𝐌𝐮𝐭𝐲𝐚: 26

979 53 14
                                    

*Jasmin's P.O.V*

"Sigurado kabang sa bahay talaga titira 'yan?" Bulong na singhal saakin ni Jam habang nagmamaneho siya ngayon pauwi sa bahay at pasulyap-sulyap sa bata sa likod ng kotse.

Inirapan ko ulit siya at tinaasan ng kilay. "Oo naman. Kawawa naman 'yung bata, alam mo, Jam? Wala kang puso." Sagot ko sa kaniya at tinignan niya ako ng masama pero nginitean ko lang siya at nag peace sign.

"Hindi naman 'yon eh. Baka kasi palayasin ka ni Ally at isipin pang anak mo 'yan."

Natigilan ako at napaisip sa sinabi niya -_-
Oo nga no? Baka nga sabihan pa akong pariwarang ina ni Kuya Ally pag nagkataon. Anong idadahilan ko sa kaniya.

"Sabihan ko nalang na anak ng bestfriend ko"

"Wala ka ngang kaibigan, bestfriend pa? Sinong niloko mo? Sarili mo?"  Sagot niya at napahawak ako sa dibdib ko. Ay harsh.

"Masyadong walang filter yang bibig mo, Chanyeol Hater ha!" Singhal ko at tumawa siya.

"Edi halikan mo" Balewalang sagot niya at lumake ang mata ko.

"Hoy! Kadiri ka! Magkapatid tayo" Tili ko at tumawa siya. Wrong move dahil nagising ang batang genius sa likod.

"What happened?" Mabilis niyang tanong ng magising. Lumingon ako sa kaniya at umiling. "Wala, tulog ka ulit. Gisingin nalang kita pag malapit na ay wag na pala dahil andito na tayo." Biglang bawi ko dahil nakalimutan kong ilang kanto lang pala ang layo mula sa bahay.

Hinubad ko ang seatbelt ko at lumabas ng kotse pagkatapos ay pumunta sa likod at binuksan ang backseat kung saan nakaupo ang batang genius.

"Baba na" Sabi ko sa kaniya.

"Carry me." Sagot niya at binuka pa ang dalawang maliliit na braso napa-iling nalang ako bago siya buhatin palabas at sabay kami ni Jam na pumasok sa loob.

"Naging instant mommy ka pa." Sabi ni Jam.

"Shut up." Hindi ako 'yon kundi ang batang bitbit ko.

Nakapasok na kami ng bahay at naabutan namin si Kuya Ally at Kuya Astin na nag-uusap sa living room at sabay silang napatingin saamin ng dumating kami.

Natigilan si Kuya Astin na nagkakape at lumake ang mata habang nakatingin saamin habang si Kuya Ally ay hindi maipinta ang mukha.

"Patay na" sabay na sabi namin ni Jam ng lumapit saamin ang dalawa. Hindi ko nga alam na andito na pala to si Kuya Ally eh. Magka-grade lang naman kami kaya bakit ang bilis niyang maka-uwi? Hmpff. Madayang professor may mga favoritism.

"Who is that kid?" Maotoridad na tanong ni Kuya Ally at inunahan sa pagsasalita si Kuya Astin.

Hindi parin kasi bumababa ang batang 'to sa pagkakabuhat ko. Baka nakatulog na pala 'to.

''Ahh. Anak----"

"Your son?!" Sigaw ni Kuya Ally at napangiwe ako. Hindi kasi ako makakamot sa ulo ko dahil bitbit ko ang tiyanak na'to.

"Hindi! Anak ng nanay ng ka-klase ko!" Mabilis na sagot ko sa kaniya at bumalik naman sa dati ang mukha ni Kuya Ally. Stoic. Naka botox.

"Bakit dala mo 'yan?" Tanong ni Kuya Astin at si Jam na ang sumagot.

"Ayaw ng umalis kaya dinala nalang niya." Sagot ni Jam at sinenyasan akong sumibat na at ganun nga ang ginawa ko.

Mala-flash akong pumunta sa kwarto ko at mabilis na sinarado kahit hirap na hirap na'ko. May bag pa'kong nasa likod at may mas malaking bag pa akong pasan sa harapan.

Tinapik ko ang bata na ayaw umalis mula sa pagkabitbit ko. "Tristan. Gising." Paggigising ko sa kaniya at binaba ko siya sa sahig ng kwarto ko.

"So this is your room." Sabi niya at inilibot ang paningin sa buong kwarto ko.

"Uhuh"

"So comfy. Gusto ko dito." Nakangiteng komento niya at napangite na lang ako ang cute niya.

"Hmm. Wala ka pang gamit at hindi alam ng kapatid mo na dito ka muna." Nag-aalalang sabi ko sa kaniya at nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya.

"He knows. Ako na daw bahala sa sarili ko." Balewala niyang sagot saakin at natampal ko ang noo ko. "Sinabi 'yon ni Triton?" Hysterical na tanong ko at tumango siya.

"Yeah and I don't care about him. I can handle myself anyway." Sagot niya pa at napailing nalang ako. He's matured. Alot.

"Sige, tutal bukas sabado. Mag mo-mall tayo." Announce ko sa kaniya at lumiwanag ang mukha niya.

"Really?!"

"Yep."

Nakangite lang ako at naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko.

From: Jack

Beatrice Guzman is dead

Natigilan ako dahil sa message. Yung syota niya patay! Ngumise ako bago nag tipa ng message para kay Ate Ash.

Send txt message to: A.T.F

You did it aren't you? Thanks! :)
Matagal na'kong nagtitimpi sa gagang 'yon!

I smiled in victory. Finally wala ng higad.

"Ate Jasmin, you're scary."

"Don't be, baby boy."

The Section DWhere stories live. Discover now