Chapter 8

6.5K 174 0
                                    

Problema nanaman to ngayon dahil sa lasing na si Ina dahan dahan ko siyang binuhat dahil sa ayaw kong sa kubo ito matulog napaka lamig pa naman ng gabi Si Kinzo naman ay May pinuntahan sa kotse niya iwan ko kong amo bayun basta ang importante ay maihatid ko itong si Ina sa Tutuluyan namin pasuraysuray itong mag lakad dahil sa lasing narin kumakanta pa siya na iwan kaya pinag kakamalang baliw."Ina tumigil ka nga!" Inis kong bulong tumawa lang ito.

"Ikaawww, alaaam moooo, napakaaaaa, kj mo," lasing na nga ito dahil sa ang haba na kong magsalita.

"Hays."napabuntung-hininga nalang ako at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating din ay agad kong binitawan si Ina sa kama at ayun komportable na ang gaga sa pagtulog nakita kupa si Manager at si baby kio na tabi itong natulog iisang kwarto kasi ang kinuha namin at sa mga kasama ko naman ay tag iisa sila, sila naman kasi ang magbabayad daw at kami naman ay tipid kaya salo kaming apat.

Agad kong kinuha si baby kio sa bisig ni manager narinig kupang mahinang nag ring ang cellphone niya binaliwala ko lang dahil sa baka alarm lang yun pero kanina pa talaga siya nag ring kaya nilapag ko muna si baby kio at tinignan ang cellphone ni manager nakalagay dito ay Monay.

Alas dos na ng umaga at tumatawag pa ang Katulong niya aba agad kong sinagot ang tawag."yes hello?" Takang tanong ko natigilan pa ang mas kabilang linya."hello--" hindi ko natapos ang sasabihin dahil sa bigla itong nagsalita.

"Pakisabi sa bakla kong amo, na umuwi bukas dahil nandito ang mga magulang niya!"sabi nito parang galit binabaan pa talaga ako ng cellphone napabuntong-hininga nalang ako at nilingon si manager patay ka talagang bakla ka agad kong nilapag ang cellphone sa katabi niya bumalik ako sa kama ko at tinabihan si kio yumakap naman ito sakin ng napaka higpit kaya yumakap narin ako mukhang nilalamig ang baby ko hinalikan ko ang noo niya.

Kinabukasan

"Huy! ina wag mukong ubasan!"sita ni manager kay Ina dahil sa inuubos na nito ang kanin ang takaw talaga kumain ng isang to.

"Chee kong gusto mong kumain kumuha Kana."sabi naman ni ina bigla kong naalala ang sinabi ni Monay kagabi sakin.

"Nga pala manager tumawag si monay sayo kagabi ako ang sumagot--" hindi ko natapos ang sasabihin dahil nahulog ang tinidor na hawak niya."ang sabi daw eh umuwi Kana dahil nandon sa bahay mo ang mga magulang mo."at sa pagkakataong ito siya na ang nahulog sa upuan wala anomalya iniwan kami patakbo itong lumabas sa restaurant iwan kong saan yun mukhang aalis na yun.

"Nyare don?" Takang tanong ng mga kasama namin.

"Paniguradong, lagot si boss sa mama niya."tatawang sabi ng kasama kong lalaki.

"Siguro nga."sabi naman ng iba nagtuloy lang kami sa pagkain mamaya maya rin ay uuwi narin kami dahil sa ngayon ang last namin dito.

Tahimik lang kumakain si Kinzo sa isang sulok ayaw niya row maki join samin ang kj din ng lalaking ito habang pinapakain si Kio ay abala din ako sa pagkuha ng pagkain si kio naman ay aba din sa pagnguya.

"Salamat talaga sa pagsama niyo."sabi ko sa mga kasama ako.

"Wala po yun chef Pat, nga pala mauna na kami sa inyo dahil sa meron pa kaming dadaanan."tumango naman kami nagpaalam na sila sumakay sila sa van kami naman ay sumakay narin sa kotse si kio naman ay busy sa paglalaro ng mga balloons si Ina naman ay busy sa pag ce-cellphone at ako ito balik driver naman napabuntong-hininga muna ako bago sinimulang pinaandar ang makina hanggang sa umandar na ito agad kong pinaharurot.

Nakasunod lang si Kinzo samin kaya binibilisan ko ang takbo dahil sa pagod ako ay gusto kong matulog pagkarating sa bahay libre naman ang daan dahil sa wala namang ibang dumadaan na sasakyan ngayon.

Babysitting The Mafia's Son (COMPLETED)Where stories live. Discover now