Chapter 2: Academy

46 6 0
                                    

"Nasaan ako?" Masakit ang buong katawan ko at damang-dama ko ang init at ang pawis na unti-unting bumababa sa katawan ko. Napilitan akong magmulat ng mata at nakakasilaw na kapaligiran ang nakita ko. "Nasaan na ba ako?"



Nananaginip ba ako?



Nasa isa akong bukirin na kung saan ay marami ring studyanteng kagaya ko ay kagigising lang din. Amoy na amoy ko pa ang basang damo kung saan ay nakahiga ako.



"P*t*ng*n*!" Gulat na sigaw ko nang makita na nakauniporme na ako kasama ang ibang studyante. "Nasaan tayo?" Hindi mapakaling tanong ko sa iba habang tinitignan ang mga nakapalibot sa akin.



"Nasa Verliña na yata tayo... Nagfill-up lang ako sa librong bigay sa'kin tapos nahimatay na ako" Lumapit naman ako sa kaniya at tinulungan siyang makatayo. "Anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin.



"Reign..." Pinagpagan ko ang sarili ko at dinampot naman ang mga gamit ko. Alam kong akin iyon dahil may mga pangalan ko ang nakalagay at ito ang bigay sa aking gamit sa Verliña Academy. "Ikaw anong pangalan mo--"



"Good day newbies. You are all welcome here at Verliña Academy. At any moment your guide will arrive and drive you to your houses" Hindi ko maintindihan. Guide at houses? Bakit may ganitong klaseng patakaran sa Colleges School?



"Keep an eye on your belongings. And always be prepare because your class will start tomorrow" Narinig ko naman ang pagdating ng isang tren at ang malakas nitong tunog.



Mabilis itong nagpreno at tumigil sa may harapan naming lahat at kani-kaniyang baba naman ang ibang kagaya naming nakauniform at nilalapitan ang mga kasama ko.



Nawala na sa loob ko iyong kausap ko nang may pamilyar na babaeng lumapit sa akin. Tinitignan ko siyang mabuti na baka sakali ay mapagtanto ko kung saan ko nga ba siya nakita. Kunot-noo ko itong pinagmamasdan habang papalapit siya sa akin. "Shyra?" Litong tanong ko.



"Shyra Fellasion at your service!" Masiglang saad nito sa akin na ikinangiwi ko naman. Siya 'yung malisyosang babaeng kasama ni Zyrus sa perya bago nagkaroon ng awkwardness sa pagitan namin ni Zyrus.



"Ha-h-hi" Bati ko naman sa kaniya ng may pilit na ngiti. Mukhang hindi ko magugustuhan ang staying ko sa school na ito kung siya ang makakasama ko. Isa pa kakaiba siya mag-isip at hindi ko iyon nagugustuhan. "Reign Atria Fabiano" Nanginginig naman ang kamay kong naglahad sa kaniya.



"Kilala na kita naikukwento ka na sa akin ni Kuya Zyrus" Kwento niya. "Matanda ng apat na taon si Kuya Zyrus sa'yo 'di ba?" Dahan-dahan naman akong tumango sa kaniya."Magkaedad lang tayo. I'm 21"

He Had Fallen [On Going]Where stories live. Discover now