𝐌𝐮𝐭𝐲𝐚: 17

872 48 1
                                    

*Jasmin's P.O.V*

Location: Battle Arena


Saktong huminto ang kotse ni Jack sa labas mismo ng gate. Kaya bumaba na ako at astang papasok ng hinarang ako ng guard.

Nakalimutan ko. Kailangan nga pala ng user dito.

"Hindi pwedeng pumasok ang mga istudyante dito" Mayabang na sabi ng isang kalbo. Pasiring kung inilipat sa kaniya ang paningin ko at bago tinignan ang suot ko. Suot ko ngayon ang sando ko at ang palda ng uniform namin naka school shoes pa ako.

Napataas ang kilay ko. "Myrr" Halos pabulong kung sabi sa kanila para kami lang ang makarinig.

Gulat naman silang napatingin saaken. "P-pasok po. Pasensya na. Hindi niyo ho kasi suot ang maskara niyo." Kinakabahang sabi ng isa. Ngumise ako. "Wala naman akong balak magpakilala sa kanila. May kailangan lang ako. Salamat." Tinapik ko pa ang balikat ng kalbo at pumasok na sa loob.

Bali pagpasok mo sa gate eh may building pagpasok mo sa building pumunta ka sa basement ng building at nandoon ang Battle Arena na tinatawag nila. Andito narin ang mga taga H.H ni Ate Ash.

Hehehe. Hindi parin talaga siya nag-babago. Mabait parin yun kahit hindi halata.

Napapatingin ang iba saaken kaya kinuha ko ang dala kung panyo at tinakip sa mukha ko at tinali sa likod bali kalahati lamang ng mukha ko ang nakikita nila.

"Who's that?."

"Naligaw ata. Mukhang estudyante."

"Naghahanap ata ng away."

Hindi ko na pinansin ang mga bulungan nila and besides hindi naman sila ang magbabayad saaken. Pag natapos ko na ito.

Agad na hinanap ng mata ko ang Toronto Raptors Gang. At dahil familiar at talagang kilala ko ang iba sa kanila ay mabilis ko silang nakita at nasa Battle Ring pa talaga ang mga loko. Taas ng pangarap ah.

Wala akong sinayang na oras kundi ang pumunta sa tabi ng Emcee na parang gulat dahil sa biglaang pag sulpot ko.

"Hinahamon ko ang Toronto at Golden." Malamig na bulong ko sa Emcee agad naman nanlalake ang mata niya pero wala siyang magawa ng panlakehan ko siya ng mata. Ayan! Ganiyan nga matakot ka sa mga mata ko. Eye of the Tiger yata to ano!.

Nakatayo lang ang Toronto ngayon sa stage habang kinukuha ng mga medic na gangsters ang mga katawan ng mga binugbog nila. Sa Battle Ring, may dalawang rule

Ang unang rule. Bawal pumatay

Ang ikalawa. Bawal ang armas.

Pwede kang gumamit ng kahit anong technique basta bay walang dayaan dahil siguradong hindi ka makakalabas dito ng hindi malamig na bangkay ang pang-abot mo.

"Gangsters!!. May isang matapang at maangas na naghahamon sa ating dalawang grupo! Sa Toronto at Golden Gangs!. Please come on stage. Golden State Warriors Gang." Napalingon ako sa Emcee ng nasa taas na ito na parang stadium na para sa kanila ata. Matagal na ako dito pero hindi ko alam ang tawag diyan.

Nakita kung pumunta sa gitna ng Battle Ring ang Golden. Putspa!. Mahigit bente ang kalaban ko!. Bahagya akong nagulat pero nagpatunog narin ako ng daliri ko.

Mas marami mas bloody.

"Hindi niya sinabi ang pangalan niya. Pero maari kabang pumunta dito sa loob ng Battle Ring?" Tumayo ako matapos sabihin iyon ng Emcee.

Naghiyawan ang lahat. Mabilis akong umakyat sa ring dahil may kataasan ito ng kaunti. At ngayong kaharap ko na ang nakaagrabiyado sa mga pinsan ko na hindi ako sigurado kung sinong nagsimulang talaga.

"Maari mo bang sabihin ang pangalan mo?" Nakangiteng sabi ng Emcee at inilapit saaken ang Mic.

"Lady M" walang ganang pagpapakilala ko at hindi paman nagsisimula ang timer at ang bell ay.

*BLAAAAGGG!*

Napaatras ang emcee at ang mga nanonood at ang kakampi nitong mga gang sa harapan ko ng bigla kung sipain ang pinakaleader nilang lahat sa panga. Bali parang side kick lang siya pero alam kung masakit.

Ako ang tumira eh. At sigurado akong mabilis pero mabigat iyon.

Umangat bahagya ang sulok ng labi ko ng mawalan ito ng malay dahil sa lakas. Hindi ako nagpakahirap na maging black belter ng Taekwondo at Judo para lang sa wala.

Kaya! ATTACK!!!

The Section DWhere stories live. Discover now