Tiningnan ko ng maigi si Patrick,palagi itong nakasuot ng salamin,maayos Naman siyang tingnan kapag sout Niya ito. Sobrang kapal ng kanyang pilikmata ,kaya nga Minsan naiingit ako nito. Peru Kung gaanong kakapal Ang pilikmata Niya ganoon Naman kanipis Ang kanyang kilay. Peru para sa akin Sumakto naman ito sa kanya. Mapupula Rin Ang labi Niya,kaya Hindi ko nalang talaga alam kung bakit iniwan Ang magandang nilalang na ito ng mga magulang Niya. Napahikab Siya,naiinip siguro sa discussion ng guro namin. Maya-maya lang din ay napahikab narin ako.
Napatingin Siya sa akin at kinunutan ako.
"Stop staring at me"pagbibiro Niya sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Hindi ako tumitingin sa mga pangit nuh."inis na sambit ko.
"Sinungaling,kanina Ka pa nga humuhikab."
"Ano Naman Ang problema nun?may sarili nga tayong mga bibig Diba."
"Tinitingnan mo Ako na humihikab kaya napapahikab ka Rin."Ang talino talaga ng mokong na ito.
"Feelingero"Sabi ko at Hindi na Siya Pinansin.
May bagong pinakilala si Ma'am Violet sa Amin. Napatingin ako ng seryoso dito ng malaman Kong anak ito ng nag donate sa orphanage. Magandang nilalang Rin Naman ito,Peru Kung Ako Ang tatanungin mas magandang tingnan si Patrick kaysa sa kanya. Ayaw ko kasi talaga sa mga mayayaman. Minsan kasi arogante sila dahil sa yaman at perang taglay, maaring nasa kanila na Ang gusto nila at mga previlage,Peru Wala Naman sa kanila Ang pag uugali. Peru kahit papaano Hindi lahat ng mayayaman ay arogante kaya Sana Hindi kasali si kalicifer doon.
Umupo ito sa likuran katabi si Akihira,I smiled secretly. Kita ko kasi Ang pagkunot ng noo at salubong na kilay ni Aki. Ayaw Niya kasi sa mga taong kinakausap Siya. Nagbago na Ang aki na alam ko noon. Dahil sa pagkakaibigan namin noon,doon ko napagtanto na lahat ng tao sa ating buhay at dadaan lang at magbibigay ng memories sa atin. Peru kahit kailan hindi ko pinagsisihan na naging kaibigan kami. Sadyang nalulungkot lang ako sa naging resulta ng pagiging kaibigan namin. Peru kapag hihingi ng tulong yan sa akin. Hindi ako magdadalawang isip na tulungan ito.
"Anak pala Yun ng pamilya Rodriguez nuh?"sambit ko Kay Patrick. Naglalakad kami pauwi.
He nod
"Type mo?"
"Loko,Hindi ah."
"Bakit Naman, maayos Naman Siya."seryosong wika Niya.
"Mayaman kasi"natatawa kung Sabi.
"Kung yayaman ako,ayaw mo Rin ba sa akin?"buro Niya kaya natawa ako.
"Depende,kasi baka Hindi mo narin ako papansinin kapag yayaman ka."
"Malabo pa Naman yang mangyayari."dinig kung Sabi Niya. Natawa ako,ano bang pumasok sa kokote namin?eh namomroblema pa nga ako sa gastusin ng mga kapatid ko. Yayaman pa kaya?
Pinuntahan ko agad Ang bunsong kapatid ko sa paaralan Niya. Apat na taon pa ito at nasa kindergarten pa lamang. Pagdating ko agad nakangiti na itong sinalubong at niyakap ako.
"Ate, pinuntahan ako ni Kuya Diesel dito kanina."
"Bakit daw?"
"Hindi ko po alam, Peru binigyan Niya ako ng pagkain Bago umalis."
"Mabuti Naman,baka Malaki Ang bigay sa scholarship Niya sa school."
"Oo nga po."
"Hindi napunta dito si papa?"tanong ko sa kanya at Napatingin sa paligid.
"Andoon po siguro Siya sa coffee shop nila Kuya Pat."tumango ako at naglakad na kami. Pupuntahan ko pa Ang Isa ko pang kapatid na lalaki. Pagtingin ko kasi sa classroom nila kanina,Hindi pa sila pinalabas kaya pupuntahan namin ito at sabay-sabay ng umuwi.
Sabay kaming napabuntong hininga ni Dehlila ng sobrang tagal silang pinalabas. May kasama itong babae na maganda kaya kumunot Ang noo ko at napailing.
"Jowa kaya Niya yan ate?"
"Bat alam mo na Ang mga tungkol sa jowa Dehlila?"napaiwas Siya bf tingin sa Sinabi ko.
"Naririnig ko lang sa kaklase ko ate!may mga Jowa napo kasi mga kapatid nila."
"Bat ka nagpapaliwanag?"
"Ate Naman!"natatawa ako dahil sa reaksyon ng kapatid ko.
I really like teasing her
Sobrang napaka cute!.
Paglabas agad ni Diesel,kinurot ko agad Ang Tenga Niya.
"Sino yuh ha?aba't Ang bata-bata mo pa Diesel!dapat Ang ate mo Muna Ang magkajowa Bago ka!"natawa sila dalawa, dahil sa Sinabi ko.
"Ate!kaya walang pumapatol sayo eh!napaka maldita tapos sobrang tapang pa. Akala mo Naman may kaaway sa tuwing nagsasalita."
"Ay talaga ba diesel?"Sabi ko habang nasa mga bewang Ang Aking kamay.
"Joke lang ate!I love you po!"natatawa niyang sambit at nagtatakbo silang dalawa ni Dehlila.
Napailing ako habang Nakangiting naglalakad pasunod sa kanila. Huminto kami at pumasok sa coffee shop nila Pat. Ito lang Ang coffee shop sa lungsod. Hindi Rin mamahalin Ang mga kape nila.
Sekreto lamang ito ni pat,Peru scholar soya ni ma'am Violet. Ito narin Ang kumupkop sa kanya noong nasa orphanage pa Siya. Si ma'am Violet Ang may ari ng Coffee Shop,sa pagkakaalam ko may kaibigan Rin itong nagmamay Ari ng bakery. Ang Ganda Naman ng pagkakaibigan nila puro may Ari ng 'shop'ang sosyal pakinggan.
Pagpasok ko sa Coffee Shop nila,andoon na Ang mga kapatid ko sa gilid ng mesa kung saan ang papa namin. Bumili na ito ng meryenda nila.
Tiningnan ako ni Pat at tinanguan. Umupo ako katapat nila,nag uunahan na sa kanilang kanakain. Napatingin ako Kay papa,parati siyang nandito o di kaya sa paaralan ni Dehlila,Ang palaging ginagawa Niya lang ay tumitingin sa magazine,Minsan rin ay nakaupo lang Siya dito at nagmamasid masid.
"Isang frapuccino nga pat tapos cookies."
"Wag ka nga magbiro,Wala ka kayang Pera."inismiran ko siya Bago ito natawa at kumuha ng gusto ko.
Binayaran ko Naman Ang mokong.
Pumunta ako sa Harapan ni papa at inilagay Ang mga ito.
"Para po sa inyo."he looked at me. Nginitian ko ito.
"Salamat hija,Peru alam Kong nag aaral ka,Sayo nalang iyan busog pa ako."Hindi ako nakinig at iniwanan lang ito doon. Alam Kong Kumain na soya ng meryenda dahil may baso na ng kape sa mesa Niya Peru mukhang kanina pa ito. Kinain Niya Ang ibinigay ko.
"Kuya,paglaki mo Anong gusto mo?"
",Marami akong gusto Dehlila,saan ba doon Ang Ang gusto mo malaman?"
Napapangiti ako ng Makita ko Ang dalawa at nag uusap.
"Yung ano,gusto mo na trabaho paglaki mo?"
Natawa si diesel, naghintay Rin ako sa isasagot Niya.
"Magiging Phd ako Dehlila,tapos maging scientist,pagkatapos noon mag iimbento ako ng isang gamot para magkaroon ng Zombie apocalypse."He said.
"Wow Ang galing Naman Niyan Kuya!"napailing ako.
"Siraulo"sambit ko at tinawanan ako ng mokong. Binibiro Niya si Dehlila at Ang bata Naman Hindi man lang alam Ang zombie apocalypse Sayang saya pa Siya pag magkaroon nito. Kung sabagay maganda naman iyon Peru nakakalungkot Naman dahil Hindi kakagatin si diesel dahil Wala Naman itong utak.
Tumayo si papa,kaya Nagsitayuan kami tatlo,uuwi na ito ganito Naman parati Ang ginagawa Niya. Nakatayo kami sa likuran Niya. Nasa counter Siya kaya naghintay kami sa gagawin nito.
"50 pesos po lahat."wika ni pat. Tiningnan ni papa Ang bulsa Niya Peru Wala itong laman.
"Hala,mukhang naiwan ko Ang wallet ko,kukunin ko lang ah?"nanonood lang kami sa kanila.
May kinuha si pat, wallet ito ni papa iniwan Niya siguro dito kanina at nakalimutan.
Kinuha Niya ito at tiningnan ng maigi. Huminga ako ng malalim. Iisipin Niya yan ng maigi king bakit andiyan Ang wallet Niya.
"Tara na papa uwi na tayo,tapos Naman po kayo magbayad."I said,he nod at naglakad paalis,Hindi alintana na mga anak Niya Ang nasa likuran Niya.