CHAPTER 23

550 8 5
                                    

MELANIA POV

ISANG MALAKAS na singhap ang ginawa ko habang yapos-yapos ako ng lola nila lania. Sa hindi malang dahilan ay ayaw ako nito pakawalan na parang naka depende ang buhay nito sakin. Nanlalamig ang buong katawan ko habang haplos-haplos nito ang likod ko na parang hindi ako nito nakita ng ilang taon. 

"Lola, let's get inside po."Maliksing sabi ni lania habang tumatalon-talon sa tuwa kung tutuosin ay hindi naman ganito kalikot si lania siguro ay dahil sa tuwa na makikita niya din ang mga kamag-anak niya.

"We will apo."Wika naman ng lola nito ngunit hindi nito mawalay-walay sakin ang malisosyong nitong titig. Marahan nitong hinawakan ang kamay ko bago ako hinaltak papasok sa loob ng bahay nila.

---

Malakas na tawa ang maririnig mo sa apat na kasuloksulukan ng dingding habang nagtatago sa isat'isa sila lazrus. Ang tahimik na imahe ni larxus ay napalitan ng isang makulit na bata. Ayaw nitong magpa awat at tuwang-tuwang nagtatatalon sa malaking kama.

Kitang-kita sa tatlong magkakapatid na tuwang-tuwa sila na magkakasama ulit sila dahil ni isa sakanila ay hindi ito magpahiwalay parang buntot ni lania sila lazrus dahil kung nasaan si lania ay nakasunod ang mga ito.

"Tita, come here."Hagikhik ni lania habang namumula ang pisngi at tila mapupunit ang labi sa laki ng ngiti nito habang nakatingin sakin. 

"Bakit?." Tanong ko dito at umupo sa malambot na kama. Dali-dali naman ito lumapit sakin bago umupo sa kandungan ko paharap sakin, ang dalawang maliliit na daliri nito ay lumapat sa dalawa ko pisngi.

"Thank you." Bulong sakin ni lania bago ako hinalikan sa pisngi ng mabilisan at nagmamadaling umalis papunta sa dalawa nitong kapatid na nakangusong naka tingin samin. 

"Kami din." Sambit ni laxrus bago mabilisang tinawid ang pagitan namin dalawa habang kasunod nito si lazrus na malaki ang ngiti na naka tingin sakin. Magkasabay nilang hinalikan ang magkabila ko pisngi.

"Thank you po" Mahinang bulong sakin ni lazrus bago isiniksik ang ulo sa leeg ko 

"Can I hug you?." Tanong sakin ni laxrus habang namumungay ang tingin sakin

"Oo naman." Masigla ko sabi bago ito hinagkan sakin papalapit ang mga braso naman nito ay pumalupot sa beywang ko

______

Ang hindi nila alam ay may naka tingin sa nakaawang na pinto, kitang-kita nito kung gaano kasaya ang mga bata habang nakikipaglaro sa babaeng patuloy na gumugulo sa isip at puso nito. Mula sa tawa at kislap ng mata ng babae ay halos mapuno na ang puso nito sa tuwa na siyang ipinagtataka nito.

As if he didn't see anything as he left while thinking how she laugh and smile.

___

Bumaba naman sila lania patungo sa kusina dahil kailangan nila uminom ng gatas para sila ay tuloyang makatulog ng mahimbing. Dati naman ay hindi sila umiinom ng gatas ngunit simula ng dumating ako ay inaraw-araw ko ang paginom nito sa gabi dahil nalaman ko na nakakalusog at nakakaganda ito sa katawan ng isang bata.

Habang pinagtitimpla ito ng mga gatas ay hindi ko mapigilan na maalala ang mga kapatid ko, biglaang pumasok sa utak ko ang napakadaming tanong, kamusta nakaya ang mga ito? Kumakain ba sila araw-araw? Nakakatulog ba ang mga ito sa tanghali.?

Hindi ko mapigilan ang hindi malungkot, dahil nagsasaya ako sa bawat oras habang ang mga kapatid ko ay hindi ko malaman ang mga kalagayan. Pumikit ako ng mariin para pigilan ang luha na gustong lumabas sa mga mata ko bago suminghap at huminga ng palabas para mawala ng tuluyan ang nararamdaman ko emosyon.

