Chapter 4: Duel

22 4 0
                                    

"What are you doing here Mr. Riarchy?" Inis ko namang binagsak ang ulo ko sa table ko nang marinig kong sinabi iyon ng prof. ko. Talagang hindi ako tinantanan ni Shanter at paulit-ulit na lang niyang sinisira ang araw ko. "I believe you're a second year and--"



"Can I join your class?" Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa sinabi niya bago tumingin sa labas at tinanaw ang ibang student na naglalaro sa ng mga magic nila. I wanna go out..



"S-sure, you can sit-- there! Besides Ms. Fabiano" Napatayo naman ako bigla dahil sa sinabi ng prof ko. Buong klase ay lumingon sa direksyon ko nang nagtatakha. Sa dinami-rami ng vacant seats sa classroom na 'to, talagang sa tabi ko pa!



Napuno na ng malas ang buong buhay ko...



"Is there something wrong Ms. Fabiano?" Takhang tanong ng prof ko at narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Shanter. Bumuntong hininga ako at umiling sa prof ko kaya tinanguan ako nito. "Take your seats" Bakit ba kasi kailangan ko pang madawit sa lalaking 'to? Alam kong magic partner kami pero kahit minsan naman sana tantanan niya muna ako.



"Hindi ka ba masaya na nandito ako?" Aba! Ang kapal pa ng mukha niyang itanong. Mukha bang masaya ako? Hindi pa ba halatang ayoko siyang makita at ayoko ring madamay ako sa kanya? Pero nakakatakot kasi 'yung side effects kapag tinanggi ko ang magic partner ko. "Ms. Snow--"



"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong Fabiano ako?" At ano bang problema niya at pilit niyang sinasabing Snowheart ako? Kung wala lang talaga kami sa Acad baka nakaganti na ako. "Tama ka, hindi ako masayang nandito ka. May klase ka naman pero pumapasok ka sa klase ng iba. Naiinggit ka ba?" Iritadong tanong ko. Ang daming classroom na pwede siyang magstay pero bakit dito pa?



P*ny*m*s talaga!



Umupo siya sa tabi ko. Hindi nakabutones ang polo niya kaya parang ang cool niya tignan. Kitang-kita ko pa ang plain white shirt niya dahil hindi nakabutones 'yung uniform niya. Tuwing humahangin naman ay nililipad ang pula niyang buhok at mas lumalabas iyong maganda niyang itsura tuwing lilitaw ang noo niya. Alam kong nagtataglay siya ng apoy pero parang nagb-blush lahat ng kung anong meron sa kanya kaya... Sige sabihin na natin ang gwapo niya.



Hindi siya gwapo 'no...



"Bakit nandito ka?" Tanong ko naman sa kanya kaya nilingon ako nito. Nacurious ako dahil mukhang hindi niya ako titigilan. Gusto ko nang tahimik na buhay. "Gusto kitang makilala?? We're magical partners" Saad niya kaya napa-tsked ako. "You're avoiding me"



"Dapat ba hindi?" Sarcastic kong taong. "Mahirap kaya magtiwala 'no! Kahit nga kamag-anak mo pwede ka nilang pagsamantalahan. Wala kang pwedeng pagkatiwalaan sa mundo!" Tumingin siya sa akin nang hindi makapaniwala. Weird--

He Had Fallen [On Going]Where stories live. Discover now