Chapter 7

3 0 0
                                        

ίδιο γένος (ídio génos)

Tila gumuho ang mundo ng mga magulang ko nang banggitin ng hari ang kasalanang nagawa ko.

Ang ídio génos o same gender kapag isinalin sa ingles ay isang sakit na nagmula kay Licarius sampung siglo na ang nakakaraan. Ang sakit na ito ay hindi mapigilang damdamin na magmahal ng isang katulad mo ang kasarian.

Si Licarius na sa kasamaang palad ay ninuno ng pamilya namin. Ang akala ng mga magulang ko ay ligtas na kami  sa pagmana ng sakit na sa kaniya nagmula dahil ilang henerasyon na ang nagdaan sa aming pamilya ngunit wala naman ni isa sa kanila na nagkaroon ng ganitong sakit.

Sa madaling salita, ako lang talaga ang nagkaroon ng ganitong sakit - - - nagmahal ako ng isang taong may katulad kong kasarian. Babae sa babae.

"A-ama, pag-usapan muna natin 'to. M-maawa ka naman sa a-apo mo." Lumuluhang pakiusap ng aking ina sa hari. Oo, tama, lolo ko ang hari at syempre lola ko ang reyna.

"Ina? Wala ka man lang gagawin?" Halos pumiyok na pahabol ni mama.

Hindi nagsalita ang reyna, sa halip ay umiling lamang sya at ang kaniyang mga mata ay magkahalong awa at paghingi ng tawad dahil wala siyang magawa.

"Anak." Bigkas ng hari at dama kong puno ng sakit at hinagpis ang kanyang puso.

"Patawad. A-alam mo naman ang batas na umiiral dito sa ating mundo. K-kamatayan lamang ang n-natatanging paraan upang hindi kumalat ang s-sakit." Patuloy nya at napayuko na lamang ako. Marahas kong pinunasan ang luhang mabilis na kumawala mula sa kaliwang mata ko.

STE---

~*~*~

"ESTÈE!"

"Ate? Ate, gumising ka please."

"Huy bunso, alam kong hindi ako naging mabuting kuya sa'yo pero wag mo naman akong iwan agad."

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni kuya at ng pinsan ko.

"Estèe!"

"Ate!"

Sabay na banggit nila nang makitang gising na ako. Unti-unti akong bumangon mula sa pagkakahiga sa hita ni kuya at napahawak sa aking ulo nang bahagya itong kumirot. Ano 'yung panaginip ko kanina? Feeling ko kasi totoong nangyari eh. Ang weird talaga ng mga nangyayari sakin ngayon pucha.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa dalawang kaharap ko at nagkaroon ako ng pagkakataon na libutin ng tingin ang perya.

Teka, perya? Bakit ang dilim? Wala rin naman akong nakikita na mga palaruan ngayon. Nasaan ang mga tao?

"Kuya, nasaan na yung perya?" Tanong ko at pareho sila ng pinsan ko na nagbato ng nagtatakang tingin sa akin.

"Anong perya sinasabi mo riyan? Wala naman kaming perya na nakita sa lugar na 'to, di ba Levi?" Sagot nya at bumaling sa pinsan ko na sya namang tumango.

"H-huh? Huh?" Gulong-gulo na tanong ko. P-pero may perya rito no'ng dumating kami rito kanina I swear!

"Oo ate. Wala kaming nakita na perya rito. Ito na yung Luna street pero wala kaming natagpuan ni isang nakatira rito. Well…" Paliwanag ng pinsan ko at feeling ko lalong sumasakit ang aking ulo dahil sa mga pinagsasabi nila.

"W-well…?" Kinakabahang tanong ko at bahagyang inihilig ang ulo. "Tsaka, Luna street? Akala ko ba walang lugar na gano'n? A-ang natatandaan ko bago ako mawalan ng malay yung a-ano, isang tent tapos may pangalan na Luna, di ba? Tapos may manghuhula sa loob?" Paliwanag ko pero tila hindi naniniwala sila kuya sa kahit anong sinasabi ko.

