TANGGAP

5 0 0
                                    

ANGELO

Ang pagsinta'y hindi man naibalik,
Nang Yanmira'ng aking iniibig.
Ang tangi lamang hiling,
Pakikutungo'y hindi magmaliw.

Ang buhay niya ay aking tanggap,
Gayon din ang desisyong kaniyang naapuhap.
Wala akong karapatang mangialam,
Sa pagpapasiyang kaniyang itinuran.

Puso ma'y mahigpit ang gapos,
Ngunit hindi ako magpapakalamon,
Sa lungkot at pighati ng panahon,
Dahil sa pagkakaibigan ako muling aahon.

Sa higpit nang aking pag-asang pareho
Tayo, Yanmira, nang pagtibok ng puso,
Sa huli, nagkamali ako at nabigo.
Takot at kaba ang nanahan sa iyo.

Gayunpaman, tagos sa puso ang pag-intindi,
Hindi ako kailanman magsisising umamin.
Ang nadamang pag-ibig ay walang masamang hangarin,
Sa iyo lamang ay gusto kong iparating.

Sa susunod na pagkakataon,
Kung bibigyan man tayo nang ganoon.
Hiling ko rin na pag-ibig natin ay sumang-ayon,
Sa agos at daloy ng panahon.

Ang pasasalamat sa huli ay hindi kaaya-aya,
Dahil alam ko namang hindi pa tayo tapos.
Ang kwento natin ay may sunod pang kabanata,
At hindi pa tuluyang mauupos.

Dito muna ako at hihintayin ang pag-ibig na malaon,
Kung hindi mangyari, ikaw na lang ang hihintayin ko.
Taos puso akong nangangako,
At ang pangakong ito ay hindi kailanman mapapako.

...

[A/N: Okay so, naisipan kong magsulat na naman nang panibagong tula kasi bored ako. Napaisip nga rin ako kung dapat ba maglagay na rin ako nang bago uling libro na puro tula para sa mga iniibig ko. Shala. Chariz.

Anyways, thank you for reading. Please support and hearts.

don't forget to vote your favorite parts and add this on your library.

Thank you!]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Love Story ni Yanmira (On - Going) - (SLOW UPDATE ✔️)Where stories live. Discover now