Chapter 4

4 0 0
                                    

Estée's POV

Sumapit na ang dilim kasabay ng pagdami ng mga tao rito sa bar. Kanya-kanyang kwentuhan. Pero may mga iilan pa ring mas pinili na uminom at magmuni-muni mag-isa.

Ako? Nandito ako ngayon sa backstage. Naghahanda para sa pagtugtog namin mamaya.

"Peace offering?" Heto na naman si Kyle at ginugulo ako. Isang kaha naman ng sigarilyo ang iniaalok niya sakin.

Tinabig ko ang kamay niya at tumayo na. Tinititigan ko siya ng deretso sa mga mata. "Salamat pero hindi ko kailangan ng mga ganyang bagay. Hindi ako katulad ng ibang babae diyan na madaling mahulog sa karisma mo. Ibahin mo ako Kyle. Iba na lang, wag ako."

Sa pangalawang pagkakataon ay iniwanan ko siya habang tulala. Pinuntahan ko ang boss namin na umiinom na naman ng paborito niyang vodka.

"Oh Estée, shot ka muna!" Alok niya sakin pero umiling lang ako. Naupo ako sa katabing upuan dito sa bar stool. Inaayos pa nila yung stage at sa tingin ko ay medyo matatagalan pa ito kaya naman magpapahinga muna ako rito. Ayokong makasama sa iisang kwarto si Kyle. Pakiramdam ko kasi tatama ang kamao ko sa pagmumukha niya kapag hindi ako lumayo.

Ilang minuto pa ang lumipas at biglang tumahimik dito sa bar. Nagtaka ako kaya naman luminga ako upang hanapin kung ano o sino ang dahilan ng pagtahimik nila.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako dahil parang nakatigil ang oras. Kinusot ko ang mga mata ko pero pagdilat ko ay normal naman ang lahat. May bigla pang humila sakin kaya naman wala na akong nagawa kundi magpadala.

"Big time 'to Estée. Big time!"

Ang hinayupak kong boss pala ang humila sa akin. Pero ano? Big time? Sino?

Huminto kami sa harap ng isang babae na mas matangkad sakin ng konti. Ang kulay ng kanyang buhok ay dark purple. Pati mga damit nya ay purple. Hindi ko malaman kung ano ang suot nya dahil halos ipakita nya na ang kanyang malaking hinaharap. Tsk! Nagdamit ka pa. Naghu---

Pwersahan akong pinayuko nitong boss ko kaya hindi ko na natitigan pang mabuti ang mukha ng kaharap namin ngayon. Bakit ba kasi ako pa ang nahila rito?

"Anong pangalan mo?" Malambing niyang tanong sa akin.

"Estée Auden." Walang ganang sagot ko kaya naman siniko ako ng aking boss. Mariin naman akong napapikit at pilit na pinakalma ang sarili ko.

"Estée Auden po madam," mas magalang na bati ko at ngumiti ng peke. Tinitigan ko sya sa mga mata at hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mga ito.

Sya na ang unang nag-iwas ng tingin kaya parang napabalik na rin ako sa reyalidad. "Noted, see you around sweetie!"

Pagkatalikod nya ay agad kong hinarap ang boss kong kanina pa nakaka-quota sa akin. Pigilan nyo ko, sasapakin ko na 'to.

"Peace? S-sorry na! Alam mo naman na VIP ang guest natin eh kaya kailangan behave ka lang." Bwelta nya pa na mas lalo kong ikinainis.

"Behave?! Anong tingin mo sakin? Aso?" Singhal ko sa kanya at agad naman syang nag-iwas ng tingin.

"P-parang gano'n na nga..."

Parallel Universe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon