Annie's POV (Final Birthday Part)
"Hoy Annie! Umiyak kaba? Parang nakita kitang umiyak? Josh! Anong ginawa mo sa kaibigan ko ha?!"
Biglang singhal ni Timmia sa amin pagkatapos matapos ang sayawan at nagsimula na ang kainan. Hinawakan niya agad ako sa magkabilang balikat at seryosong pinagaralan ang mukha ko."Luh, ako na nga yung nagcomfort eh.."
Bulong naman ni Josh pero narinig ko pa rin na ikinatawa ko."Anong itinatawa-tawa mo dyan?" taas kilay na tanong ni Timmia. Mukhang nagaalala talaga siya, ganyan kasi yan pag nagaalala, nagsusungit.
"Ayos lang ako, Timmia.." sagot ko at marahang tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. Wala na si Trevor sa mesa, siguro nasa labas lang nagpapahangin. Ilang kanta rin kasi yung pinasayaw sa amin nila daddy at ng daddy niya kaya pagod yun for sure... Hindi ko tuloy alam kung anong iniisip nilang dalawa tungkol sa amin ni Trevor.
"Oo nga, oa ka talaga. Alam mong ang sweet sweet nung sayaw nila ta's iiyak siya? Masyadong strict, nanay kaba namin?"
Pagsabat naman ni Rulu at hinila paatras si Timmia na muntik pang natumba sa sahig. Haist, mga aso't pusa na naman."Si Annie oo, nanay niya ako. Ikaw? Hindi kita anak, masyado kang malayo sa lahi namin."
Timmia savagely said that made Cherry laugh her head off."Ouch, grabe yun Rulu, ano may bala ka pa bang dala?" natatawang tanong ni Elma.
Habang si Cherry naman ay panay pa rin ang tawa."Grabe ka Timmia, kakalibre ko lang sayo ng milktea ah!"
Madramang sagot ni Rulu at humawak din kunwari sa dibdib. Natawa na rin itong katabi kong si Josh at napailing iling nalang dahil sa kakulitan nila. Hindi siguro niya akalaing ganito kalala ang kabaliwan ng mga kaibigan kong gustong gusto niyang makilala dati."Kumain nalang muna kayo dito, may sasabihin lang ako kay Annie.."
Sabi bigla ni Josh at tumayo. Napatungo tuloy ako at tinignan siya ng nagtataka."Bakit hindi mo nalang sabihin dito?"
Tanong ko naman at nagtaas kilay. Tinignan naman niya ako ng nanlilisik na parang sinasabi niyang wag nalang akong magtanong tanong pa at sumunod nalang sa gusto niya."Fine.." i murmured.
Tumayo na rin ako at nagpaalam bago siya sinundan sa maliit na balcony, kaharap ang garden. Nakatayo na siya ngayon na nakatalikod sa akin, mukhang malalim pa ang iniisip.Naglakad ako palapit at pinitik ang mga daliri sa harap niya. Napatingin naman siya sa akin na parang hindi nagulat at ngumiti.
Wala pa akong sinasabi o tinatanong pero may inabot na agad siya sa akin.
"My gift.."Napatingin ako sa bagay na iyon at agad ring ibinalik ang tingin sa kanya. Ito ba ang ibig niyang sabihin kanina? Na kakaiba ang magiging regalo niya?
-FLASHBACK-
"Luto naba yung barbecue? Gutom na gutom na'ko mga beh.."
Reklamo ni Rulu habang naglalagay ng sunblock sa katawan. Cherry disgustingly glance at him and roared.
"Hoy bakla! Wag kang feeling senyorita dyan, magprito ka dito! Ito ngang birthday girl natin at nagtratrabaho eh!"Tumawa naman si Elma at binato ng barbecue stick si Rulu para lang asarin siya.
"Wag na kayong mag-away.. Para kayong elementary students.."
Pangaawat ko dahil pag hindi pa ako magsasalita ngayon, baka magkalbohan nalang kaming lima dito ng wala sa oras.
YOU ARE READING
Faked Attachment (Syclups #4)
FanfictionFANFICTION FOR SB19JOSH "Yes, everything was once a play and an act for me, everything was a bad scheme. But trust me, this faked attachment grew beyond its limits, i fell in love.."