Nang matapos uminom ng gatas sila lazrus ay pinatulog ko na ang mga ito. Habang nagmumuni-muni ay hindi ko mapigilan ang mga tanong at pasakit na nararamdaman ko, na tila ba pasan-pasan ko ang pinaka mabigat na problema sa mundo habang nakatulang nakatitig sa tatlomng magkakapatid na natutulog na magkakasama.

Tila ba nag-itim ang paningin ko para ba nawawalan ako ng kakayahan imulat ang mga mata ko bago lamunin ng kadiliaman na siya namang pagbukas nitong muli ngunit makikita dito ang tapang at tuwa habang tinataas ang mga kamay.

"Nakabalik narin ako sa wakas." Masayang wika ko bago hinawakan ang pisngi ko sa sobrang saya na pangyayari. Mabilisan naman ito lumabas sa mansyon bago dahan-dahan naglalakad. Para naman ito natanggalan ng tinik sa dibdib habang itinatampisaw ang paa sa tubig na may nakakalokong ngiti sa mga labi nito.

"Melania, melania." Nasasayahan ko sigaw bago humagikgik na tila ba nababaliw ako sa hindi malang dahilan, dahil tinatawag ko ang sarili ko pangalan. Dali-dali naman ako pumasok muli sa mansyon tila ba kabisado ko ang lugar dahil napadpad ako sa kuwarto ng nais ko puntahan.

Isa, dalawa, tatlong katok ang ginawa ko bago dahan-dahan pinihit ang dalawang pintuan pabukas. Tumambad naman sakin ang madilim na lugar  habang nangingibabaw ang napaka bangong panlalaki na amoy. Magagaan ang paa ko na pumunta sa malaking kama habang pinagmamasdan ang tulog na mga mukha nila damien.

Para bang mga pagod na pagod ang mga ito na ikasimangot ko, at nabuhayan ng may ideyang pumasok sa isip ko kaya walang pagdadalawang isip na lumapit kay damon bago ako dumagan sakanya at madiinan itong hinalikan.

Ngunit tila ba hindi ito nagulat sakin ginawa kundi sinabayan nito ang halik sakin bago dahan-dahan iminulat ang mga mata nito habang mariin nakatitig sakin.  Ang mga kamay nito ay dahan-dahan humaplos sa pisngi ko na siyang ikinatuwa ko.

"Gising na kayo." Maligalig ko sabi bago umupo sa kandungan nito ng maiayos ang pag kaka upo nito sa kama bago ipinalupot sakin ang mga braso nito sa pang upo ko habang malalim parin ang pagkakatitig sakin. Nakaramdam din ako ng galaw mula sa dalawa nitong kapatid nasiyang pumukaw ng atensyon ko.

"Come on." Masayang sabi ko bago maglikot sa kama ng mga ito ngunit may humila sa akin hita bago pwersahan na ipinaupo ako sa kandungan paharap dito. Nakita ko ang namumungay na mata ni darius habang nakatitig sakin.

"What are you doing?." Tanong sakin ni darius nasiyang ikahagigik ko ng mahina bago inilapit ang pisngi sa matipuno nitong dibdib at tuluyang sumandal dito. Ang boses nito ay para bang hinehele ang isang bata dahil sa lamig at ganda nito na tila ba may inaakit.

"Nagpumilit ako lumabas dahil alam ko naman na may kagustohan kayong itanong sakin." Nakanguso ko wika bago pinaglaruan ang dalawa ko kamay at inilipat ang kabilang pisngi para isandal ulit sa dibdib nito.

"What are you saying?." Malamig nasabi sakin ni damien kaya nalipat ang tingin ko dito dahil sa paraan ng boses niya ako tanongin, ang boses nito ay para bang mas malamig pa sa yelo ngunit napakagandang pakinggan.

"Wag na tayo maglokohan." Natatawa ko bigkas bago inangat ang mukha ko na siyang naging dahilan para magkalapit ang mukha namin ni darius. Maloko ang ngumiti dito bago ipinalandas ang kamay ko sa mukha nito pababa sa dibdib nito.

"Alam ko gusto niyong malaman ang nangyari sa asawa niyo."

---

A/N: New update everyone, gusto ko malaman niyo na kada week na ako may update dahil malapit ng matapos ang klase ko kaya makakabigay ulit ako ng oras para magsulat hehehe. Anyway, sana magustohan niyo ang pinabagong kabanata. Enjoy reading : )



𝐓𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐏𝐎𝐒𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon