Estée's POV
“Esteng! Aba'y bumangon ka na riyan, tanghali na,” sigaw ni mama mula sa ibaba. Napasabunot na lang ako sa sarili ko at bumaling sa kabilang pwesto na hindi ko na sana ginawa.
“Good mor---”
Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita ang kuya ko dahil agad kong iniharang ang hintuturo ko sa kaniyang bibig. Mang-aasar lang 'yan eh tignan mo.
“Hulaan ko. Naaasar ka na naman dahil sa tawag ni mama sa'yo. Ano ulit 'yon? Este---”
Binato ko siya ng unan sa mukha na ikinatawa niya naman. Kita mo? Sabi ko na, mang-aasar na naman eh.
“Lubayan mo ko kuya at pakiusap lang, lumayas ka rito sa kwarto ko.” Hinila ko sa braso ang kuya kong may katawan na mas matigas pa sa bato at agad siyang itinulak na muntik pa niyang ikasubsob.
Padabog kong isinara ang pinto ng kwarto ko at agad na inayos ang higaan ko. Umagang puno ng kagwapuhan hehe. Sinimulan ko na ang ritwal--- ah este mga nakasanayan kong gawin tuwing umaga.
Nakaayos na ako nang bumaba ako sa sala at hindi pa man ako nakakababa sa hagdanan ay naririnig ko na ang boses ni mama na rinig ata hanggang kanto.
“Nasaan na ba ang batang iyon? Napakatagal naman bumaba.” Rinig kong tanong ni mama sa kuya kong magaling.
“Oh ayan na ma, ang main star ng event. Suot ang mahiwaga niyang cap,” itinuro ako ni kuya na agad ko namang sinamaan ng tingin. Ngumiti ako ng peke sa kaniya at binatukan pagkalapit ko.
“Aray naman! Kuya mo pa rin ako ha, wag kang ganyan,” reklamo niya.
“Nyenye,” pang-aasar ko lalo.
“Tama na yan. Kumain na kayong dalawa,” utos ni mama na agad namang sinunod ni kuya pero ako hindi pa kumikilos.
“Alam ko 'yang iniisip mo Esteng, kumain ka kahit konti,” utos ni mama pero dahil matigas ang ulo ko, syempre hindi ko siya susundin. Tumayo ako at uminom na lang ng tubig tutal sanay naman ako na hindi nag-aagahan.
“Esteng. Huwag mo ko sinusubukan ah,” may awtoridad sa boses ni mama pero pabagsak kong inilapag ang baso sa lamesa na ikinagulat nilang pareho ni kuya. Napahakbang pa palayo si mama mula sa lamesa.
“Ma! Hindi ba sinabi ko sa'yong wag na wag mo akong tatawagin sa palayaw na 'yan?!” Malalim ang naging paghinga ko at katahimikan ang bumalot sa buong bahay. Hindi ko na hinintay pa ang isasagot nila at dali-daling lumabas ng bahay.
Pinaka-ayoko sa lahat ay pinag-uusapan ang mga bagay o konektado tungkol sa tatay ko. Tatay kong babaero.
“Ang ganda sana kaso nalihis ng landas.”
“Wala kasing tatay kaya kinulang sa disiplina.”
“Ano pa nga bang aasahan mo? Kung ano ang puno, siyang bunga.”
Mas binilisan ko na lang ang paglalakad ko at tinakpan ang tenga sa pamamagitan ng paglalagay ng ear phones sa tenga. Baka kung ano lang ang magawa ko sa kanila kapag hindi ako nakapagpigil.
Oo, baliko ako. Babae rin ang gusto ko. May problema kayo? Bakit ba hindi matanggap ng ibang tao kung ano ang magpapaligaya sa kapwa nila? Ito ang gusto ko eh. Ito ang isinisigaw ng puso ko. Bakit ba nangingialam kayo? Bakit hindi n'yo na lang atupagin ang mga sariling buhay ninyo kaysa ituon ang atensyon sa iba?
BINABASA MO ANG
Parallel Universe
FantasyIs it possible to fall in love with... with myself? Estée Auden a not-so-called woman discovers a totally different world with different people including herself - her other self. How will she react? Is it possible to happen the things that are not...