Chapter 7: The Arrival

18 5 0
                                    

"Reign!" Nasa malayo pa lang ako ay naririnig ko na agad 'yung sigaw nila. "We missed you!" Agad naman akong tumakbo ng mabilis papalapit sa kanila. Aminin ko man o hindi, namiss ko rin naman sila kahit na gusto kong mapag-isa.



"Atria girl mag-alcohol ka muna bago mo ako yakapin" Ngumiti naman ako ng sobrang lawak dahil d'un. Namiss ko rin ang pagiging ganiyan ni Moira at walang nag-aabot sa'kin ng alcohol sa clinic kaya namiss ko rin 'yun.



"Ang arte mo ha, ayaw mo tumanggap ng dalaw" Umawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi ni Shyrah sa akin. "Palagi ka naming pinupuntahan 'no!" Wow ha parang sinasabi niyang dapat akong bumawi.



"Bumawi ka sa'min, Reign" Pagd-demand sa'kin ni Dreamly. Nagiging normal na ba ang lahat dahil naiirita na ako sa mga nangyayari ngayon pero may halong saya at pagkamiss ang nararamdaman ko.



"Una na ako" Napatingin naman ako kay Shanter. Ngumiti siya sa amin bago siya tumalikod. Ano bang dapat na sagot ko? 'Wag? Wait? Alis? Okay? Lumayas ka? Hindi ko alam pero nab-blanko ako sa mga oras na 'to at wala akong idea kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya.



"Umm Shanter" Lumingon naman siya sa akin at parang tinatanong sa'king kung ano 'yun o kung bakit ko siya tinawag. "Salamat..." Hindi ako sanay magpasalamat dahil wala namang tumutulong sa'kin kaya medyo awkward ang pag-e-express ko ng gratitude.



"HAHAHAHA wala 'yun! Sunduin kita bukas! Una na ako" Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti. Tumingin na rin ako kina Shyrah at niyakap nila ako.



"Nakakatakot matulog mag-isa, Reign" Sabi ni Dreamly at napa pout pa siya dahil sa ginawa niya. "Tara na!" Hinila naman nila ako papunta sa dorm naming dalawa ni Dreamly.



Kakapal naman pala ng mukha nila. Dorm namin 'to pero parang sila ang nasusu--



"What the heck?" Napanganga naman ako nang bumungad sa'kin ang loob ng dorm namin. "Pangarap mo bang magkaroon ng flower shop, Dreamly?" Napakamot naman silang tatlo dahil sa tanong ko. Ang dami-daming bulaklak at talagang sa kama ko pa nakalagay!



"Mags-spray muna ako mga girl para mawala ang germs" Umiling naman ako nang magspray muna si Moira at parang hindi naman nila maexplain kung anong nagaganap ngayon sa dorm naming dalawa.



"Habang nasa clinic ba ako eh pinaglalamayan na ako?"



"HAHAHAHAHAHA tangek!" -Dreamly.



"Ambisyosa ka Atria girl! Ang mahal ng mga bulaklak. Kahit ilibing ka pa, hindi kita bibigyan" -Moira.



"Siz pinaglamayan ka na ni Shanter" Napawhat the hell naman ako dahil sa sinabi niya. Like t*ng*n*? Ang sweet sweet niya lang sa'kin kagabi--



Sweet? Ano?! Hindi siya sweet 'no! At bakit naman siya magiging sweet? Normal lang na yakapin niya ako dahil malungkot ako kagabi!



Sweet sweet pinagsasabi mo riyan, Reign!



"Napakasama talaga ng pag-uugaling meron siya! T*en* mo Shanter! K*ng*n*!" Gigil na gigil na sabi ko dahil sa sobrang sama ng loob ko sa pangit na 'yun!



Gano'n 'yung way niya para iconsole ako kagabi tapos pinaglalamayan na pala ako ni pangit habang wala ako? Napaka!



F*ck you Shanter!



Isa-isa ko namang hinagis 'yung mga bulaklak papunta sa may basurahan. Walang pwedeng pumigil sa'kin dahil naiinis ako! Sobrang naiinis ako ngayon!



He Had Fallen [On Going]Where stories live. Discover now