𝐌𝐮𝐭𝐲𝐚: 9

1.1K 72 0
                                    

*Jasmin's P.O.V*

Hindi ako mapakali habang naka-upo ngayon sa upuan ko sa bandang dulo. Nag le-lecture si Miss. Angel ngayon.

" So, Mr. Tuazon at the back! Kindly stand up " umalingaw-ngaw ang boses Miss. Angel sa buong room. Napalingon naman ako sa likod. Pati narin ang iba pa.

May lalakeng naka jacket na itim may triangle shape na kulay silver earing sa kaliwang tenga. Bored lang siyang tumayo at tinignan ako ng masama ng makita niya akong nakatingin sa kanya. Psh! Sungit ni pareng triangle.

"Where do you find 'Mask Of Young Man? " tanong ni Miss. Angel. Ampvta! Hindi namin pinag-aaralan to eh. Pero nabasa ko to sa isa sa mga libro sa bahay kapag bored ako.

" Haida, Northwest Coast Indians, North America. Miss Angel " bored na sagot ni Pareng Triangle. Woah! Matalino pala to?!

" As expected. Sit down. Ms. Guiterez, stand up! " taranta akong napatayo dahil sa utos ni Miss. Angel. Damn! Kinakabahan ako! >_<

Ngumite siya. Masama ang pakiramdam ko dito huhu. T_T

" Twisted Face Mask? " nakangiteng tanong niya. Napa-isip naman ako

Teka! Saan nga yon?. Alam ko na!.

" Iroquois, Cayuga Tribe, New York State " medyo kinakabahan kung sagot. Pumalakpak si Miss. Angel.

" Bravo!, sit down, you're indeed smart " papuri niya pa. Ngumite nalang ako at umupo. Ang sama kasi makatingin nung si Pareng Triangle. Pati narin ang iba pa. Huhu pasalamat sila at marami sila ano. Kung hindi kanina pa kami nagsi-rambol dito.

Naglelec. Ulit si Miss. Angel ng may kumatok sa pinto. Napalingon kaming lahat sa pinto.

" Come in! " wika ni Miss. Angel habang ang atensyon ay nasa board parin.

Unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa nun ang lalakeng naka salamin. Afuuu nerd na cute!. *0*

Parang nanginginig ngalang siya. Sabagay, kanina nga halos maihi na ako sa kaba eh.

" M-miss Angel, meron p-pong e-emergency meeting a-ang lahat ng n-nasa faculty pinapatawag p-po kayo ni D-Dean " nangangatog na sabi nung nerd. Napailing nalang ako. Andito pa naman si Miss. Angel hindi siya sasaktan ng mga kaklase ko.

" Okay, thank you Niel " nakangiteng sabi ni Miss. Angel bago bumaling saamin.

" So I guess this is all for today, goodbye students, study well " sabi niya at kinuha ang mga papel sa ibabaw ng table bago umalis kasama nung si Niel daw.

Eto na talaga ang katapusan ko. Mommyyyy help me hereee!, I'll surely die anymoment if they come near me!.

" You! " turo saakin ng naka-sando. Napaiktad naman ako.

" H-hehe? Bakit po k-kuya? " kinakabahan kung tanong. Dapat mabait ako noh. Baka bangasan nalang ako bigla dito. Sure akong masakit 'yon.

" Kindly tell us where the hell do you came from? " ay jusko po Lord mainit na agad ang ulo niya.

" K-kuya sa sinapupunan po ng nanay ko hindi sa impyerno " sagot ko. Hayss. Hindi naman ginagamit ng lalakeng to ang common sense niya. Sayang gwapo pa naman.

Poker face niya naman akong tinignan. " Are you making fun with me? " tanong niya. Umiling naman ako. Hayys ano ba naman to si kuya, mukha ba akong clown para magpatawa?.

" Di po kuya ah!, sinagagot ko naman tanong mo eh " nakangusong tanong ko.

Lumapit siya saakin at umupo sa unahang upuan at humarap saakin. Pabaliktad ang porma niya.

-_-

" Totoo bang triplets kayo? " tanong niya medyo slang pa.

Mabilis akong tumango. " Opo, hehe bakit po? " tanong ko.

" Nevermind, forget what I've asked " sagot niya at tumayo bago bumalik sa upuan niya.

Walanjo. -_- ang ganda kausap ng ungas.

The Section DWhere stories live. Discover now