Chapter 2

8 0 0
                                        

Note: This chapter contains strong languages and mention of alcohol. Reader discretion is advised.

Estée's POV

“You're suspended for one week.”

“One week.”

“One week.”

“One week.”

“Argh!” Inis kong sabi dahil paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang sinabi ng guidance counselor sa akin. Naibalibag ko na lang ang cellphone ko dahil sa labis na pagka-inis at tumama iyon sa pader pero dahil matibay ang casing, buo pa.

“Tangina!” Sigaw ko at 'yong poste naman ang napagdiskitahan ko na sipain. Dahil isa akong dakilang tanga, hindi ko naisip na masakit at pwede akong mapilayan sa ginawa ko.

“Yosi?” Tanong ng kung sino at dahil desperada akong mabawasan ang pagkayamot na nadarama ko, tinanggap ko.

Kukuhanin ko na sana sa kamay niya 'yung yosi pero bigla niya itong iniwas kaya naman kunot-noo akong lumingon sa kaniya at handa na siyang bulyawan pero mukha ni kuya ang bumungad sa'kin na nagpatikom sa bibig ko.

“Kung isumbong kaya kita kay mama?”

Tsk. Parang bata. Ibalik ko kaya sa elementary itong kuya ko?

“Edi isumbong mo,” inilagay ko sa bulsa ng aking palda ang kanan kong kamay at iniwanan ang kuya ko na nakatayo roon. Wala akong panahon para makipagtalo sa kaniya.

May humigit sa braso ko kaya naman napahinto ako sa paglalakad. Huminga ako nang malalim para iwasan ang pagsabog ko dahil sa galit.

“Estée, mag-usap nga tayo,” sambit ni kuya at humarap naman ako sa kaniya habang blangko ang mukha.

“Nag-uusap na tayo,” pamimilosopo ko at napabuntong-hininga na lang si kuya.

“Ano bang problema? Bakit nagkakaganyan ka?”

“Wala 'to.”

“Estée naman, sinasarili mo na naman 'yang mga problema mo. Para saan pa at naging kuya mo ako?” Tila natauhan ako sa sinabi ni kuya Ilya at gusto kong sa kaniya ibunton ang galit ko pero sa paraan na hindi ko siya masasaktan.

“Sige, ilabas mo na lahat 'yan.”

“Nakakaasar kasi. Isang linggo akong suspended dahil sa punyetang dalawang lalaki na 'yon na inagrabyado ko raw.”

“Bakit mo ba kasi binugbog?” Takang tanong ni kuya pero alam kong may inaasahan na siyang isasagot ko.

“Nakaharang sa daraanan ko eh. Matigas ang mga bungo kaya iyan, pinalambot ko lang.” Sagot ko at bigla na lang pumalakpak ang kuya ko staka ako inakbayan.

“'Yan ang kapatid ko!” Proud na proud pa niyang sabi at tanging “tsk” lang ang isinagot ko.

“Tanggalin mo nga 'yang braso mo, ang bigat-bigat.”

“Ay, masungit pa rin.”

“Ano?”

“Wala. Oh!” Ibinalibag niya sakin ang isang stick ng sigarilyo bago tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad pero maya-maya lang din ay bumalik siya. “Magkita tayo mamaya sa parking lot.”

Parallel Universe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon