Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Napayuko ako nang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Tumayo ako upang isarado ang nakahawing kurtina sa kwarto. Matapos ay muli akong umupo sa dulo ng kama.
Nangunot ang aking noo nang may mapagtanto. As far as I remember, I was in a restaurant because I was told by my mom that we're going to have a family dinner. Yet I found out that it was all just a set up and my mom did it. My anxiety attacked and I I passed out after that. Bukod doon ay wala na akong ibang matandaan. Hindi ko rin maalala na nakauwi ako ng bahay.
Nakapagtataka rin na nakahawi ang kurtina ng aking kwarto. Hindi ko gawain ang ganoon lalo pa't matutulog ako. Did someone drive me home without me knowing?Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam kung paano rin ito masasagot.
Iwinaksi ko na lang sa aking isipan ang mga bagay na iyon. Mas pinili ko na lamang dumiretso sa banyo at nagsimula maghilamos bago tuluyang lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng kusina. Tanging si manang at mga kasambahay lang din ang aking naabutan.
As usual.
Isa-isa silang yumuko at bumati ng magandang umaga. Wala akong gana upang batiin sila pabalik. Hanggang ngayon kasi ay ramdam ko ang panghihina ng aking katawan. Ganito ata talaga kapag inatake ka ng breakdown at anxiety. Wala kang ganang kumilos o gumawa ng kahit ano. Mawawalan ka talaga ng gana sa lahat.
Walang kibo akong naghila ng upuan at umupo roon. Maglalagay na sana si manang ng pagkain sa aking pinggan ngunit tumanggi ako.
"Hindi po ako kakain. Busog pa po ako."
Kahit masarap ang nakahain na pagkain ay hindi ko makuhang matakam o magutom man lang. Bumaba lang ako dito dahil may itatanong ako. Tiyak na buong araw lilipad ang utak ko kaka isip kung hindi ko malalaman ang sagot sa mga tanong sa isip ko.
"Busog?Hindi ka kumain ng hapunan kagabi. Paano nangyari na busog ka?" nagtatakang ani ni manang.
Hindi ako nakakibo. Naramdaman ni manang ang pagtahimik ko. Ilang saglit lang ay siya na rin ang unang nagtanong.
"May problema ba hija?Mukha kang maputla. Masama ba ang iyong pakiramdam?" mababakas ang pag-aalala sa kaniyang tinig.
Hindi ko napigilan ang pag-ngiti. It's kinda heart melting knowing that there's someone who truly cares for you. My mom isn't this caring when it comes to me. But manang never failed to make me feel that I was loved and cared by someone like her. She may not my mother by blood, but I consider her as my mother by heart.
"I'm fine po. I just want to ask you something lang."
Tumango lang ito kaya naman ay itinanong ko na ang kanina pang bumabagabag sa akin.
"Kagabi po, umuwi po ba akong mag-isa?"
Kumunot ang kaniyang noo. Tila naguguluhan sa tanong ko.
"I mean paano po ako nakauwi?"
"Hindi mo ba naaalala?" tanong niya pabalik. "May naghatid sa iyo kagabi."
It means...
"Naghatid?Sino raw po?"
"Hindi raw nagpakilala sabi ng guard pero kaibigan mo raw siya. Hindi naman pinaghinalaan ni Carding dahil matino naman ang itsura ng binata. Mukhang hindi raw gagawa ng masama." Kwento niya pa.
Kumunot ang aking noo dahil sa narinig. So totoo nga ang hinala ko. Someone really dropped me home. And that someone is a guy who consider himself as my friend. Who is he?
Muli akong umakyat sa kwarto. Wala akong ganang lumabas ngayon. Hindi ko rin makuhang humawak ng libro para mag-aral. Para akong walang sapat na lakas kumilos ngayon. Ang tanging gisto ko lang ay ang matulog at humiga sa kama buong maghapon.

YOU ARE READING
Starry Night
Short StoryHayami Astrelle always defined herself as a piece of trash and a failure to her family. But everything had changed when he met someone named Isaac. With Isaac she found the comfort, the love and she found a person who'll let her see her own worth.Wi...