Chapter 3: Kinetic Abilities

40 5 1
                                    

"Woah chill ka lang newbie HAHAHAHAHA" Natigil naman ako nang tumawa ito. "Kahit kaya mong magkontrol ng tubig, 'di mo pa rin kayang patayin ang apoy ko" Dagdag nito na mas kinaiirita ko pa.




Kaya ko ngang kontrolin ang tubig. Iyon ang dahilan kung bakit tuwing nauuhaw si Zy ay nabibigyan ko kaagad siya ng tubig. Kaya ko ring maglabas ng tubig mula sa kamay ko. Iyon ang dahilan bakit parating basa ang sahig ng bahay dahil kadalasan na ang mga inaapakan ko ay nababasa.




Noon pa man ay may mga bagay na akong hindi maipaliwanag sa sarili ko at nakakasiguro akong itong school na 'to ang makakasagot ng lahat ng mga katanungan na paikot-ikot sa isip ko.




"Wala akong pakialam sa sasabihin mo--" Napahinto naman ako nang hawakan niya ang kamay ko.




"Umiilaw ang Crystalet mo" Pinagmasdan ko naman 'yung bracelet na nakasuot sa kamay ko. Teka kailan pa nagkaroon ng bracelet sa kamay ko? Papaanong-- "Nakikita mo ba 'to?" Tinataas naman niya ang wrist niya at gaya ko may bracelet din siya.




Paano muna ako nagkaroon ng bracelet doon?




"Hindi ako bulag natural lang na makikita--" Bigla siyang naglabas ng apoy sa kamay niya at itinutok sa akin kaya huminga ako ng malalim upang pigilan ang sarili kong magalit.




"Ikaw lang nakakakita niyan" Natigilan naman ako sa sinabi niya. Ano raw? Ako lang ang ano? "Nakikita ko rin 'yang sa'yo at ako lang din makakakita ng sa'yo maliban sa sarili mo--"




"Wala akong pakialam!" Inirapan ko na lang ito at naglakad paalis. Bago pa ako makaalis ng hallway na iyon ay biglang nagliyab ang apoy sa harapan ko na ikinagulat ko.




Hindi ko maramdaman ang kamay ko. Hindi ito normal dahil kaya kong kontrolin ang tubig sa pamamagitan ng kamay ko pero bakit hindi ko 'to magalaw ngayon. Hindi ako makagalaw.




Hirap man ay dahan-dahan kong hinarap ang lalaking kumokontrol sa apoy. Nanggigigil ako sa p*t*ng*n*ng lalaking 'to na wala naman akong ginagawa pero bakit niya ako ginaganito.




"A-ano bang p-problema m-mo?"




"Magical partners tayo newbie, dahil tayong dalawa lang nakakakita ng crystalet ng isa't-isa--"




"S-sinabing w-wala akong p-pakialaman" May kung anong puwersa ang umiipit sa kamay ko na kaya mas lalo akong nahihirapang kumilos. "I-itigil mo na 'to"




"Hindi ako ang gumagawa niyan. If you insist to welcome your magical partner, mangyayari talaga sa'yo 'yan" Dahan-dahan naman itong lumapit sa'kin at ngumiti ng nang-aasar.




Naaasar na ako sa kaniya pero tinatawanan lang ako ito. Itinuro naman niya ang relo sa wrist niya na parang sinasabing tumatakbo ang oras at kailangan ko ng gawin ang sinasabi niya.




Lalong humihigpit ang nararamdaman ko sa kamay ko. Ano bang kahibangan ang nangyayari sa akin? Hindi ko ginusto ang ganito. Ayoko na rito-- "Hihigpit 'yan lalo kung--"




"Fine!" Kinalma ko ang sarili ako at 'yun na nga ay nararamdaman ko na na lumuluwang na ang pakiramdam ko.




"Shanter Riarchy" Nakangiting sabi nito sa akin at naglahad siya ng kamay na ikinairap ko.




"Ahhh!" Naramdaman ko na naman ang paghigpit sa kamay ko at narinig ko ang malakas na pagtawa ng lalaking nasa harapan ko na ikinaiinis ko.




He Had Fallen [On Going]Where stories live. Discover now