Tuluyan na akong natulala sa kaniya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang magtagpo ang mga mata namin. Nakita kong umangat ang sulok ng labi nito bago dumiretso sa may counter upang mag-order.
Hindi na nagtanong pa ang crew sa kaniya at agad ng inasikaso ang kaniyang order. I guess he's a regular customer here kaya siguro ay alam na agad ang order nito. Nakamasid lamang ako sa kaniya mula sa aking kinauupuan.
I'm not sure if he's aware that i'm looking at him. But I'm not also sure if he didn't notice.Sana lang ay hindi kasi hindi ko alam ang gagawin ko kung nahalata na niya ako. That's embarrassing.
But to be honest, ewan ko kung bakit hindi na maalis ang tingin ko sa kaniya. There's something about him that I wanted to know by just observing him. Weird isn't it?
Iniabot sa kaniya ang order nito. It's a coffee americano just like mine. I guess we have the same taste when it comes to coffee. Nice.
Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Ang akala ko ay tuluyan na siyang aalis ngunit nagkamali ako ng bigla itong humarap sa kinaroroonan ko.
"You"
I looked around. Hinahanap ko kung sino ba ang tinawag niya na 'you'. Wala namang ibang nakaupo sa gilid ko at sa likuran. Muli akong lumingon. Sinisigurado kung ako ba ang tinatawag niyo o may ibang tao pa sa likod ko na hindi ko nakikita.
"Hey, stop looking around. It's you" he said with an emotionless face.
I looked at him, confused.
"Me?Are you talking to me?" I asked once more.
"Yes, you. Normal bang tumitig ka sa mga taong hindi mo naman kilala?"
Napamaang ako sa aking narinig. My mouth formed into an O shape. I don't know what to say. Did I heard it right?Tumitig talaga?Ang daming ibang term pero tumitig?!
"Fyi, Mister. Hindi kita tinititigan. I'm just looking around. Masama ba 'yon?" mataray na aniya ko habang nakaangat ang isang kilay.Trying my best luck to escape.
"Really?" he mocked at me.
"Pwede ba? Don't be so assuming ah. Hindi porque nahuli mo akong nakatingin sa'yo ay ibig sabihin na non ay tinititigan na kita."
Hindi na ito sumagot. Tumalikod na siya sa akin at akmang hahakbang na, ngunit muli itong lumingon na tila may nakalimutang sabihin sa akin.
"Next time, don't be too obvious. H'wag ka masiyadong tititig baka mapagkamalan na type mo 'yung tao."
Maang akong nakatingin sa kaniya hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng cafe. Naiwan akong tulala habang hawak ang baso ng kape na wala ng laman ngayon. Hindi ko napansin na kanina pa pala ubos ang laman nito.
"Jerk" I mumbled.
_
Katahimikan ang sumalubong sa akin ng makapasok ako sa loob ng bahay. Paniguradong wala dito sila mom, dad at mga kapatid ko. Bihira lang kasi umuwi ang mga iyon dahil hectic ang schedule sa hospital. Kaya madalas ay ako lang talaga ang namalalagi dito bukod sa mga kasama kong maids.
Hindi ko alam kung malungkot ba ako o sadiyang nasanay lang ako na mag-isa. Kung sa iba, malungkot na ang ganito. 'Yung hindi mo madalas makita ang pamilya mo. 'Yung hindi kayo nakakapag-breakfast, lunch and dinner together. 'Yung mag-isa ka lang at puro maids lang ang kasama mo. Siguro nga, nakakalungkot ang mag-isa. Pero sa katulad ko na nasanay na sa ganito, mas nakakaramdam ako ng kapayaan.
But sometimes dumadaan tayo sa point na makakaramdam ka ng malungkot kasi no one was there for you. Iiispin mo na mag-isa ka na lang talaga na nobody wants to be with you. But at the long run, kapag nasanay ka na. You'll just realized na it's better to be alone.

YOU ARE READING
Starry Night
Short StoryHayami Astrelle always defined herself as a piece of trash and a failure to her family. But everything had changed when he met someone named Isaac. With Isaac she found the comfort, the love and she found a person who'll let her see her own worth.Wi...