CHAPTER 2

8.4K 78 17
                                    

MELANIA POV

MALAKAS na ihip ng hangin ang dumausdos sa aking katawan na nag pataasan ng balahibo ko luminga-linga ako sa mag kabilang gilid ko at nag umpisa nang maglakad nasa likod ko sila albert na dahan dahan nag-lalakad ng hindi gumagawa ng ingay. 

Lumakad ako sa likod ng napakalaking bahay o mansyon kung tatawagin, napapalibutan ito ng mga naglalakihang mga puno sa buong paligid nito, mula sa labas ay masasabi mo na ito ay napaka ganda sa mga salamin na nagkikintaban mula sa labas ng malaking mansyon.

Madilim at tahimik ang bumungad sa amin nang pumasok kami ng kagubatan papunta sa likod ng mansyon. Dahan-dahan ako lumalakad, tuyot na dahon lang  ang naapakan ang naririnig sa kagubatan at isama pa ang tinig ng mga ibon na parang nag mumuni-muni sa buong kagubatan. 

Malayo-layo narin ang nalalakad namin ng makaramdam ako ng kakaiba na tila may namamatyag samin kinatatayuan, lumingon ako sa magkabilang direksyon ngunit ni isang anino ay wala ako makita kaya pinag-patuloy ko nalang ang pag-lalakad.

Kunot-noo ko tinignan sila albert at sumenyas, nagsi-tanguan naman ang mga ito ngunit bago kami mag hiwalay-hiwalay ay binigyan muna kami ni enzo ng universal mono bodyguard, ang bagay na ito ang kumokonekta saming lahat para makapag-usap kahit hindi kami magkakasama sa isang lugar. 

Nag hiwalay-hiwalay kami lahat maliban saming dalawa ni amanda. mabilis kaming tumakbo ng hindi gumagawa ng ingay sa buong paligid para hindi magdulot ng panganib saming gagawin pagnanakaw hanggang sa makarating kami sa likod ng bahay ng walang nakaka salubong na panganib.

Mabilis na nilabas ni amanda ang gagamitin namin sa pag akyat ng pader, nilabas niya ang dalawang aid climber gear, kinuha ko ang isa at kinawit ko bewang ko nang maka-sigurado na maayos ang pagkakalagay ko ay  kinuha ko ang dulo pang kawit at hinagis sa malaking pader na mayroong pwedeng kawitan. 

Tumalon-talon ako saglit para tignan kung bibigay ito nang makita ko na ayos naman ang pagkalagay dahan-dahan ko inangat ang isang paa ko sa pader at sinunod ko narin ang ang isa ko paa kumuha muna ako ng balanse bago mag-patuloy sa pag lalakad sa mahiganteng pader,  mas mauuna na ako kay amanda marating ang tuktok dahil iisa lang ang pwedeng kapitan ng climber gear.

Nang makarating ako sa tuktok ng pader ay tumalon ako agad dahil naka suporta naman ang climber gear malinis at walang ingay ang ginawa ko pag-lapag sa lupa, mabilis ko tinanggal ang gear climber para maka-sunod nasa akin si amanda.

Tinanggal ko narin sa pag-kakawit ang climber gear sa bewang ko habang iniintay si amanda nang matapos ko tanggalin ay siyaring pag-lapag ni amanda sa gilid ko at tinanggal narin nito ang gear niya sa bewang niya, nang matanggal na ay inayos na namin ang gamit namin at nilagay sa isang gilid na pwede pag-taguan.

Walang ingay kami nag-lalakad ni amanda sa likod ng mansyon, nang makarating kami sa likod ng mansyon ay mabilis ako pumunta sa bintana at kinuha ang clip na nasa buhok ko at sinuksok ito sa kandado ng bintana.

Tunog lang na nabuksan bintana ang gumawa ng ingay sa paligid namin, mabilis ko tinaas ang bintana at pina-una si amanda para pumuslit sa loob bago ako pumasok ay lumingon muna ako sa paligid ko para maka sigurado kung wala nga ba talagang tao, nang makita ko na wala naman ay sumunod na ako pumasok sa bintana.

Nang maka-pasok ako ay bumungad sakin ang napaka ganda at malinis na lugar kumikintab lahat ng nasa paligid ngunit mapapansin mo na mga kartoon lang ang naka tambak sa malaki na espasyong lugar,  dali-dali kami pumunta ni amanda sa mga kartoon kung may laman itong mamahaling bagay.

Binuksan ko ang mga kartoon isa-isa ngunit mga papeles lang ang mga naka tambak sa loob, tumingin ako kay amanda at tinuro ang kaliwa at siya naman ay tinuro ang kanan, dahan dahan kami nag lakad papunta sa pinto para buksan.

𝐓𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐏𝐎𝐒𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon