Estée's POV
"Uh, no..."
"Hindi eh."
"Mas lalong hindi Roman. Hindi rin naman Arabic, magkaiba ng simbolo."
Halos isang oras na rin nakatutok itong pinsan ko sa kanyang laptop. Hindi nya na nga rin naubos ang kinakain nya kanina dahil sa sobrang tutok nya sa paghahanap ng tutugma sa simbolo na nasa papel. Kanina pa rin sya bulong ng bulong ng kung ano-ano.
Ako? Ito, ngumunguya hehe. Bigla akong nagutom eh kaya ako na ang umubos ng natira ni Levi. Sayang din hano, biyaya 'to.
"Hoy!"
"Bingo!"
Sabay na sumigaw si kuya at si Levi kaya halos mapatalon na ako rito sa inuupuan ko. May iilan pa na tumapon na popcorn na kinakain ko kanina dahil nga sa gulat ay napasama yung lalagyan.
"Punyeta naman! Papatayin n'yo ba ako?" Singhal ko sa kanila pero pareho lang nilang dinedma ang pagmamaktol ko. Bumalik sila sa kanya-kanya nilang ginagawa kaya bumalik na lang ulit ako sa pagkain.
Lumabas si kuya mula sa kusina at may bitbit na isang baso ng gatas. Tumabi sya sa akin at bigla na lang hinablot ang hawak kong bowl na may popcorn. Aba, matindi!
"Akin yan eh!" Pagmamaktol ko pa at pilit na inaagaw sa kamay ni kuya yung bowl pero inilalayo nya lang.
"Huwag kang madamot, mamigay ka." Sermon nya pa at bumalik sa pagkain ng popcorn na inagaw nya sakin.
Tinaasan ko sya ng kilay at hahablutin na sana yung bowl pero mahigpit ang pagkakahawak nya. "Mamimigay naman ako eh! Bakit kailangan pang kuhanin pati yung lalagyan?"
Sa kabilang banda naman ay hinihila ni Levi yung damit ko at pilit na inilalayo ako kay kuya. Inis kong tinanggal ang kamay nya sa damit ko at matalim syang tinignan. "Bakit ba?!" Singhal ko at agad naman syang lumayo.
"Mamaya na 'yan! Nahanap ko na ang compatible sa mga simbolo."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Agad ko syang hinawi at halos malaglag pa sya sa sofa dahil nasa bandang dulo na sya nakaupo pero mas mabilis pa sa kidlat na napalitan ang ngiti ko ng isang dismayadong mukha. Paano ko maiintindihan 'to?
Habang ako ay nagmamaktol dito sa harapan ng laptop, ang pinsan ko namang demonyo ayun nagpipigil ng tawa.
Umayos sya ng upo at pinagpagan ang sarili. "Ayan, bida-bida ka kasi. Hindi marunong maghintay sa paliwanag ng isang eksperto." Ngumisi sya sakin at sa pagkakataong ito ay ako naman ang hinawi nya.
Aba, ampu---kung hindi ko lang kailangan ang batang 'to baka kanina ko pa sya sinapak.
"The system of Hebrew numerals is a quasi-decimal alphabetic numeral system using the letters of the Hebrew alphabet. The system was adapted from that of the Greek numerals in the late 2nd century BCE." Panimulang paliwanag nya. Parang nag-aaral tuloy kami ng history ngayon.
"The current numeral system is also known as the Hebrew alphabetic numerals to contrast with earlier systems of writing numerals used in classical antiquity. These systems were inherited from usage in the Aramaic and Phoenician scripts, attested from c. 800 BCE in the so-called Samaria ostraca and sometimes known as Hebrew-Aramaic numerals, ultimately derived from the Egyptian Hieratic numerals."

BINABASA MO ANG
Parallel Universe
FantasyIs it possible to fall in love with... with myself? Estée Auden a not-so-called woman discovers a totally different world with different people including herself - her other self. How will she react? Is it possible to happen the things that are not...