; if looks could kill, I would have been lying lifeless hours ago," he said with a laugh, leaving me shaking my head in disbelief.
Mukhang naramdaman rin ata nitong isa yong lihim na pagtingin nito pero mukhang manhid lang talaga itong isa para hindi maramdaman. Bahala sila malalaki na sila para maramdaman ang mga bagay na iyan, ang dami ko na ngang problema dadagdag pa sila sa problema ko. Joke HAHAHAHAHA.
"Tara, sunduin na natin yong dalawa at baka anong mangyari pa sa mga iyon." hayag ko rito na ikinatango naman nito.
Aka'y ko si Sir AJ at buhat buhat naman nitong isa si Ma'am Carmela hindi pa napayag itong isa na buhatin ito dahil sa kanya raw ito. Mga Lasing Moments nga naman.
Nang maihatid rin namin ang dalawa inihiga na rin namin sila sa kanya kanya nilang higaan bawal silang magtabi dahil bawal yon.
Itong si Alice naman nahiga na rin sa higaan namin kami naman kasi yong magkatabi. Parang tuko kasi sa akin parang ewan di mahiwalay sa tabi ko.
Dumiretso lang ako ng banyo tsaka nagritwal at ginawa ang aking night routines. Agad akong humiga sa tabi nito pero pa man iyon nagpasalamat muna ako sa panginoong may kapal.

YOU ARE READING
The Day Before Yesterday
RomansaHades Lisha M. Ford is an ambitious girl who wants to succeed in her life and dream. She dreams a lot, especially to her family, especially to her siblings. A province girl who dreams of being accepted and entered a prestigious university in Manila...