CHAPTER 21

1.5K 23 5
                                    

MELANIA POV

MATALIM na tingin ang ginagawi samin nito habang kandong-kandong ko ang humahagikgik nasi villiana.

"Who is she?." Naka simangot na tanong sakin ni lania habang nakataas ang isang kilay nito samin

"I'm her niece." Namumulang sabi ni villiana habang kagat-kagat ang manipis nitong pang-ibabang ilalim na labi.

"Really." Nagdududang paninigurado nito bago magkabit-balikat at patuloy parin ang pagsimangot samin.

"Of course. I'm really sure, you can do a background check if you are having a doubt." Maligalig nasabi nito bago humagikgik ng mahina at pasilip-silip sa tatlong batang lalaki na nakaupo sa gilid namin.

"Oh you don't have to say it." Nakangising sabi ni lania habang matalim ang tingin samin at sa hindi malang dahilan mas lalo pa itong gumaganda kapag ngumingisi ito.

"Gosh, your so annoying." Inis na sabi ni villiana bago tumitig kay lania na naka kunot ang nuo habang nakataas ang kilay makikita din ang pamumula ng pisngi nito sa inis.

"Sie auch"Mataray na sabi ni lania bago umirap at hinawi ang buhok ( Ikaw din )

"Tita, ano daw." Mahinang bulong sakin nito habang nakatingala sakin kitang-kita ang pagtataka sa mga mapupungay nitong mata.

"Hindi ko din alam." Mahinang bulong ko dito bago inayos ang pagkaka-upo nito sakin.

"Hi." Mahinang sabi ni blade habang kumukuha ng tingin kay villiana na nagpapa ngiti naman ng malawak dito bago pasimpleng ako kinukurot ng mahina sa ilalim.

"Hello." Mahinang bulong ni villiana dito bago hawiin ang buhok papunta sa tenga at ngumiti.

"I'm Villiana." Agap naman nito bago inabot ang kamay sa harap ni blade.

"I'm blade and this are my brothers." Masiglang sabi nito habang ang mapupungay na mata ay malawak ang pagkakangiti at inabot ang kamay ni villiana.

"It's nice meeting you." Nakangiting sabi ni villiana bago magtago sa dibdib ko sa pamumula.

"Mga bata nga naman mas naunahan pa tayo magkaroon ng pagibig." Turan ni sarah habang umiiling-iling.

"Ang sabihin mo bitter kalang." Nang-aasar na sabi ni allia na masama namang tinignan ni sarah.

"Tignan mo kung sino ang nag-salita." Balik na asar ni sarah bago bumelat at pinag-patuloy ang pagaayos sa batang inaalagaan niya

Ilang oras ang namayapa ng may tumunog bago nagsitayuan ang mga bata habang dala-dala ang mga gamit para bumalik sa susunod na klase.

"Tita-ninang, I'm leaving na." Papikit-pikit na sabi ni villiana bago umalis sa kandungan ko hinabol naman siya ng tingin ng magkakapatid na fox habang si lania ay pasimpleng tumingin samin.

"Gusto mo ba samahan kita papunta sa labas." Nagaalalang wika ko dito bago hinawakan sa pisngi ng makitang ko na patango-tango ito dahil sa antok.

"No need napo." mahinang sabi nito sakin bago ako hinalikan sa pisngi bilang pagpapaalam.

"Sige, mag-iingat ka." Turan ko dito bago inayos ang gumulo nitong buhok.

"I will. It's nice meeting you all." Nakangiti nitong sabi kila lazrus na kanina lang ay kakwentuhan niya at mga kalaro niya.

"Bye bye." wika ni laxrus habang pareho sila ni blade na kumakaway-kaway na ginantihan lamang ni villiana ng ngiti dahil sa pagod.

"Mag-iingat ka." Marahan ko wika dito bago ko siya iginaya papunta sa labas ng kainan para namang buntot ko ang mga bata habang iginagaya ko ito papalabas mga nakasunod ang mga ito samin.

"See you soon." nahihiyang wika ni lazrus kay villiana bago kumamot sa batok na tinawanan lang ni villiana bago kurutin sa pisngi.

"Your so cute." Nakangiting wika ni villiana kay lazrus at sa hindi mapaliwang ay nakaramdam ako ng kilabot at unti-unting nagsisitaasan ang balahibo ko sa katawan.

"Ang lamig naman." Mahinang bulong ko sa sarili bago hinagkan ang sarili sa lamig hindi ko man lang napansin ang pandidilim sa buong paligid ng magkakapatid na fox habang naka tingin kay lazrus ng madilim Isama mo pa ang naka simangot si lania habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kakambal.