"Well yeah, yung manghuhula ay totoo pero yung tent na may pangalang "Luna" kamo ay hindi. Estèe, makinig ka samin, okay?" Sambit ni kuya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Huminga muna siya nang malalim bago nagpatuloy. "M-muntik ka nang mamatay kanina dahil sa sunog." Pag-amin ni kuya habang titig na titig sa mga mata ko.

Hindi pa rin ako naniniwala kaya marahan akong umiling bago tanggalin ang kamay ni kuya sa magkabilang balikat ko at tumawa. "Nagbibiro ka lang di ba, kuya? M-masamang damo ako di ba? Kaya pano ako mamamatay agad? Haha. Di ka magaling sa mga biro, kuya." Patawa-tawa lang ako pero deep inside kinakabahan na ako sa isasagot nila sakin at lalo na kapag nalaman kong totoo nga ang mga sinasabi nila. Nakakaramdam pa rin ako ng hapdi sa leeg ko na hindi ko malaman kung saan galing. Parang may sumakal sakin kanina pero hindi ko matandaan kung sino o totoo ba. Tangina kasi, that feels so real.

"No, no. I'm not joking, Estèe. Tara, sumama ka samin para maniwala ka."

Napalunok na lang ako nang manggaling mismo iyon sa bibig ni kuya. Seryosong-seryoso ang mukha niya kaya alam kong hindi siya nagbibiro. Pati ang pinsan kong palabiro ay walang imik ngayon. Parang binuhusan tuloy ako ng malamig na tubig nang mapagtanto kong nasa reyalidad na ako at hindi na lamang sa isang bangungot.

Huminto kami sa tapat ng isang tent na hindi buo at ang halos kalahati nito ay kulay itim na sa palagay ko ay nasunog. Kahit gusto ko nang magbato ng mga tanong ay hinintay ko ang paliwanag nila.

"Kanina habang naglilibot kami rito, akala namin ni Levi nakasunod ka samin pero no'ng lumingon kami sa likuran ay wala ka na roon. So, syempre hinanap ka namin hanggang sa matagpuan namin ang tent na ito na nagliliyab at…" Huminto si kuya at halatang nag-aalangan kung sasabihin niya ba ang kasunod. Lumunok at huminga uli siya nang malalim bago tumuloy. "At… Naabutan ka namin sa loob habang… H-habang sinasakal mo ang sarili mo. K-kung hindi agad naagapan ang sunog, b-baka nasunog ka na sa loob ng tent." Bahagyang nanginginig ang boses ni kuya at napaiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

Ako? Nakanganga lang. Unti-unti kong sinasagap at isinasaksak sa ulo ko ang mga impormasyong nalaman ko ngayon pero tangina talaga, parang pinupukpok lalo ang ulo ko dahil sa gulo ng mga nangyayari.

"Let's call it a day ate and kuya. We better bring ate Estèe to the hospital para ma-make sure natin kung okay na ba talaga siya. It did left some bruises din sa kanyang leeg dahil sa pagsakal niya sa sarili niya. I'll inform tita mamaya, tatawagan ko siya. So, shall we?"

Halos dumugo ang ilong ko dahil sa pananalita ng pinsan ko pero dahil na rin siguro sa tagal namin magkakasama, nasanay na ako. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa sobrang pagod bago sumunod sa kanila.

3rd Person's POV

Lingid sa kanilang kaalaman na may nakasubaybay sa bawat kilos na ginagawa nila at tila hindi ito natutuwa dahil hindi niya nagawang patayin si Estèe. Pero maya-maya lang din ay unti-unting gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi.

"Power and organization. They see chaos in the world and know how to solve the puzzle." Marahang sambit niya habang sinusundan ang tatlong kabataan na malayo na sa kaniya. Muli niyang inilagay ang kaniyang hood at nagbukas ng portal upang bumalik sa kanilang kaharian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Parallel Universe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon