Estée's POV
Magtatakip-silim na nang huminto kami sa isang gasolinahan para i-full tank ang mamahaling kotse ng pinsan ko at para na rin mag-CR.
Katatapos ko lang maghilamos ng mukha at ngayon ay nakatulala lang ako sa repleksyon ko sa malaking salamin. Hindi rin nagtagal ay parang gumalaw nang kusa ang repleksyon ko. Kinusot ko ang mga mata ko para siguraduhin na hindi lang ako namamalik-mata at pagkadilat ko ay nagulat ako sa aking nakita…
T-t-t-angina?? 'Yong repleksyon ko… Ano… A-ah…
PUNYETA, 'YUNG REPLEKSYON KO NAKANGITI!"S-sino ka? A-anong kailangan m-mo sakin?" Takot na takot kong sabi. Siga ako oo pero kapag multo ang usapan, aba tangina huwag na lang.
Hindi sumagot yung tao sa salamin. Nakangiti pa rin sya at maya-maya lang ay dahan-dahang tumagos ang kaniyang kanang kamay mula sa salamin at pilit akong inaabot. Bilang pagtugon ay unti-unti akong humakbang paatras hanggang sa bumangga ako sa pintuan ng isang cubicle. Hindi ko na rin napigilan ang mapaupo sa sahig dahil sa labis na panlalambot ng aking mga tuhod.
Unti-unti namang lumabas ang tao sa salamin at nang halos maabot niya na ang aking leeg ay napapikit na lang ako. Osige, ayan na. Gawin mo kung anong gusto mo, bwiset 'to. Pero sigurado akong hindi ako tatanggapin sa langit mga lods. Magpapahanda na ba ako ng party sa impye---
Natigil ang malalim kong pag-iisip no'ng wala akong naramdaman na sumasakal sa akin. Parang naririnig ko rin ang boses ni kuya at habang tumatagal ay lumalakas ang katok niya sa pinto pati na rin ang boses niya.
"ESTÉE!"
"Hoy, Esteng! Aalis na tayo. Ano bang ginagawa mo dyan? Tumat---" Natigil siya sa pagtalak nang bigla kong binuksan ang pinto ng banyo.
"Ano ba?! Bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa ko kumaka---teka, bakit namumutla ka? Tsaka…" Hinawakan nya ang magkabila kong balikat at parang may sinusuri. "Nanginginig ka ba? Bakit?" Sunod-sunod na tanong nya pero hinawi ko lang ang mga kamay nya na nasa balikat ko.
"W-wala 'to. Tara na, baka lalo tayong g-gabihin." Ani ko at mabilis syang nilagpasan.
Pagkapasok ko sa kotse ay alam kong taka akong tinitignan ng pinsan ko pero isinawalang-bahala ko iyon at mariin na ipinikit ang aking mga mata. Mukhang masamang damo ako dahil matagal akong mamatay pero anong delubyo ang naranasan ko kanina?
Akala ko'y hanggang doon lang sa banyo na iyon ako makakaranas ng hindi maipaliwanag na pangyayari pero…
"Buksan n'yo nga 'yong radyo. Ang boringgg!" Reklamo ko sa dalawang kasama ko na wala ring imik.
"Yes po, madam." Sabay nilang sambit at sumaludo pa sakin.
Kagaya ng inutos ko ay binuksan nila yung radyo pero puro hugong lang ang naririnig. Ilang beses din sinubukan ng pinsan ko ang paglilipat ng istasyon hanggang sa hinawi na ni kuya ang kamay nya. "Ako na nga, baka madisgrasya pa tayo sa ginagawa mo eh." Sambit nya at sya naman ngayon ang naglilipat ng iba't ibang istasyon pero wala talaga. Binuksan ko ang phone ko para tignan kung wala ba talagang signal pero meron naman. Weird.
Sa huli ay pinatay rin nila ang radyo. Sa sobrang pagkabored ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
~*~*~
BINABASA MO ANG
Parallel Universe
FantasyIs it possible to fall in love with... with myself? Estée Auden a not-so-called woman discovers a totally different world with different people including herself - her other self. How will she react? Is it possible to happen the things that are not...