Just a little insight, won't make this right. It's too late to fight, it ends tonight.
σσσCHAPTER 5σσσ
Nakasalubong niya si Dennise na mugto ang mga mata. Kunot-noo siya at pinigilan ito sa braso.
"Hey, what happened ? Bakit ganyan ang hitsura mo ? Mukhang umiyak ka magdamag, ah!" tanong niya.
Tinitigan siya nito at agad nagbawi. "And so ? You want to know the reason ?!... Dahil sa yo ! Hindi ko alam na concern na pala sa yo ang boyfriend ko ! Kelan pa ?! Don't you dare see him, Emmeriz ! I hate you !" at agad siyang nilagpasan.
Pakiramdam niya, nanghina siya sa mga narinig niya. Ano bang ginawa niya ? Bakit galit na galit sa kanya ang dalaga ?
***
Ayaw siyang pakawalan ni Dennise. "Babe, sorry na o ! Bati na tayo." giit nito.
Hindi niya kasi ito pinapansin, patunay na hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito noong nakaraang araw. Abala siya sa pagbabasa.
"Babe..." at hinalikan siya.
Doon siya natigil. "Dennise, ano ba... nasa public place tayo." saway niya.
Napanguso ito. "Sige na kasi, bati na tayo." pilit nito.
Napabuntong-hininga siya. "Okay, pero wag mo ng uulitin yun, ha. At kung ano man yung issue natin, satin na lang yon. Wag mo ng idamay yung ibang tao, lalo na yung bestfriend mo."
Ngumiti ang dalaga. "Don't worry, hindi na talaga yon mangyayari. I thought hindi ako magseselos kay Emmeriz pero natablan rin pala ako. So, from now on, hindi na kami magkakasama. So, you don't have to worry." tugon nito.
Nalingon niya ito at saka tinitigan. Kapag ganito ang pananalita ng girlfriend, alam niya na may ginawa ito.
***
Naglalakad siya papuntang library noon. Parang walang nakikita. Bakit apektado siya sa sinabi ni Dennise ? Dahil ba noon lang ito nagalit sa kanya ?
"Because she was my bestfriend, At galit siya sakin." sabi niya sa sarili.
Ano ba yung sinasabi nito na siya ang dahilan ? Na concern na daw ang boyfriend nito sa kanya ngayon ? How come ? Ano siya, pinagseselosan ng dalaga ? Nawala ang lahat ng iniisip niya ng may marinig siyang tumatawag sa kanya. Nalingon niya ito.
"Emmeriz ! Wait !" tawag ni Andrei.
Agad niya itong tinalikuran ng ito ang makita. Pero hinabol siya ni Andrei at pinigilan sa braso.
"Wait... mag-usap tayo." sabi nito.
Napatiim-bagang siya. "Bitawan mo ko. Wala tayong dapat pag-usapan." at sinubukan niyang magbawipero, matigas si Andrei.
Naibaba siya nito sa may hagdan. "Ano ba!" at doon siya binitawan nito.
Seryoso niyang tiningnan ito. "Gusto ko lang malaman kung ano'ng sinabi sa yo ni Dennise."
"Walang sinabi sa kin. Pwede ba, wag mong sayangin ang oras ko. Umalis ka na." at tinalikuran pero muli nitong hinawakan ang mga kamay niya.
Nalingon niyang muli ang binata. "Hindi ako naniniwala. Please, tell me. I want this to be clear. Hindi-------"
"Andrei!!!!" at kapwa sila napatingin sa may-ari ng boses na yon.
It's Dennise. Bakas ang galit sa mga mata nito. Doon niya pinilit na bumitaw. Agad siya nitong nilapitan at sinampal. Tigagal siya doon. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito.
"Dennise !" awat ng binata.
"How could you, Emnmeriz ! Kelan mo pa to ginagawa ?! Kelan mo pa nilalandi ang boyfriend ko ?!" nagngingitngit sa galit si Dennise.
