CHAPTER 5

6.8K 86 8
                                    

MELANIA POV

MABAGAL kami nag lalakad papasok sa malaking hotel, pag pasok palang namin ay napaka kintab na mala ginto ang mga pader at sahig ang bumungad sa amin may estatwa sa bawat gilid nag patuloy kami mag lakad papunta sa elevator

"Good morning ma'am and sir, which floor are you going ?" Tanong naman ng isang babae habang naka upo sa loob ng elevator

"Floor eight please" sabi naman ni tita kalia na ina ni kali tumango naman ang babae at may pinindot

"Nasan ang invitation niyo." tanong naman ni tita kalia samin tinaas ko naman ang isang kamay ko hawak-hawak ang invitation tumango-tango naman ito mga ilang minuto rin bago kami makarating ng walong palapag

"Ma'am and sir we're here on the eight floor, enjoy your time in hotel Sawyer's." sabi ng babae tumango nalang kami at lumabas sa elevator

Bumungad samin ang malaking pinto na may nag aabang na dalawang lalaki na nag babantay sa dalawang dambuhalang pinto lumakad naman kami papalapit at huminto para ibigay ang invitation kinuha naman ito ng isang lalaki at tinignan ang invitation list nang makita ang pangalan namin ay tumango ito at binuksan ang dalawang dambuhalang pinto

Nang bumukas ay sumalubong samin ang napaka eleganteng lugar ang kulay na naka paligid sa lugar ay ginto,itim at nude, mga eleganteng tao rin ang mga nandito ang iba ay mga nasa gobyerno at ang iba ay mga artista

Nag lakad naman kami papasok namamangha ako tumingin sa paligid napaka elegante tignan ang lugar hindi narin nakakapag taka dahil kilala ang pamilya ni kali, hindi ko nga alam kung bakit pinili ni kali mamuhay sa hirap kung napaka yaman naman nito

Pumunta naman kami sa isang table at umupo doon para mag hintay sa birthday celebrant ang mga pagkain na nasa gilid ay mukhang masasarap nilibot ko ang paningin ko sa paligiddumapo sa isang groupo sa gilid

Umawang ang labi ko ng makita ko kung sino ang mga ito ang pamilyang sawyer kilala ang pamilyang sawyer sa sobrang yaman ng mga ito na kahit ang presidente ng bansa ay hindi mapapantayan ang kayamanan ng mga ito kilala rin ito dahil ang ibang sawyer's ay mga abogado at nga senador ng iba't ibang bansa kilala rin ito sa business na naka palibot sa buong mundo pag mamayari nito ng mga ito ay casino, hotel, beaches, island, companies, etc at ang nag papakilala pa dito ay ang naka upo vice presidente ng pamilyang sawyers ang namamahala ngayon ng bansa

Naka tingin parin ako sa mga ito ng may lumingon at tignan ako nag iwas mata ako at umayos ng upo sa buong buhay ko ngayon lang ako napasama sa ganitong celebrasyon kaya kinakabahan ako napa kagat ako ng labi at tumingin kay amanda para makipag usap para narin malibang ako

**********

Mga ilang minuto kami nag hintay para lumabas ang celebrant ng party
Nawala narin ang kaba ko nang makipag usap ako kay amanda at kila enzo nawala narin sa isip ko ang pamilyang sawyer

"Here she come the birthday celebrant Victoria Louis Villamar." sigaw ng babaeng naka mic at masagabong palakpakan ang namayani sa buong paligid kasabay ng pag patay ng ilaw at pag tutok sa isang napaka gandang babae papasok. Elegante naman itong nag lakad papunta sa harap at inabot dito ang isang mic

"Hello everyone, Thank you for attending my birthday party. I wish you all have a enjoyable day." malambing na wika nito bago ngumiti muli kaming nag palakpakan at muling bumukas ang ilaw at umalis ito sa unahan para pumunta sa isang table na may isang lalaki at dalawang bata lalaki nakita ko ang pag yakap ni victoria at ng lalaki bago ko alisin ang paningin ko dito

"Melania, tara kuha na tayo ng pag kain doon." sabi ni amanda sabay hawak sa kamay ko kaya tumayo na kami para pumunta doon sa gilid nang makita ko na nag tayuan na ang iba para kumuha ng pagkain

𝐓𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐏𝐎𝐒𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon