CHAPTER FIVE
Angelo.
Ang dilim ng gabi, dahil na rin siguro sa pag-iisip.
Ano na kayang nangyari sa kaibigan ko?
Magmula ng makita niya kaming magkatabi,
Hindi na niya ako pinansin sa buong maghapon.Napapasimangot na lang ako, sa kawalan ng magawa.
Hindi ko kayang paraanan ang walang kasiguraduhan.
Naghihinala lang naman ako, pero ngayon hindi na.
Lalo na sa pagtingin niya kay Danhei kanina.Buong akala ko, kaibigan lang.
Pero sa paraan na yun, higit pa yata.
Ipagpapabuntong-hininga na lang.
"Oh, Yanmira...ikaw na naman."Kung kailangan kong may aminin,
Oo, may gusto ako sakaniya.
Pero hindi rin naman nagtagal,
Nagkailangan kasi sa kami sa huli.Mas mabuti na rin siguro,
Na ang pagtingi'y nakatago.
Mas ramdam kong kaya kong kumilos,
Ng walang nakakatalos.Kapag ba lahat tayo naramdaman ang kakaibang epekto,
Pareho na tayo ng tadhanang madadayo?
Kapag ba, pareho kaming may gusto sa isa't isa...
May pag-asa bang maging magka-ibigan?Hay! Nakakapagod isipin nang isipin.
Kung hindi ka naman ang laman ng isip niya.
Kapag naman nagkaklase, sakaniya ka nakatingin.
Pero, ang paningin niya ay nasa iba.Minsan, ngumingiti na lang ako sa kawalan.
Bakit ba napakatanga ng umaasa,
Gayong halata namang walang pag-asa.
Normalize blaming tadhana, biro lang!Pinaktitigan ko ang mga bituin,
Huwaw! Hindi naman kumikislap.
Ewan ko ba kung bakit nila iyon sinasabi...
Kitang-kita namang walang kinang, diba?Kapag nalulungkot ako...
Itinatago ko na lang.
Bakit ko pa ipapakita,
kung wala namang umiintindi, diba?"Hay... Ang buhay nga naman!"
Palagi na lang akong pinaglalaruan.
Kung kailan naman masaya ako sa unang araw,
Pagkarating naman sa dulo, parang wala lang.😬😐😭🙂
Ang panget yata. Naligaw na ako.

YOU ARE READING
Ang Love Story ni Yanmira (On - Going) - (SLOW UPDATE ✔️)
PoëzieThis artwork was originally written as a story, but since I couldn't write any chapters and think of any events that may happen...I decided to make this a POEM, where I can update more and enjoy writing. That's all thank you. Ang tulang ito ay paw...