𝐌𝐮𝐭𝐲𝐚: 22

704 52 2
                                    

*Jasmin's P.O.V*



"What did you do to her?"

"Are you accusing me, asshole?"

"I didn't say a word."

"Shut up to the both of you!"

"You shut up, Jam!"

Nakarinig ako ng murahan kaya nagising akong bigla. Naabutan ko ang tatlong bulto ng lalake na nag-aaway sa paanan ko. Hindi ako gumalaw kaya walang nakapansin ni isa sa kanila na gising na ako.

Si Mr. Green eyes, Si Jam at si Kuya Ally. P-patay.

Bakit andito si Kuya Ally?. Bakit andito ako? Asan 'to? Anong lugar to? Impyerno? Di biro lang. Kinakabahan na kasi ako.

Napatingin sila saakin kaya kunyare natutulog parin ako.

"K-kai" kunyareng pinapanaginipan ko si Kai. Tignan natin kung ano ang reaksiyon nila. Sumilip ako kaunti at nakita kong naka poker face si Mr. Green eyes, Si Jam na naka hawak sa noo niya at si Kuya Ally na matalim kung makatingin saakin. Kulang nalang tuluyan na ako para hindi na talaga ako magising pang habang buhay.

"K-kai, I n-need you in my life. C-comeback p-please" Pagsasalita ko parin kunyare talaga na-nanaginip. Iba ang comeback na ibig kong sabihin. Comeback na magpakita na ulit siya--sila. Comeback with new album. Last time kasi DFTF ang special album slash comeback nila.

"What the hell?!"

Guess who? No other than Kuya Ally.

"The first love of the sleeping beauty. Kim Kai" Naiiling na sabat ni Jam sa kanila. Muntik pa akong mapatayo dahil sa sinabi niya. Sino-stalk niya ba ang Nini Bear ko at alam niya ang palayaw?!

"What the? You know who is that guy?" Matalim na tanong ni Kuya Ally kay Jam. Sumisilip parin ako para makita sila.

Jam nod. "Yeah actually, They were twelve." Puta ka Jam! Nakiki-We Are One ka pala hindi mo sinasabi sinabihan mo pang bakla si Chanyeol ko.

"And you know about this?. How long?!"

"Ilang years narin" Jam whistled. Hindi ko na matiis kaya nagising na ako kunyare at inilibot ang paningin. Alam kong nasa clinic ako. Hindi ako tanga.

"J-jam. Kuya Ally... Mr. Green eyes" I uttered kaya napatingin sila saakin.

Unang lumapit si Jam saakin at sinipat ang noo ko.

"Ikaw babae ka, alam mo na mabilis kang lagnatin pag hindi ka kumakain diba?" Kaagad niyang sermon saakin at niyakap ang ulo ko.

"Lol. Kalma ako lang 'to." Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Wag mong sirain drama ko. Anong kalma? Akala ko may cancer ka." Kunyare ay concern daw siya kuno.

"Loko! Ipapasa ko naman sa'yo."

"Wag mong ipanalangin. Ihuhulog kita sa bangin."

"Stop to the both of you." Kuya Ally.

Humiwalay saakin si Jam at umupo sa tabi ko. Umupo rin ako kasi nangangalay na ang likod ko.

I skipped breakfast pala kanina. Kaya siguro nalagnat ako.

"Ikaw. Exit na" Ani niya kay Mr. Green eyes. Bastos tong kapatid ko na'to.

Tumingin muna saakin si Mr. Green eyes at walang salitang lumabas ng clinic.

"Who's Kai?" Kaagad na tanong ni Kuya Ally kaya napatingin ako sa kisame. Iwas kaagad. Kunyare walang alam.

"Aside from asking who's Kai kuya. Hindi mo ba ako kakamustahin kung okay lang ako?." Nakangusong sagot ko sa kaniya. Nasa kisame parin ang tingin.

Hindi na siya nagsalita at narinig ko nalang ang pag-alis niya. I sigh. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang liko ng utak ng isang ka-triplets ko.

"He's weird." I mumbled.

"He is. Pero kailangan na kitang iuwi. Bukas ka nalang pumasok." Sabi ni Jam.

Napakamot ako sa batok ko. "M-may kailangan pa kaming gawing project." Sagot ko sa kaniya.

"No. Hindi ka papasok. I already talk to your professor at exempted ka today. I won't risk your situation." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. Hindi naman nagulo kasi naka-donut.

"Mahal mo'ko Jam no?" I joked.

"Mahal kita kaya tara na."

The Section DWhere stories live. Discover now