Chapter 10: Heiress

23 2 0
                                    

"I'm the lost Snowheart heiress" Titig na titig naman sa'kin ang lahat nang sabihin ko iyon. Pati mga prof namin at karamihan sa mga students ay ang mga nasa house of Lyos. Matapos sabihin sa'kin ni Shanter ang lahat ay dumiretso agad ako sa mga prof upang ipapalit ang surname ko at official na gamitin ang apelyidong "Snowheart".



Nagpatawag sila ng meeting sa mismong House of Lyos at lahat kami ay nandito ngayon sa living room ng House of Lyos. May mangilan-ngilan na hindi Lyos na nakikichismis sa ganap dahil sa urgent meeting na ito.



"We know" Saad ng mga prof. Alam kong alam na nila dahil alam naman na nila sa simula pa lang na tubig ang kapangyarigan ko. "We did not speak because we want you to willingly embrace your identity" Willingly... Kaya siguro noong una akong dalhin ni Shanter sa lugar na iyon ay wala akong makita kahit ano pang turo niya, hindi ako willing na kilalanin ang sarili ko.



"We're welcoming you, Ms. Snowheart" Sabi 'nung babaeng medyo mapula ang buhok at kahit may katandaan na, ang ganda pa rin niya. Nagliliyab din ang mga pupils niya at mapula-pula rin ang labi niya. Parang pamilyar ang gano'ng itsura sa akin at mukhang may kilala akong gano'n din ang aura. "I'm Fire, Fire Riarchy" Inilahad niya ang kamay niya sa akin.



Teka... NANAY SIYA NI SHANTER?



Nakipagkamay na lang ako sa kanya kahit hindi ako sigurado kung 'yun ba ang ibig niyang sabihin. Wala akong alam sa gestures nila at the last time na may gan'to, tinanong ko pa kay Gilbert kung anong gagawin ko para makasabay ako.



"We'll leave this matter to you, Mrs. Riarchy" Nagtayuan naman ang mga prof at tumango si Mrs. Riarchy sa kanila. Gaya ng mga prof ay tumayo na rin ang mga students at mukhang handa na silang umalis. Aalis na rin siguro ako, 'no? Tumayo na rin ako at akmang sasabay sa mga kasama ko sa House of Lyos nang magsalita si Mrs. Riarchy. "Where are you going? You'll stay here"



"Ho?" Gulat akong tumingin sa kanya. Matatali na naman ako at madadawit kay Shanter kapag nagkataon. Gusto ko munang manahimik ang buhay ko dahil nagawa ko na ang pakay ko pero parang magugulo na naman ang buhay ko at wala akong choice.



"Let's wait Shanter and then we can go" Sigurado akong hinihintay na ako nila Moira ngayon. Hindi ako makatanggi sa kanya at mas lalong hindi ko alam kung paano ko malulusutan 'to. "I know it's awkward but, don't be. Lily and I are good friends" Kwento niya sa akin.



"Kilalang-kilala n'yo ho ang totoong nanay ko?" Ta*na alam ko namang oo pero wala akong alam na pwede naming pag-usapan kaya 'yun na lang ang tinanong ko. Kasalanan 'to lahat ni Shanter, kung sinamahan niya sana ako ay hindi ako maiiwang tatanga-tanga ngayon.



"Oo naman, batchmate din kami gaya n'yong dalawa ni Shanter" Kumukulo talaga ang dugo ko tuwing maririnig ko 'yung pangalan ni Shanter. Nasaan na ba kasi 'yun? Kailangan ko nang manahimik at magpahinga. Hindi ako sanay sa maraming tao at lalong-lalo na kung may kinalaman sa kanya. "She's a good person just like Arthur"

He Had Fallen [On Going]Where stories live. Discover now