Chapter 3

5 0 0
                                        

Note: This chapter contains strong languages that may not be suitable for young readers. Reader discretion is advised.

Estée's POV

Ginising ako ng nakakasilaw na araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto ko. Anong oras na ba?

Tatayo na sana ako pero naramdaman kong sobrang bigat ng ulo ko. Pinilit ko ulit pero hindi ko talaga kaya, napatakip pa ako ng unan sa ulo ko. "Argh! Gusto kong iuntog ang ulo kkooo!"

"Estée, tumayo ka na diyan. Alas-dose na," sabi ni kuya mula sa labas ng kwarto ko at agad naman akong napatayo pero maya-maya lang din ay napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Parang mabibiyak.

"Ano? Alak pa," nang-aasar na bati ni kuya na nakapasok na pala sa kwarto ko. Binato ko na lang siya ng unan pero nasalo rin niya.

"Hinding-hindi na talaga ako iinom. Ang sakit sa ulo tangina." Pagmamaktol ko at lalo namang natawa si kuya.

"Bakit hindi mo ako ginising?" Inis na tanong ko kay kuya at ang gago tinaasan pa ko ng kilay.

"For your information ho madam, pang-limang balik ko na rito sa kwarto mo. Baka gusto mong isa-isahin ko pa 'yung mga oras na pilit kitang ginigising?" Sagot niya at medyo nahiya naman ako dahil doon. Lintek kasi na alak 'to.

"Oh siya, sige na. Mawalang galang na, pwede ka nang lumayas dito sa kwarto ko. Sige, labas!" Tinataboy ko na si kuya pero hindi pa rin natitinag kaya naman itinulak ko na siya at pabagsak na sinarado ang pinto ng kwarto.

~°~°~°~

Pasado ala-una na rin ako lumabas mula sa kwarto ko. Nainom ko na ata lahat ng gamot para sa migraine jusko.

"Oh, ayan ang gamot diyan," inilapag ni mama ang isang tasa ng kape sa lamesa habang ako naman ay minamasahe pa rin ang ulo ko.

"Kung uminom ka kasi sagad, akala mo naman sanay ka na talaga sa alak. Nako nako, Estée."

Heto na naman po tayo sa sermunan session. Si kuya? Ayun, palihim na tumatawa.

"Huwag kang tumawa diyan Ilya, isa ka pa. Kunsintidor ka rin eh."

Agad na nawala ang ngiti sa labi ni kuya nang madawit na naman ang pangalan niya dahil sa kasalanan ng nakababata niyang kapatid. Damay-damay na 'to HAHAHAHA.

"Parang hindi mo naman kilala 'yang anak mo mama. Mas matigas pa sa bungo ng dinosaur ang ulo niyan eh." Pangangatwiran naman ni kuya habang ako humihigop lang ng kape at pinapanood sila.

"Maiba nga tayo. Kailan mo ba balak magkaroon ng boyfri---"

Pabagsak kong inilapag ang tasa sa lamesa dahilan para mapatigil si mama sa pagsasalita. Ayan na naman tayo sa topic na yan.

Tumayo na ako at isinukbit ang bag ko. Hindi ko na rin pinansin si mama na patuloy pa rin sa pagdaldal.

"Estée! Bumalik ka rito! Mag-uusap pa tayo, hoy!" Sigaw ni mama pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Mala-late na ko sa pagtugtog ko ma, tsaka na yan!" Sigaw ko pabalik at kumaway pa na lalong ikinainis ni mama.

"Bakit ba kasi hindi nila matanggap na babae rin ang gusto ko?" Bulong ko sa sarili bago pumara ng tricycle.

Parallel Universe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon