*Jasmin's P.O.V*Nagkaklase si Sir. Alf habang ako ay hindi mapakali sa kinauupuan ko. Shit! Hindi mawala sa isip ko ang excitement. Album! Album! Wait for me. Hindi kasi ako nakabili dahil sold out na sa lahat ng market. Pero alam ko kahit maloko ang mga pinsan ko bibilhan talaga nila ako.
Naalala ko pa one time. Hinarap ko ang kaaway nila kapalit ng candy na makikita mo lang sa Neatherland. Kaya ayun pumunta talaga sila doon at bihilhan ako ng isang karton. Nagalit pa si Kuya Ally dahil bakit daw nandoon ang mga pinsan namin at ako pa ang dinalaw. May pasalubong pang dala.
"Guiterez!"
Napatayo ako dahil sa sigaw ni Sir. Alf nakatingin rin saaken ang mga kaklase ko. Binalik ko ang tingin kay sir. Alf. Actually bata pa si sir, mga nasa mid's twenties lang siguro siya dahil baby face pa.
"B-bakit sir?" Tanong ko at bahagyang iniayos ang damit ko. Math pa naman ang klase namin ngayon.
Mathulog
"Are you listening?" Tanong niya kaya napakamot ako sa batok ko at tumango. Sorry serr masyado akong excited hehe.
"Hmm. Then answer my question" sabi niya habang malalim na nakatingin saaken. Napalunok ako at tumango
"A square has an area of 120 square centimeters. What is the length of its diagonal?"
Napaisip ako at pilit na kina-calculate sa isip ko ang sagot.
"Ahm. 15.4833 cm, sir?" Patanong na sagot ko.
"Why aren't you sure?" Tanong niya pabalik.
"Wala lang sir. Baka kasi mali" nahihiyang sabi ko. Kaya pumilantik ang kamay niya sa ere.
"Genius" He mumbled bago ngumite saaken.
"Sit down" nakahinga ako ng maluwag at umupo bago ibaling ang tigin ko sa notebook ko na mukha ng slambook. Nakasulat doon ang mga pangalan ng mahal kung exo.
Gaya ng, bakit ko sila mahal?, bakit bias ko sila? Bakit sa dami ng Groups sila ang napili ko?. At marami pang iba.
Nakangite kung isinarado ang notebook ko at ibinalik sa bag ko. Ngayon ko lang rin napansin na tapos na pala ang klase.
Grabe malala na ata ako bhie. Inayos ko ang uniform ko at tinext si Jam.
Send txt message to: Jam
'Huwag mo na akong hintayin. May gagawin pa'ko. Sa bahay mo nalang sabihin'
Send ko at mabilis na ibinulsa ang cellphone at lalabas na sana ng room ng harangan ako ng lalakeng naka sando. Yung lalakeng kanina rin.
"Bakit po?" Tanong ko sa kaniya at binuksan ang isang butones ng blouse ko para sa meet up with my cousins enemy mamaya.
Namumula ang mukha niyang iniiwas ang tingin saaken. "S-saan ka pupunta? May pupuntahan pa tayo" maangas na sabi niya pero namumula rin ang tenga niya. Lah!
"Pwedeng i-email niyo nalang? May emergency akong pupuntahan eh" nakangusong sabi ko at pinagdikit ang hintuturo ko.
"Hindi pwede" matigas na sabi niya kaya napayuko ako para hindi siya mabangasan.
"Ah kahit sandali lang?" Tanong ko kahit nakayuko pero ang mukha ko ay padilim na ng padilim.
Peste! Pag yung album ko hindi ko nakuha ililibing ko to ng buhay.
"Saan bayan pwede ba kaming sumama?" What the?!
Hindi. Hindi pwede.
"Ahh. Ano kasi"
"Edi sasama ka samin" no choice. Sorry mga insan.
"Sige. Sumama na kayo sa'ken." Nakayukong sabi ko. At inilagay sa likod ko ang kamay ko at iniyukom yun. Dinig ko pa ang tunog ng daliri ko.
Excited na ako sa labanan!
YOU ARE READING
The Section D
Novela Juvenil_____________________________________ Mabait ako sa mabait Mas tuso ako sa tuso Kaya kitang burahin sa mundo kung gusto ko. Sa inosenteng mukha ko? Akala mo isa lamang akong normal na tao gaya ng iniisip niyo? Isang malaking pagkakamali ang nakita...