Ano bang nangyayari ? Totoo ba ang lahat ng to ? O panaginip lang ? Sasabunutan siya nito ng sumalag si Andrei.
"Tama na ! My goodness, how could you do this Dennise ?! Nakakahiya !..." at hinarap siya.
"Emmeriz, are you ok------" pero tumakbo na siya palayo.
"Emmeriz !!!" tawag pa ng binata pero hindi na niya yon pinakinggan.
***
Napakuyom ang mga kamao niya at hinarap ang dalaga. Dinadaan na naman nito ang lahat sa pag-iyak.
"B-babe, what's going on ? A-anong ginagawa mo ?" tanong nito.
Nilapitan niya ito at tiningnan. "How about you ? What do you think you are doing ?... Huh, Dennise ? I think you should know by now, I can't handle this anymore. Sumusobra ka na. Wala ka ng ginawang tama ! Ayoko na ! I want this over !" sagot niya.
"W-what do you mean ?" gulat na tanong ng dalaga.
"Break na tayo. Ayoko na sa relasyong to,"
"But why ?! Alam mong mahal na mahal kita tapos makikipaghiwalay ka ?! Ano'ng dahilan ?!"
"Sa sobrang pagmamahal mo, nagagawa mo ng manakit ng ibang tao."
"Bakit ba ibang tao ang iniisip mo ?! How about me, hindi na ba ako mahalaga sa yo ?..." at yumakap ng mahigpit sa kanya.
"Andrei, I can't let go of you. I love you with all my life. You know that, right ?... I'm really sorry... Hindi ko na uulitin yon."
Pero kumawala siya. "Tama na. Hindi ko na rin kayang dayain ang darili ko. Ayoko na, Dennise. Tapusin na natin to." sabi niya at tuluyang binitawan ang dalaga.
***
For all of her life, ngayon lang siya nakarinig ng mga ganong accusations. Gaano ba siya ka-attach kay Andrei ? He's just a mere strannger to her until...
"Until..." Hindi niya maituloy ang sasabihin. Nandito siya sa isang park, kaharap ang isang lawa. Katatapos lang umulan. Matutuyo na lang ang damit niya sa katawan. Ano ba tong gulong napasok niya ? Natingnan niya ang mga kamay. She remembered the way he held her hand, a while ago. Nilalamig na siya. How she wish she could revive the warmth of his hand. Kailangan bang dumating sa puntong, maiisip na rin niya si Andrei, bawat minuto ng buhay niya ?
***
Hindi na niya alam kung saan hahanapin ang dalaga. Gabi na rin, wala naman siyang number nito. Kaya, tinungo na lamang niya ang bahay nito. Sumalubong sa kanya ang mama nitong si Elisa.
"Good evening po."
"Good evening din. Sino sila ?"
"Ah, ako po si Andrei, kaibigan ni Emmeriz. Gusto ko lang pong malaman kung dumating na siya." tanong niya.
"Ah, oo. Kadarating nga lang eh. Alam mo ba kung ano'ng nangyari sa kanya ? Exhausted masyado ang anak ko nung dumating eh. At wala yung bag niya." sagot ng ina na halatang nag-aalala.
"Ganon po ba ? Hindi po ba siya nabasa ng ulan ?"
"Hindi naman siya basa pagdating dito. Pero natutulog na siya ngayon, hijo."
"Hmmm... Thankyou po, tita. Sa school ko na lang po siya kakausapin. Sorry din po kung naistorbo ko kayo." sabi niya.
"Walang anuman. O sige, umuwi ka na at gabi na rin. Ano nga ulit pangalan mo ?"
Ggumiti siya. "Andrei po." at napatango na lamang ang ginang.
BINABASA MO ANG
The Moment I Knew
Teen FictionMan hater is not the best word to describe her. She thought she's just afraid of falling, that she might fall hard, and will hurt like hell. Kaya ayaw niyang ma-attach sa mga boys except to her brother and father. But to anyone else, that's a no no...