"I'm starving" Hindi ko naman pinansin si Shanter dahil sa sinabi niya. Halos magda-dalawang araw na rin kaming naglalakbay dahil mukhang malayo-layo iyong lugar na tinuturo sa amin ng bolang crystal na 'to.
Nakakaramdam ako ng excitement tapos kaba at the same time. Gusto kong maramdaman kung ano 'yung pakiramdam ng may pamilya plus, biological parents ko pa ang mami-meet ko. Pakiramdam ko sa oras na makita ko sila, ayoko na umalis at lumayo.
"Reign!" Nilingon ko naman si Shanter. Bitbit niya mga gamit namin na mabibigat, sabi niya kaya naman niya pero parang anytime pwede siyang mabalian ng buto. Papansin kasi siya tsaka mayabang. "Madulas diyan" Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Inalalayan pa niya ako habang naglalakad.
"Kaya ko sarili ko" Mataray na sabi ko sa kanya. Natawa lang siya ng bahagya pero hindi niya pinansin ang sinabi ko sa kanya. "Malapit na ba tayo sa village? Gusto ko munang magpahinga doon" Sambit ko. Tuwing gabi kasi humihinto kami sa mga parang hotel para magpalipas ng gabi. Hindi naman ako gano'n katanga para piliting gumising ng 24 hours.
"Bakit ako tinatanong mo? Nasa iyo ang daan" Umawang naman ang bibig ko bago ko marealize na nasa akin nga 'yung way. "HAHAHAHA sara mo bibig mo, mukha kang tanga" Binawi ko naman sa kanya 'yung kamay ko saka siya hinampas.
"Hindi dahil sinamahan mo ako eh magiging oks na talaga tayo" Akala ko pa naman ay kahit ngayon lang, magiging ayos kami ni Shanter pero mukhang malabo dahil ngayon pa lang nagsisimula na namang mag-init ang dugo ko sa lalaking 'to.
"May dala ka bang toothbrush? Amoy na amoy na kita eh" Kinuyom ko ang kamay ko. P*ny*ta talaga 'tong lalaking 'to! Hindi na siya nagbago at mas lumalala siya kada araw. Sising-sisi akong hinahayaan ko siyang sumama sa'kin ngayon. Parang dala-dala ko si Satanas sa journey kong 'to.
"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo. Taena mo Shanter, makaganti lang talaga ako sa'yo, humanda ka" Reklamo ko naman. Malaman ko lang talaga kung saan siya takot. Sa gagamba? Palaka? Ahas? Dadalawin ko siya hanggang panaginip. Ipapakulam ko pa.
"Anong ihaha--" Biglang may liwanag na nakakasilaw ang lumitaw sa harapan namin. Hindi ko alam kung ano 'yun pero malakas ang kutob ko na hindi maganda ang dulot 'nun. "Reign!" Niyakap naman ako ni Shanter at mukhang ipanghaharang niya ang katawan niya.
Mabilis ang mga pangyayari. Hindi rin nasundan ng mata ko ang bagay na iyon
"S-Shanter" Ngumiti lang siya sa akin. Gusto kong kumawala sa yakap niya at tignan ang nangyari sa kanya. "Hoy! Taena mo gumising ka. 'Wag kang magbiro ng ganiyan hayop ka!"
YOU ARE READING
He Had Fallen [On Going]
FantasyShe's simple with only few wishes in her life. Then again, she became the luckiest woman who will enter a famous with a mysterious school history. Is she still lucky? Is it true? Was everything really a coincidence only?