CHAPTER 10

4.9K 64 11
                                    

MELANIA POV

MALAKAS na busina ang maririnig sa buong paligid ko at usok ng lugar ang bumungad sa akin dala dala ko ang mga bag ko dahil mag tatagal ako ng isang taon sa pagiging babysitter ni luna napag pasyahan ko kunin ang folder ni luna dahil malaki ang kikitain ko hindi narin lugi at mas malaki pa para sa isang taon pumasok sa utak ko ang tatlong lalaki ng makita ko ang apilyido ni luna pero naisip isip ko nabaka mag ka apilyido lang sila dahil siguro naman ay maraming mga apilyidong sawyers sa mundo

Pumara lang ako ng taxi ng makababa ako sa edsa mga matatayog na building ang nasa paligid ko mga bus at jeep ang nagsisiksikan sa buong edsa mag sisimula ako kinabukasan pero ngayon na ako pumunta para maayos ko na ang mga gagamitin ko sa buong isang taon sa sobrang haba ng byahe ay naka tulogan ko na sa sobrang pagod, nagising nalang ako ng nasa tapat na kami ng isang napaka laki at mukhang mamahalin na village

Napa-awang ang labi ko sa ganda ng lugar sa labas palang ng village ay makikita mo na ang nag lalakihan na mga bahay, mapuno rin ang lugar nito at mukhang bilang ang naka tayo na mga bahay subalit hindi mo maitatangi ang kalakihan at kagandahan sa mga bahay huminto kami sa gilid ng guard ng humarang ang mga ito

"Good morning ma'am and sir, why are you coming to the village or are you going to visit someone?" tanong ng guard tumingin naman sa akin si kuya driver ng taxi

"Magandang umaga din sayo. Nandito sana ako para sa pamilyang sawyers." ani ko dito kaya tumango naman ito bago inilabas ang papel para pirmahan ko at ilagay ang pangalan ko

Nang matapos na ay pinapasok kami sa village siguro kung hindi lang ako tumigil sa pag nanakaw ay papasukin ko talaga ang mga bahay-bahay dito dahil nag lalakihan ang mga bahay dito at mukhang mayayaman lamang nag nakakatira dito kung titignan mo palang sa labas ay napapa nga-nga kana lang sa ganda at laki

Mga ilang minuto na ang nakalipas ng pumasok kami sa village hanggang sa mapadpad kami sa pinaka dulo dulohan, may isang malaking gate ang humaharang sa buong kalsada at matayog rin ang mga pader dito kumpara sa ibang bahay sa buong village

Sa gilid ng dambuhalang gate ay may naka-lagay na SAWYER'S naka ukit mismo sa mga bato huminto kami sa tapat nito kita-kita dito ang medyo may kalayuan na napaka laking mansion mula sa gate at mukhang malayo-layo lakaran para makarating sa pinaka loob ng mansion

"Excuse me po ma'am, bawal napo kasi ako pumasok sa loob. " ani ni kuyang driver kaya tumango ako dito bago lumabas ng taksi kinuha ko ang maleta ko ng maayos na nakalagay sa gilid pag katapos ay nag bayad na ko para sa taksi nang maka alis na ang taksi ay nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid hindi ko mapigilang mapa mangha sa ganda kahit nasa labas palang ako ng gate ng mansion

Lumakad ako papalapit sa gate ng biglaan ito nag bugkas sa hindi malamang dahilan umawang ang labi ko sa gulat habang nanlalaking mata naka tingin dito 

"Minumulto ba ako tang*na"

Natawa ako ng palihim ng maalala ko na pwede nga palang ma control ang mga ito. Nag lakad ako papasok sa malaking gate ng makapasok ako ay nag sarado ito ng dahan-dahan Inikot ko ang paningin ko sa buong lugar, dahil maraming mga puno ay malalasap mo ang sariwang hangin bumuntong-hininga ako at nag patuloy mag lakad para marating ang napaka laking mansion sa pinaka dulo ng lugar nato

Wala pa ako sa kalahati ng may parang motor ang humaharurot papunta sakin nang makarating ito sa harapan ko ay huminto ito

"Hi, Ms. Are you our young lady's new babysitter? Are you Ms. Smith" ani nito pinagmasdan ko naman ang mukha nito medyo matanda na ito maputi puti na ang buhok matangos na ilong at mapupulang labi may ka kapalan rin ang kilay nito at medyo kulubot narin ang katawan nito pero hindi maalis ang kagwapuhan nito at kalikahan ng katawan nito 

𝐓𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐏𝐎𝐒𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon