"Nagulat din ako 'nung makita kong gumagamit ka ng tubig" Sabi niya sa akin. Tinitignan naman niya ako ng matagal na parang nangungusap sa akin. "Alam mo kung anong naisip ko 'nung nakita na kita?"
Nakaramdam ako ng kaba nang itanong niya sa akin iyon. Lumapit naman siya akin. "A-ano?" Hindi ko na maramdaman ang mga kamay at paa ko dahil tanging tibok lang ng puso ko ang nararamdaman at naririnig ko sa mga oras 'to.
"I found you" Hindi ko alam kung bakit pero unti-unti akong napangiti sa sinabi niya. "My long time of waiting is finally over" Hinawi naman niya ang buhok ko. Hindi ko siya magawang pigilan dahil pakiramdam ko'y ayoko siyang pigilan. "And how did I found out... About your magic circle..."
Hinawakan naman niya ang kamay ko at nagdugtong ang mga crystallet namin kasabay 'nun ang paglabas ng apat na magic circle. Dalawang red at dalawang blue. Dahan-dahan silang nagdidikit at nagiging isa. Nagiging kulay purple siya at may lumutang naman na tubig sa apoy sa taas nito. Kinulong ng apoy 'yung tubig na parang pinoprotektahan ito.
Biglang hinapit ni Shanter ang bewang ko papalapit sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa. Madilim ang buong lugar, tanging mga ilaw na gawa ng magic circle namin ang nagliliwanag ngayon sa lugar na ito.
Gamit ang isa pa niyang kamay ay dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Hindi naputol ang pagtitig namin sa isa't-isa. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at kasunod nito ang pagpikit ng mga mata ko.
Sa oras na dahan-dahan nagiging isa ang apoy at tubig
There was our lips met each other...
![](https://img.wattpad.com/cover/115305934-288-k386702.jpg)
YOU ARE READING
He Had Fallen [On Going]
FantasyShe's simple with only few wishes in her life. Then again, she became the luckiest woman who will enter a famous with a mysterious school history. Is she still lucky? Is it true? Was everything really a coincidence only?