----

Malakas na buntong hininga ang ginawa ko habang naka higa sa kama, ilang linggo na ang naka lipas ng hindi na ako binibigyan ng pansin ni darius pagkatapos ng nangyari sa eskwelahan ng mga bata.

Malamig na bati at tango lang ang natatangap ko sa mga ito habang sila laxrus naman ay lagi akong kinukulit tungkol kay villiana. Habang si lania naman ay mapapansin mo ang pagirap niya kay lazrus. Sa hindi malang dahilan nitong mga nakaraang araw na napag-usapan namin ang mga bata na para ba itong mga nagkasundo-sundo sa isang bagay.

Mariin ko kinagat ang labi ko bago bumangon at nagmamadaling pumunta sa harap ng salamin ng makaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko.

THIRD PERSON POV

MALAKAS ang ihip ng buhok ng isang babae habang nasa labas ng bahay ang damit nito ay sobrang nipis na makikita mo ang hugis ng katawan nito na natatakpan ng itim na balabal.

Dahan-dahan ito naglalakad habang walang pang isuot na tsinelas para sa mga paa na unti-unting nagkaka sugat dahil sa gaspang ng bato at dahil narin sa ibang mga batong matutulis.

Ang babae ay walang emosyon na nakatingin sa bilugan at napaka liwanag na buwan sa gitna ng dilim walang ni isang bituin ang makikita kundi ang dilim at liwanag na nanggagaling sa bilugang buwan.

Dahan-dahang itinaas ang isang kamay nito na para bang inaabot ang kalangitan bago umusbi sa labi ang ngiti na paunti-unting naging halakhak na umaalingawngaw sa buong paligid.

Tinangal nito ang balabal na nakakawit sa balikat nito bago dahan-dahang naglakad sa isang upuan dahan-dahan nitong hinawakan ang upuan na para ba itong bata na naka kita ng laruan sa unang pagkakataon.

Ang inosenteng babae na patingin-tingin sa paligid niya na parang tuta na walang kaalam-alam na pinagmamasdan siya mula sa malayo ng isang lalaki na nakatayo sa pangalawang balkonahe.

MELANIA POV

ANTOK ang bumabalot sakin habang pinapakain ko si lania ramdam ko ang pagtitig sakin mula sa kabilang silya ngunit hindi ko ito binigyan ng pansin sa sobrang antok na nararamdaman.

"Are you okay tita." Nakangiwing sabi sakin ni lania habang pinagmamasdan ako

"Oo naman."Nakangiti ko wika bago ipagpatuloy ang pagsubo sakanya ng pagkain dahil sa totoo lang ay nagising nalang ako na nasa labas at nakahiga sa upuan kaninang madaling araw dahil sa pangyayari ay hindi ako makatulog sa pananakit ng buong katawan ko at isama mo pa ang pananakit ng ulo ko para ba itong binibiyak.

Nang matapos ng kumain si lania ay inayusan ko ulit ito bago naghintay sa labas para sa maghahatid samin papuntang school.

Pumarada naman sa harap ang sasakyan ni darius na ginagawa niya na araw-araw lagi niya kaming hinahatid sa eskwelahan para makita ang dalawa niya pang anak, dali-dali naman kami sumakay ni lania sa dating pwesto bumungad sakina ng lamig at bango ng sasakyan at ang mahina nitonh tugtugin.

Malayo ang tingin ko mula sa bintana habang pinagmamasdan ang mga nagtatayugang gusali hanggang sa makarating kami sa eskwelahan at pinarada ni darius ang sasakyan bago ko kinuha ang gamit ni lania.

Nang maayos na ang lahat ay naglakad na kaming tatlo hanggang sa makasalubong namin sila lazrus na tumatakbo papunta samin na may malaking ngiti hanggang sa sunggaban nila nito ang kanilang ama ng yakap.

"Daddy. Good morning."Nakangiting sabi ni laxrus bago humalik sa ama sa pisngi ganun din ang ginawa ng kakambal

"Darius."Mahinang bulong ng kung sino galing sa likod na kumuha ng pansin sa mga bata ang kaninang malawak na ngiti ay mas lalong lumawak sa nakita.

"Lola."

---
A/N: New update sana nagustohan niyo hehehe vote and comment everyone, ano sa tingin niyo ang mangyayari abangan sa susunod na kabanata.

Enjoy reading : )

𝐓𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐏𝐎𝐒𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon